First meet

1368 Words
Chapter 2 Maaga pa ng labing limang minuto nang dumating si Gabriel at Hero sa restaurant kung saan unang beses nilang makikilala ang babaeng nirentahan nila to be his rented girlfriend for one day "Kinakabahan ako bro ah" Sambit ni Hero sa kanyang tabi habang inaayos nito ang newest video camera alpha ZV full frame na kakabili lamang nila from germany. Maliit na camera lamang iyon ngunit magandang gamitin para sa mga vlog videos nila ni Hero "Bakit ikaw ba makikipagdate?" Tumawa ito "Kinakabahan ako baka pumalpak tayo. What if hindi magustuhan ng mga viewers mo na mayroon kang chix? Sabi ng misis ko baka raw magselos ang fans mo--" "Think positive. Kaya ka nakakalbo ng maaga eh." He lightly smile to him. Medyo magaan kasi ang pakiramdam niya ngayong umaga kumpara sa pagiging kabado ni Hero Ewan ba niya but for some reason nasabik siyang gawin ang vlog na gagawin niya ngayon. He wanted to try something new medyo boring na rin kasi ang buhay niya. "Eh paano pag nagselos ang mga fans mo instead kiligin?" Nagkibit balikat lamang siya. "Hindi naman siguro? Alam naman nilang rented girlfriend lang" Napatango-tango nalang si Hero kahit mukhang diskumpyado pa ito. "Pambihira? Ikaw nag suggest sakin about kilig kilig na yan tapos ikaw ngayon ang nag-iisip ng negative? Malay mo naman kiligin fans ko. Atleast we tried diba?" Sasagot pa sana si Hero ngunit naagaw na ng atensyon nila ang babaeng kakapasok lamang sa restaurant. Tumunog ang bell chimes ng chinese restaurant na kinaroroonan nila. Sa isang pribadong restaurant kasi nila naisipan kausapin ang dalaga. Baka mahiya kasi ito kung sa maraming tao nila ito dadalhin Saglit silang natigilan ni Hero. Sabay pa silang napalingon sa dalagang papalapit sakanila "Holy sh*t.." Di mapigilang sambit ni Gabriel. Ngunit halos siya lang ang nakarinig dahil mahina lamang ang pagkakabigkas niya "Paldo.." Napapanganga namang sambit ni Hero habang nakatingin rin ito sa dalaga Alam nilang maganda at sexy ang nakuha nilang rented girlfriend ngunit hindi nila akalain na ubod ito ng kagandahan at nag-uumapaw ang alindog nito. Her face. Kahit panay makeup ang mukha nito masasabi niyang maganda parin siguro ito kahit tangalin nito ang makeup. But her body? Damn. Napapalunok si Gabriel habang sinusundan niya ang bawat hakbang ng dalaga patungo sakanilang lamesa. Umiindak ang balakang nito na para bang isang modelo. Hindi man ito katangkaran ngunit maganda ang hubog ng katawan nito Marahil nasa 5'4 lamang ang katangkaran nito. Kumapara sa height niyang 6'2. Ang mas nagpapamangha kay Gabriel ay ang malalaking hinaharap ng dalaga. Damn she got real cocomelons there! Mukhang sinasadya nitong ibalandra iyon. Sobrang iksi rin ng white dress na suot nito. Kaunting tuwad lang siguro nito ay makikitaan na ito ng hindi dapat makita Hindi man lang sila kumukurap ni Hero kahit nakalapit na ito sa harap ng lamesa nila. Hindi nga rin niya alam kung bakit sanay naman sila makakita ng magaganda sa ibat-ibang bansa ngunit para bang may kakaibang mahikang bitbit ang kagandahan nito Napa-awang ng kaunti ang bibig ni Gabriel ng ngumiti ang dalaga sakanya. Akala niya sa mga pelikula lang mararamdaman ang ganoon "Hi.. I'm Savy. Ikaw ba yung client boyfriend ko?" Kung hindi pa siya siniko ni Hero ay hindi pa yata siya matatauhan. Umayos siya ng pagkakaupo at nagpangap na hindi napahiya sa inakto niya "H-Hi.. Yes ako nga" He gently cough. Bakit parang pati pagsasalita niya ay naapektuhan nito? Marahan siyang tumayo upang makipagkamay sa dalaga. "I'm Gabriel." Tinignan lang ng babae ang kamay niya. Bago ito humagikgik "Ganyan ba dapat makipagkilala sa girlfriend?" Medyo nakataas na kilay nitong tanong sakanya Hindi pa man siya nakakasagot ay mabilis na itong nakipagbeso beso sakanya Damn. Nakadalawang lunok yata siya dahil kakaibang init ang naramdaman niya. The heck? She smiled sweetly at him pagkatapos nitong makipagbeso-beso sa dalawang pisngi niya. "Nice to meet you Gabriel." Napalunok siyang muli dahil may halong kalandian ang tono ng boses nito. Kung nuon naiinis siya kapag may babaeng lumalandi sakanya ngunit ngayon para bang gustong gusto niya pa iyon He cleared his throat bago siya nagsalita. "Ehem. Y-Yeah it was nice to meet you" Medyo natataranta parin siya dahil malagkit ang pagtitig ng dalaga sa kanyang mga mata "Savy. My name is savy" Pag-ulit nito sa pangalan nito habang malandi itong nakangiti Muli nanaman siyang napalunok. Sinusubok yata ng babaeng ito ang kalandian niya. Ngayon lang siya naging ganito. Usually hindi siya naaapektuhan kahit may lumalandi sakanya -Maybe tigang lang ako-- Aniya sa isip niya "Anyway bakit may chaperon ka pa?" Napapangisi nitong tanong nang mapatingin ito kay Hero Tila doon palang niya naalala si Hero. Pakiramdam niya kasi dinadala siya ni Savy sa isang mundo ng pantasya eh. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Upang ayusin ang kanyang sarili. Nakakahiya ang mga nagiging actions niya. He cleared his throat again "Oh. This is Hero. My videographer and editor." Tumayo naman si Hero. Katulad niya parang nahumaling rin ito sa kagandahan ni Savy dahil nanginginig pa ang kamay nito "I'm H-Hero po" Nais niyang matawa dahil naging magalang pa ang kumag niyang kaibigan. Pulang pula rin ang tenga nito. Maybe namumula rin ang tenga niya? Hindi niya sigurado pero may kakaiba talagang s3x appeal ang dalagang kaharap nila Lalo na pag ngumingiti ito. Maganda ang mga ngipin nito na bumagay ng husto sa mala-anghel nitong mukha. "Videographer?" Bahagyang nawala ang ngiti nito. Doon naman tila kinabahan si Gabriel. He need to composed himself bago pa magkanda-lechugas ang mga nangyayari sa araw na iyon "Please sit down muna Savy. Ipapaliwanag namin sayo kung bakit." Saglit itong napatingin sa video camera na dala-dala ni Hero "Vlogger kayo?" Palipat-lipat ang tingin ni Savy sakanilang dalawa. "Uhm. Yeah? Okay lang ba?" Pareho silang kabado ni Hero dahil tila nawala ang ngiti sa labi ni Savy. Damn she got kissable lips! Napatingin kasi si Gabriel sa labi ni Savy. May ganito palang kagandang dalaga rito sa Pilipinas? Bakit kaya hindi ito nag-artista mukhang mas maganda pa nga ito sa mga sikat na artista sa panahon ngayon Huminga ng malalim si Savy nang magets agad nito kung ano ang pakay nila "Okay. Basta blur niyo lang po sana ang face ko ha?" Sabay silang nakahinga ni Hero. "Yeah sure! Oo naman walang problema." Ngumiti siya kay Savy at parang ito naman yata ang nakapansin kung gaano siya kagwapo kapag nakangiti "Parang pamilyar ka nga sakin eh. Maybe napanuod ko na ang vlogs mo noon" Bumalik na sigla sa boses ng dalaga at naroon nanaman ang tono ng paglalandi sa boses nito He likes it. Damn. Gusto niya kapag nilalandi siya ni Savy. Umupo na si Savy kaya naman umupo na rin sila ni Hero. "Travel with Gabby ang name ko sa social media. Medyo matumal kasi ngayon kaya nag-isip kami ng bagong ideya na papatok sa mga viewers. So okay lang ba sayo? Just for today lang naman" Pero parang gustong bawiin ni Gabriel ang huling sinabi niya. Just for today? Damn bakit parang gusto na niya itong maka-collab everyday Ngumiti ito "Yeah sure. So umpisahan na ba natin?" Nagkatinginan silang dalawa ni Hero. "Di ka ba magtatanong kung maydagdag payment?" Tanong ni Hero kay Savy Dahil inaasahan na nilang manghihingi ito ng extra payment sakanila dahil gagamitin nila ito sa kanilang vlogs Ngumiti ito at umiling. "Hindi na no. Bayad niyo naman na ako eh bilang rented girlfriend. Okay na yon sakin basta i-blur niyo lang ang face ko" Napangiti siya. Mukhang madali lang palang kausap si Savy. "So ano let's start na ba or tititigan mo lang ako Gabriel?" Napalunok siya. Parang sa paraan kasi ng pagtingin nito sakanya ay may namumuo agad init sa pagitan nila. Type rin kaya siya nito? Bakit ganito ito makatingin sakanya? Ang lagkit eh. Never pa niya naramdaman ganitong atraksyon sa nobya niyang si Annika. Biruin mo nice to meet you palang naninig@s na agad ang di dapat manig@s sakanya? D@mn it! "S-Sige let's start." Nginitian niya rin ito ng may halong kalandian Mukhang game na game si Savy sa pakikipaglandian sakanya. Kung ano ano tuloy ang naiisip niyang gawin after ng vlog nila today dahil nag-iinit na talaga siya D@mn Gabriel alas diyes palang ng umaga nag-iinit kana?! --Singhal niya sa kanyang sariling isip
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD