Chapter Two

2304 Words
“I’M SORRY, Dondie, mas mabuti kung magiging magkaibigan na lang tayo,” wika ni Frances sa kausap sa telepono. Isa sa kanyang mga manliligaw si Dondie, tinawagan siya nito at niyayang lumabas subalit tinanggihan niya ito dahil wala naman siyang interes sa lalaki.  Ilang sandali pa ay tinapos na niya ang pakikipag – usap kay Dondie. Pumihit siya upang ipatong sa lamesa na naroon sa teresa ang hawak na cordless phone subalit muntik na siyang mapatalon sa pagkagulat nang marinig ang boses ni Justin. “You rejected a guy over the phone?” tila hindi makapaniwalang tanong nito.            “Kanina ka pa ba diyan? Bakit nanggugulat ka?” Hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya ito. “Hindi mo lang narinig, pinapasok na ako ni Tasya,” tukoy nito sa kasambahay nila. “Nambasted ka talaga sa telepono?” muling tanong nito. “Uhm… parang ganoon na nga.” “Masakit mabasted, Frances.” “Own experience?” pagbibiro niya. Sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Justin bago sumagot. “Yeah, you don’t like the guy?” “Dondie was nice but we’re not in the same league. Hindi ko rin siya gusto.” “We’re on the same league, gusto mo ba ako?” biglang tanong nito na titig na titig sa kanya. Hindi siya nakapagsalita sa narinig. Biglang rin siyang na - conscious sa paraan ng pagtitig nito sa kanya ngunit hindi naman niya maiiwas ang tingin. There was something in the way he looked at her, as if he liked her and she was the most beautiful girl in the world. Gumawa ng isang hakbang si Justin palapit sa kanya, at isa pa. Subalit bigla siyang nilagpasan siya nito at nag – iwas ng tingin. Biglang nawala ang tila mahikang bumalot sa kanila dahil sa ginawa nito. Humarap ito sa mga nakapasong wild species of roses na nakapatong sa pasimano ng teresa. Bigay ni Justin ang mga bulaklak noong eighteen birthday niya bukod pa sa kuwintas na may birthstone niya kaya mahal na mahal niya ang mga iyon. “Ano’ng ginagawa mo?” tanong nito habang nakahawak sa isang rosebud sa harapan nito.  “N - Nagti – trim lang.” Bahagya niyang ipinilig ang ulo dahil ramdam pa rin niya ang epekto ng pagkakatitig ni Justin sa kanya kanina. Lumapit siya sa tabi nito upang ipinagpatuloy ang ginagawang pagti – trim sa mga alaga niyang bulaklak na naantala nang tumawag si Dondie sa kanya kanina. “Nasa bahay ang mga kapatid mo, bakit hindi ka sumama?” tanong pa nito. “Tinanghali ako ng gising, eh,” pagdadahilan niya kahit ang totoo ay gusto lang niyang iwasan ito. Ang bahay nito ang tila naging opisyal na tambayan ng barkada nila dahil doon din madalas na nagkikita – kita ang mga magulang nila noong mga bata pa sila. “Ikaw, bakit nagpunta ka pa rito?” tanong niya. “Busy kasi silang lahat sa bahay kaya naghahanap akong ibang mayayaya sa mall. Hmm… may iba ka pa bang gagawin? Puwede mo ba akong samahang mag - shopping? I’m sure hindi ko na masisingit ‘yon sa schedule ko pagbalik ko sa Portland. At hindi rin ako magaling pumili ng mga damit na babagay sa akin.” Napatingin siya rito, nagtataka kung bakit siya ang niyayaya nito at hindi ang ate niya. “Pero okay lang kung hindi ka puwede,” biglang bawing sabi nito. “Bakit hindi ang ate ko ang niyayaya mo?” Nagawa niyang itanong ang nasa isip. “Bakit hindi ikaw?” balik - tanong nito. “Magkaibigan naman tayo, ‘di ba?” “Oo.” “So, pwede mo ba akong samahan?” muling tanong nito.  Sandali lang siyang nag – isip bago sumagot. “Oo. Sandali, magbibihis lang ako.” “All right. Take your time,” nasisiyahang sabi nito.   HINDI napigilang kiligin ni Frances nang hawakan ni Justin ang kanyang kamay pagpasok pa lang nila sa loob ng mall. Sa pagtataka niya ay sa floor ng mga sinehan siya nito dinala. “Akala ko ba magsa – shopping tayo?” nagtatakang tanong niya nang malapit na sila sa ticket booth. “Manood muna tayo. Showing na ang new movie ni Nathalie Portman, favorite actress mo s’ya, ‘di ba?” “Oo. Hindi ko pa nga napapanood,” napapangiting sabi niya. Hindi niya akalain na maaalala nito ang favorite actress.  Naalala niyang nasabi niya iyon rito sa isa sa mga pag – uusap nila sa Skype. “Manood na tayo ngayon, baka may iba pang magyaya sa’yo ng date at yayain mo pang manood ng movie. Tayo na lang ang manood,” sabi pa nito na ikinataas ng kilay niya. Iniwan siya nito upang bumili ng tickets at snacks nila. Saka pa lang niya naalalang mag - text sa mommy niya na kasama niya si Justin at baka gabi na sila makakauwi. Wala ang parents niya kanina nang umalis sila sa bahay ni Justin kanina, nag – golf ang mga ito kasama ng mga magulang ni Troy. Nag – okay lang ang mommy niya at sinabing mag – enjoy sila. Hindi mahigpit ang parents niya sa kanilang magkakapatid subalit importanteng sabihin pa rin nila sa mga ito kung nasaan sila at kung sino ang kasama nila kahit malalaki na sila. Tahimik lang sila habang nanood ng movie. Subalit kahit na naka - focus ang tingin niya sa pinapanood, aware siya sa maya’t – mayang pagsulyap ni Justin sa kanya. “Ashton Kutcher is so hot,” napabuntong - hininga niyang sabi habang nakatingin pa rin sa screen. Favorite holywood actor niya ang naturang aktor. “Uh – oh,” sabi nito na ibinalik ang tingin sa screen. Nilingon niya ito. “You’re not a fan of romantic movies,” sabi niya rito.  Muli siyang nilingon nito bago sumagot. “It doesn’t matter. Basta masaya ka, masaya na rin ako,” sabi nito sabay akbay sa kanya. Nalilito man sa mga sinasabi at ikinikilos nito ay pinagbigyan niya ang sarili na ihilig ang ulo sa balikat nito. Hindi niya akalain na darating ang araw na makakasama niya si Justin sa manood ng movie na hindi kasama ang mga kapatid at mga kaibigan nila kaya masayang – masaya siya. Subalit bigla ring naglaho ang kaligayahang nadarama niya nang maalala niyang noong nakaraang araw lang ay nakipag - date itong muli sa ate niya. Nangako rin siya sa sarili na ilalayo na ang sarili rito subalit bakit kasama pa niya ito ngayon? Nang akbayan siya nito ay isiniksik pa niya ang sarili rito. Maari naman niyang simulan ang pag – iwas rito simula bukas. Sa ngayon ay gusto muna niyang i – enjoy ang pagkakataon na masolo ito. Sa branch ng Amelia’s Seafood and Restaurant na pag – aari ng pamilya ni Justin na nasa loob ng mall sila nag - late lunch. The Narvantez family was engaged in hotel, resort, bar and restaurant business that spread in the country and some parts of Washington State in America. Tulad niya ay doktor din ang Mommy Jean ng binata na kasamahan ng mommy niya at Uncle Francis niya sa St. Francis General Hospital at hindi pa man ito ganap na doktor ay may job offer na kaagad ito sa ospital sa oras na magdesisyon itong manatili sa Pilipinas. Habang magana silang kumakain, napansin niya ang mga panakaw na sulyap kay Justin ng mga babae sa kalapit nilang mesa. Hindi niya masisisi ang mga ito, super guwapo naman talaga at masarap titigan ang kasama niya. Subalit hindi pa rin niya mapigilang hindi maiinis sa mga babaeng iyon, mabuti na lang at hindi pinapansin ni Justin ang mga ito. Biglang nag – ring ang cell phone niya na nasa kanyang bag. Kinuha niya iyon at sinagot nang makitang si Troy ang caller niya. “Troy,” sabi niya matapos mag – excuse kay Justin. “Nag – date raw kayo ni Justin?”” nang – iintrigang tanong kaagad nito sa kabilang linya. “Shut up!” bulalas niya. “Sino’ng nagsabi sa’yo?” “Mommy mo, tumawag ako sa inyo. Anyway, I just wanna say goodluck!” sabi nito at sinundan pa ng malakas na tawa bago nawala sa kabilang linya.       Napapailing na ibinalik niya sa kanyang bag ang kanyang cell phone. Sira – ulo talaga ang best friend niya, hangad nito ang happiness niya pero magaling din itong asarin siya. “It was Troy,” sabi niya nang makitang nakatingin si Justin sa kanya. “Single na raw uli si Troy, ah. Hindi ka pa ba niya nililigawan?” tanong nito. “Si Troy?” natatawa niyang sabi. “Mag – best friends lang talaga kami at para na rin kaming magkapatid.” Tumango – tango lang ito at nagpatuloy sa pagkain. “Akala ko ba magsa – shopping tayo?” nagtatakang tanong niya nang akbayan siya nito habang papasok sila sa arcade paglabas nila ng Amelia’s. Tila normal na sa kilos nito ang akbayan at hawakan ang kamay niya. “Mamaya na, mag – enjoy muna tayo. I’ve missed this,” nakangiting sabi nito na tila nangungusap pa ang mga mata. Halatang nasabik itong gawin ang madalas nitong gawin noon: ang pagtambay sa bookstore at arcade kapag nagpupunta sa mall. She was not a fan of video games at iilang computer games lang ang alam niya subalit nang makita niya ang kaligayahan sa mukha nito pagpasok pa lang nila sa arcade. Sino siya para kumontra? Mahabang oras ang ginugol nila sa loob ng arcade. Hindi niya akalain na mag-e – enjoy siya nang husto. He didn’t play any game alone, sa lahat ng nilaro nito lagi siyang nagpaparticipate kahit taga - cheer lang nito. Tinuruan din siya ng mga video games na hindi pa niya nalalaro sa buong buhay niya. Iyon na yata ang pinakamatagal na nagkasama sila na sila lang at hindi kasama ang barkada.  “Hindi na tayo nakapag - shopping,” sabi niya nang patungo na sila sa kotse nito para umuwi. Bitbit nila ang maraming stuff toys na may iba’t – ibang laki para sa kanya. Napanalunan nilang lahat iyon kanina. “Next time na lang. Marami pa naman akong oras. Samahan mo na lang ulit ako,” sabi nito habang pinagbubuksan siya ng pinto ng kotse. They both loved his new car, it was a red BMW X5 na ayon dito ay advance birthday gift ng daddy nito rito kahit dalawang buwan pa bago ang birthday nito at ng kakambal nito. “Saan mo gustong kumain? Hindi na tayo nakapag - dinner on time. Mag -bar din tayo later, Metrowalk?” sabi nito habang palabas na ng mall ang kotse nito. “Justin, may pasok pa ako sa Petals bukas,” natatawang sabi niya. Halatang nasa mood pa itong maglakwatsa. “Oo nga pala. Ako lang pala ang nakabakasyon,” nakangiting sabi nito. “ So, saan tayo?” “Sa bahay na lang. I’m sure may pagkain pa roon.” “Okay,” sabi nito at sandaling nag - concentrate sa pagmamaneho. “You know what, we should do this more often,” pagkuwan ay sabi nito. Nagtatanong ang mga matang napatingin siya rito. “Hang out with me while I’m here para hindi naman ako mainip habang nagbabakasyon,” patuloy nito. “Is it okay kung ihahatid kita at susunduin sa Petals? Wala namang magagalit, ‘di ba?” kaswal na tanong nito habang nasa unahan pa rin ang tingin. “Hmm...hindi ka ba magbabakasyon sa Palawan?” tanong niya habang naguguluhan na naman dito. He was really different that day. “I don’t wanna go there alone. Gusto ko may mga kasama ako na kahit sino sa barkada. Pero busy yata silang lahat, eh, ganoon din ang mga kapatid ko kaya dito na lang muna siguro ako habang nasa Davao pa naman sina Mommy at Daddy. Pupunta na lang siguro ako sa Palawan kapag nakabalik si Lola Amelia at si BJ.” Naunang dumating kay Justin ang mga kamag – anak ng daddy nito mula sa Portland at Seattle upang dumalo sa kasal ng mga pinsan nila at nang bumalik sa States ang mga ito ay sumama ang lola nito at si BJ upang magbakasyon. “Hindi yata busy si Troy, yayain mo siya,” mungkahi niya. “Okay. Ikaw, puwede ka bang sumama? Punta tayo sa Palawan kahit over the weekend lang.” “Hindi puwede, eh. Kapag ganitong season ako kailangang – kailangan ni Auntie Danna sa Petals,” tanggi niya. “Okay. But would you like to hang out with me after work kahit sandali lang? O kaya tambay na lang ako sa house n’yo pagkatapos kitang sunduin sa Petals kung ayaw mong maglakwatsa.” “Wala ka ba talagang ibang mapagkakaabalahan?” “Gusto lang kitang makasama, Frances. So, sunduin kita, ha,” muling sabi nito. “Justin kasi…” atubiling sabi niya. Napapailing na napabuntong - hininga ito. “Makakaabala ba ako o ayaw mo lang akong makasama? Nakukulitan ka na ba sa akin?” sabi nito habang nakatingin pa rin sa unahan. Hindi kaagad siya nakasagot. Bakit ba kasi gusto pa siyang makasama nito, eh gusto na nga niya itong iwasan? Napabuntong - hininga siya bago sumuko sa gusto nitong mangyari. Hindi talaga niya ito matitiis. “Just call me earlier kung gusto mong lumabas. At puwede mo rin akong puntahan sa opisina o sa bahay.” Napangiti ito. “Don’t worry I won’t take too much of your time. Gusto lang kitang makasama.” Napangiti na lang din siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD