Maze Sandra Fort Point Of View
Natatarantang akong gumayak dahil sobrang late na late na ako. Ngayon na ang trabaho ko pero first day palang late kaagad ako.
"Bakit kasi hindi ko na-set ang alarm hayss!"inis kong saad habang inaayos ang mukha ko sa salamin padabog ang ginawa ko dahil naiinis ako.
Naglagay ako ng light na make-up sa mukha at liptint para pagpumasok ako sa trabaho ko hindi ako mag mukhang pulubi.
Tiningnan ko ang orasan para tingnan kung anong oras na. Nanlaki na lamang ang mata ko ng isang oras na akong late napamura nalang ako ng wala sa oras. "Wahh! Late na talaga ako!"
Tiningnan ko muna ang mukha ko ng isang beses. Bago ako umalis ng bahay ko.
Ako nga pala Maze Sandra Fort but you can call me Maze. Alam ko sobrang haba ng pangalan ko pero hindi pa'yan ang full name ko. Mahaba pa dito. Mamaya kona lang sasabihin dahil baka hingalin kayo.
20 years old na ako hindi lang halata.
Nagtatrabaho ako sa isang kompanya na ang pangalan ay Boyar.
Isa 'yung sikat na kompanya at s'werteng nakapasok ako sa trabaho na ito.
"Late kana! Ms. Fort!"napapikit ako ng bumungad sa'kin ang sigaw ng manager namin. Si Manger Kim ang manager namin. Lalaki s'ya at sobrang strict daw n'ya sa pagkakaalam ko.
Yumuko ako para mag-sorry.
"I'm sorry po, promise kopo na hindi na po ito mauulit,"mababang boses na saad ko. Muntik na akong mapatalon sa gulat ng bigla nalang nitong hinampas ang lamesa gamit ang hawak hawak nitong brown envelope.
"Dapat lang! Ang pinakaayaw pa naman ng boss natin ay ang late!"nag-sorry ulit ako. Napakagat ako ng labi. Sana hindi ako masisante ang bago ko palang dito pero ganito na agad.
Napabuntong hininga nalang si manager Kim. "Oh, sige pumunta kana sa office. Papalampasin muna kita dahil bago ka palang dito,"napangiti ako ng malawak nang marinig ko 'yun. Nakahinga ako ng maluwag. Kinabahan ako du'n ah.
"Salamat po, Sir!"napaiwas ng tingin si manager Kim kaya nagtaka ako. Napatikhim ito.
Ibubuka pa sana nito ang bibig nito at mukhang may sasabihin pa pero hindi nito natuloy dahil may tumawag sa kan'ya.
"Manager Kim!"napatingin s'ya sa tumawag sa kan'ya at napaatras nalang ang tumawag sa kan'ya ng sinamaan s'ya nito ng tingin.
Nakatingin lang ako sa kanila.
Nag-senyas ito sa kan'ya na agad nagiba ang expression nito, napatingin ulit si Manager Kim sa'kin. Mukhang may problema sila.
"Pumunta kana sa office,"tumango nalang ako. Umalis na sa harapan ko ang manager namin.
Napailing namang ako.
"Ang weird, bakit kaya gano'n ang reaks'yon ni Manager,"napailing nalang ako. It's not your business kaya wag kang ma-curious Maze! Saway ko sa sarili. Pumunta na ako opisina ko. At nahulog ang panga ko sa sahig ng makita ang office ko.
"Sweet pakening melon! Office paba 'to?!"gulat kung usal nilibot ko ang paningin ko sa office ko. Gusto kong umiyak.
"Hindi na'to office, para na'tong condo!"ang s'werte ko talaga dahil nakapasok ako sa kompanya na'to. This is heaven!
Naglakad ako papuntang sofa at agad na umupo ako doon—hindi pala upo humiga ako. Ang taray ng office na'to may sofa! Nimannam ko ang malambot na sofang hinihigaan ko. Hindi ko alam saan kona nalagay ang bag ko basta ang pake ko ay nasa sofang kinahihigaan ko.
"Ang lambot,"masayang saad ko. Nakapikit pa ang mata ko habang nakahiga sa sofa.
Gusto kong bilhin 'tong sofa na'to pero alam kong hindi ko afford kasi alam kong mahal ito.
Umupo ako at hinanap ang bag ko. Bumaba ang tingin ko sa sahig ng may nasagi ako at nakita ko ang bag kong nakahiga na agad ko 'yung kinuha at kinalkal para hanapin ang selpon ko. Mag se-selfie ako ipapakita ko'to sa mga kaibigan ko papainggitin ko sila.
Natawa nalang ako. Nang mahanap kona ang selpon ko agad akong nag-selfie hindi kona kailangan na mag lagay ng filter dahil alam kong maganda na ako
Nilibot ko ulit ang office ko—I mean namin. Ang weird ba't ako lang nandito? Don't tell me-office kolang 'to?!
"Wah! Ang bait nila sa'kin!"ngawa ko. Hindi ko alam na ganito pala sila ka-considerate sa bago nilang employee and that's me.
Napatigil ako sa pagngawa ng may narinig akong hakbang na papalapit sa office na'to. Hindi ko alam kung dito ba talaga papunta.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
*Playing: Radioactive *( Ringtone )
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ko 'yun. Tiningnan ko ang selpon ko at naalala kong hindi pala ganoon ang ringtone ko. That's mean.....
Tiningnan ko ang pinto.
"Hello,"para akong kinuhaan ng hangin nang marinig ko ang malamig na boses sa labas. Boses lalaki.
"WHAT?!"nahulog ako sa kinauupuan ko nang narinig ko s'yang sumigaw. Napadaing ako ng mahina.
"f**k s**t na malutong, ang sakit,"mangiyak ngiyak pa ako. Hinawakan ko ang balikat ko na s'yang unang nahulog. Napakagat labi nalang ako para tiisin ang sakit. Umupo ako sa sahig at minasahe ang balikat.
"Fuckers! It's just a simple plan, but you didn't get it right!"galit na saad ng nasa labas ramdam kong nawawalan na s'ya ng pasens'ya. Nagulantang ako doon ah. Tumayo na ako at dahang-dahang lumapit sa may pintuan dahil curious ako sa sinasabi n'ya alam kong maling makinig sa usapan ng iba pero hindi ko mapigilan.
"Just kill him,"nanlaki ang mata ko. K-Kill? As in patayin? Napatakip ako ng bibig pero maya maya ay napailing nalang. Hindi na bago sa pandinig ko na'yang threat na'yan.
Humiwalay ako sa pinto ng marinig ko ang footsteps nitong papunta nga sa office ko. s**t! Bigla akong nataranta.
Bago pa ako makatago bumukas na ang pinto. Nakatayo ako at nakatalikod sa pintuan kaya hindi ko makita kung anong itchura ng lalaki.
"WHO THE f**k ARE YOU?!"dumadogdong ang malakas nitong boses sa office ko.
Matapang na humarap ako sa lalaki at napanganga ako ng makita ang itchura n'ya.
"Oh my gulay! Kay gwapong lalaki!"hindi ko namalayan na napalakas ang pag kasabi ko n'un tinakpan ko kaagad ang labi ko. Kumunot ang mukha n'ya.
"Who are you woman? Why are you here at my office,"napaibaba ko ang kamay na nakatakip sa bibig ko. Nagtataka ko s'yang tiningnan.
Office n'ya?
"Excuse me po sir, Office kopo ito. Baka namali kapo ng pasok,"magalang na saad ko dito. Tinaas nito ang kamay nito ay may tinuro sa likod ko.
Nagtaka naman ako at nilingon ang nasa likuran ko. "Woman, Do you know how to read? That's my name means it's my office,"bigla akong nahiya.
Pakening sht! Namali ako ng pasok a-akala ko. Napayuko ako ng ulo at dahan dahan na naglakad palapit sa pintuan.
"Hehe ako pala 'yung namali ng office. Hehehe sige alis na ho ako,"kinakabahan na saad ko at akma na sanang aalis sa pintuan ng bigla nitong hinila ang suot kong damit.
Nagulat ako sa ginawa n'ya. "Hoy! Ano ba! Bitawanan mo nga ako!"sigaw ko dito pero parang wala itong narinig.
Bigla akong nakiliti ng maramdaman ko ang hininga nito sa tenga ko.
"I know, you heard something,"bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng maalala ko ang narinig ko kanina.
I-Ipapatay n-n'ya d-din ba ako?
Napalunok nalang ako at tumikhim. Binaling ko sa iba ang atensyon ko. "h-hah may narinig ako? Wala kaya!"utal na sagot ko dito at gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagkakautal ko.
Bigla akong napasigaw ng bigla ako nitong pinaharap sa kan'ya at sinandal sa may pader na malapit sa pintuan. Napadaing ako sa lakas ng pagtama nang semento sa likod ko.
Grabe. Ang lakas n'ya.
"Don't fool me, you think I'll let you go just like that,"seryoso ito habang sinasabi n'ya 'yun sa mukha ko. hindi ko maiwasan ang mamula kasi sobrang lapit nito sa mukha ko.
At medyo naaamoy ko na ang hininga nitong mabango nahiya ako sa hininga ko.
"Ahm.. p'wede distansiya?"mahinang saad ko. Kita ko ang panlalaki ng mata nito nang matauhan s'yang ang lapit na ng mukha n'ya sa mukha ko.
Binitawan n'ya na ako at lumayo. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Don't tell anyone what you heard, if you say something what happened. I'll kill you,"tumayo ang mga balahibo ko sa katawan ko.
Mama! Ayoko pang mamatay! Bakit ganito ang nangyayare sa'kin. First day of work may natanggap na akong threats at first time din na may nagsabi sa'kin ng ganito.
"A-Akala m-mo! Takot ako sa'yo?! In your dreams!"utal kong sigaw dito. Naka-smirk ito sa'kin at bumababa ang tingin nito sa dibdib ko.
Napanganga ako kaya tinaas ko ang dalawang kamay ko at tinakpan ang dibdib ko kahit may damit naman akong suot.
Nagtaka naman s'ya sa ginawa ko. "What are you doing, Woman?"
"Bastos ka! Bakit nakatingin ka sa boobs ko?!"inis kong saad dito. Bigla s'yang natawa sa sinabi ko. Mas lalo akong nainis anong nakakatawa?
"Woman, may I remind you something. I'm not looking at your boobs 'cause you don't have one,"bigla akong namula hindi sa hiya kung hindi sa inis.
Anong problema kung flat ako?! Atleast may n****e's okay na'yun! Dibdib parin naman 'yun no!
"I see. You're an employee here,"biglang nawala ang inis na naramdaman ko.
Don't tell m-me... Sasabihin n'ya sa boss ko na isisante ako? Parang gusto kong magpakamatay pag naiisip kona masisante ako kasi naman ang hirap makapasok dito tapos masisisante lang ako ng ganon ganon.
Agad kong hinawakan ang damit ito at hinawakan ng mahigpit. Nakaupo na ako sa sahig.
"H-Hoy! Please lang! Wag mong sabihin kay Boss na isisante ako! Oo na hindi ko sasabihin kahit kanino ang narinig ko promise!"naiiyak kong saad sa kan'ya.
Natawa ito habang pinapanood akong magmakaawa sa kan'ya.
"Silly, I'm not that bad,"nakangising saad nito.
Nagulat ako ng bigla itong umupo kapantay ko at nanlaki ang mata ko ng hawakan nito ang baba ko. Tinaas nito ang baba ko dahilan para magtama ang paningin naming dalawa. He smirk.
"You don't recognize your boss? Hmm.. You must be new here. I'm Aaron Zackford your boss."nakangising saad nito. Nalaglag nalang ang panga ko.
Ano?!