ASARAN

1051 Words
JUSTIN POV Dinuro naman akong bigla ni Shane, "Hoy sa sofa ka matutulog kumag ka! Ayaw ko sa lalaking humihilik!" "Sinong nagsabi na hindi kayo magshe-share ng kwarto?" sambit ni dad na kakarating pa lang. Timing na timing ang pag dating niya, at least alam ko na sa akin siya kakampi. "Dad, kanina pa po ba kayo nanjan?" gulat na tanong ni Shane. "Kakarating ko lang. Kakatapos lang ng tawag ko kanina, pero kayong dalawa mag i-istay kayong dalawa sa iisang kwarto sa ayaw at sa gusto ninyo." Muli kong binigyan ng nakaka asar na mukha si Shane na halatang nanggigil na sa akin. Ewan ko pero ang saya ko lang talaga lalo na kapag nakikita ko siyang naaasar sa akin. Kamukhang kamukha niya kasi ang ex-girlfriend kong si Taylor lalo na kapag naka kunot ang noo niya. Para silang pinag biyak na bunga, ang kaibahan nga lang nila, si Taylor ay isang manlolokong babae na ipinag palit ako sa kaibigan ko. Samantalang si Shane, half-sister ko na galit sa akin dahil anak ako sa labas. "Let us go and have a dinner!" sambit ni dad sa amin. Sumakay na kaming tatlo sa elevator at kapansin pansin naman na dinidistansya ni Shane ang sarili niya sa akin. Ngunit sa second floor pa lamang, dumagsa na ang mga tao dahilan para lumapit siya sa akin dahil wala siyang ibang choice. Sa sobrang magkadikit naming dalawa, halos inches lang ang pagitan ng Bumulong akong bigla sa kanya, "Mabango ba ako? Galing pa sa France ang pabango ko hehe!" pagyayabang ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at inikot ang kanyang mga mata na para bang maldita, "Who cares? Kahit anong klase pa ang gamitin mong pabango, anak ka pa rin sa labas!" bulong niya sa akin. Hindi ako napikon sa sinabi niya, bagkus ay nginisian ko lamang siya. Ang mabuti na lang ay naka focus si dad sa kanyang phone kaya hindi nito narinig ang bulong sa akin ni Shane. Pag akyat na pag akyat namin sa aming apartment, tiningnan ko kaagad ang reaksyon ni Shane. Nadismaya ako kasi wala man lang bakas na nasorpresa ang kapatid ko. Sobrang nag effort pa naman ako para lang mapaganda yung apartment namin and yet it never amazed her. "Ayos anak ha, malinis tingnan itong apartment kumpara sa huling araw na binisita ko ito," namamanghang sabi ni dad habang inililibot niya ang kanyang mga mata sa paligid. Mabuti na lang at kahit na papaano, na appreciate niya ang ginawa ko. "Thanks dad, mabuti na lang at sinabi mo 'yan. Akala ko wala nang nakaka appreciate ng pag aayos ko rito sa apartment hehehe!" Tinapik ni dad ang balikat ni Shane, "Oh Shane, hindi mo man lang ba pupurihin ang kuya mo?" "Oo nga. Nakakapag tampo naman kasi pati yung kwarto nating dalawa ako ang naglinis. Kahit sana thank you man lang, marinig ko sa bibig mo." Nanatiling nakasimangot si Shane at napatingin siya sa akin. "Anong kwarto nating dalawa? I need my own privacy. Baka nakakalimutan mo na babae ako at lalaki ka? Kailangan hiwalay ang kwarto ko sa kwarto mo." "No!" pag tutol ni dad, "Shane, marami akong gagawin and I cannot allow na iistorbo sa akin ang kuya mo ikaw. Malalaki na kayong dalawa at habang hindi kayo nagkakasundo, mananatili kayo sa iisang kwarto." Natuwa pati ang mga tenga ko sa narinig ko mula kay dad. "Pero dad-" "Wala nang pero pero Shane. Basta sundin mo na lang ang gusto kong mangyari para wala tayong problema. Besides, magkapatid naman kayong dalawa. Intensyon ko na pagbatiin kayo kasi tatlo na lang tayong magkakasama." "Ewan ko sayo dad!" pabalang na sabi ni Shane sabay pasok sa loob ng kwarto. Padabog pa niyang isinara ang pinto. Ako na nga mismo ang nahihiya kay dad dahil sa inaasal nang kapatid ko. "Pasensya ka na Justin, maling mali talaga na ini-spoiled ko ang kapatid mo. Palibhasa kasi mabarkadang tao at nag iisang unikaiha. Kung nabubuhay lang sana ang nanay niya, mas magiging disiplinado siyang bata." "Dad okay lang po sa akin kung hindi niya ako irespeto. Pero kayo bilang ama niya, kailangan ninyong makuha ang respetong nararapat sa kanya," napayuko ako para pigilan ang sarili kong maging emosyonal. "Ako kasi anak lang naman sa labas kaya naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng emosyon niya." Bigla ko na lang naramdaman ang mainit na yakap mula kay dad. "Please do not say something like that. Nasasaktan ako kapag sinasabi mo 'yan Justin. Kahit anak kita sa labas, matalino ka naman." "So-sorry dad, hindi ko na po uulitin." Kahit na lalaki ako, weakness ko pa rin kapag nakikita ko si dad na nasasaktan. 8 pm ng gabi nag set up kami ni dad ng table sa balcony at tsaka namin inihanda ang mga pagkain. "Oh tawagin mo na yung kapatid mong maarte, kakain na tayo," pagbibiro ni dad. Napakamot ako sa ulo dahil alam ko na mainit pa ang ulo ni Shane. But I followed dad kahit na alam kong pag susungitan niya ako. Kumatok ako kwarto ni Shane. "Kain na raw tayo sabi ni dad," kabadong sabi ko. "Ayaw kong kumain, wala akong gana," sagot niya sa akin. Nakakatakot ang boses ni Shane, bumalik ako kay dad ng nakasimangot. "Dad, ayaw niya raw pong kumain, wala raw siyang gana." Napa iling si dad at siya na mismo ang nagpunta sa kwarto namin ni Shane upang katukin ito. "Hoy Shane, lumabas ka na jan at kakain na tayo. Please, anak, minsan lang natin makasama ang kuya mo tapos ganyan ka pa. Within five minutes, kailangan nasa labas ka na rin. Hindi kami magi start kapag wala ka." Mas natakot ako sa boses ni dad na seryoso. Lumabas na kaming dalawa at binuksan ko ang wine na dala ko galing pa sa France. "Anak mukhang marami kang pasalubong ha? Baka naman nagalaw mo na ang allowance mo niyan?" Napangisi naman ako, "Hindi po dad, dumidiskarte naman ako kahit papaano. At tsaka minsan lang naman ako umuwi rito sa Pilipinas. Never po akong manghihinayang na gumastos para sa pamilya ko." "Nako, manang mana ka sa nanay mo. Ganyang ganyan din ang kwento niya sa akin dati eh." Nakarinig kami ni dad ng mabibigat na yapak ng paa, lumingon kami at nakita namin si Shane na paparating. Kaagad akong nag hila ng upuan at pinaupo siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD