Napasalampak ako sa sariling kama habang salo salo ang kumikirot kong sentido. Pangatlong araw na ng burol ng Mommy ni Apollo ngunit hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakapag-usap. Nagpunta kami ng mga ka-opisina ko doon nung unang araw ngunit hindi ko siya nahagilap. Ang sabi ng katulong na naroon ay nagkukulong lang siya sa kwarto at ayaw munang makihalubilo kahit kanino. Naiintindihan ko naman siya. Alam ko ang pakiramdam ng nawalan. Lalo pa at ina niya ang nawala sakanya. Kung gaano kasakit iyon ay walang makakasukat. I know exactly how it feels. Noong nawala ang inay ay halos magwala ako araw araw sa tuwing may makikita akong bagay na nakakapagpaalala sakanya. Halos isumpa ko ang diyos. Ganon siguro ang pinagdadaanan ni Apollo at kailangan niya ng karamay. I sighed. Tumayo ako at i

