Chapter 7

1137 Words
"Let me go!" Padabog nya akong binitawan. "YOU LIKE HIM?!" Galit na sigaw nya sa pagmumukha ko. Di makapaniwalang tumingin ako sakanya "Cant you see?! Tinulungan nya lang akong magpalit ng skirt!" Depensa ko. "I DONT WANT ANYONE ELSE TOUCHING YOU AND TALKING TO YOU!" I cant believe this! I face him "You're not my boyfriend! Stop acting like one!" Sigaw ko na nag patahimik sakanya. Sumeryoso ang mukha nya nilapitan nya ako at hinawakan ng mahigpit sa braso. Napadaing ako dahil sa pagkakahawak nya parang mababali lahat ng buto ko. "You're mine b***h!" Napantig ang tenga ko sa sinabi nya kaya mabilis pa sa alas kwatro na dumapo ang palad ko sa pisngi nya. "You came so far! Hindi ako b***h! Why are you like that Jack?!" Buong lakas kong inalis ang pagkakahawak nya sa braso ko. "Ayaw mong lumalapit yung ibang tao saakin. Nananakit ka ng taong nakikita ko na malapit saakin. Lahat nalang! Alam mo di ko nga alam bakit ko tiniisin yung ugali mo! Im tired! From now on wag mo na akong lalapitan!" Tumakbo ako palayo sakanya di ko pinansin ang pagtawag nya sa pangalan ko. Sobra na. This is too much, akala ko nung una okey lang yung ginagawa nya. Pero I cant believe this! Lahat ng taong lumalapit saakin lagi kong nababalitaan na binubugbog nya. Maybe they are right, isa nga syang Psychopath na dapat layuan ng mga tao. Mali nga sigurong nilapitan ko sya at kinaibigan. Oo alam kong nangako ako sakanya na di ko sya iiwan pero pakiramdam ko kasi habang tumatagal lumalala sya. Akala nya sakanya ako. Na pag mamay ari nya ako. Sumakay ako ng jeep at umuwi mag isa. Habang nasa byahe ako ramdam ko ang pag vavibrate ng cellphone ko marahil dahil sa mga text message ni Jack. I turn off my phone. I cant believe na sasabihan nya ako ng isang b***h. All this time naging mabait ako sakanya pinaki samahan ko sya ng maayos pero bakit ganito pa ang isinukli nya saakin. Tahimik akong pumasok sa bahay. "Bakit mukhang matamlay ka anak?" Tanong saakin ni mommy pagkakita nya saakin. Ngumiti lang ako ng pilit "Pagod lang po ako mommy" palusot ko Hinipo ni mommy ang noo ko hinawakan ko ang kamay nya. Ngumiti ako "Wala po akong sakit mommy" paninigurado ko sakanya. Napabuntong hininga si mommy "Osge na. Kahit naman may sakit ka ipipilit mo pa rin na wala. Magbihis kana ipaghahanda kita ng maka kain" Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama. Gabi na pero di pa rin ako dinadalaw ng antok. Kanina ko pa iniisip si Jack, nasaktan ako sa sinabi nya. Di ko akalain na sasabihan nya ako ng b***h. Bumaba ako para magtimpla ng gatas. Nanliit ang maliit kong mga mata dahil may nakita akong ilaw na nangagaling sa labas. Sumilip ako sa bintana. Si Jack! Naka sandal sya sa kanyang sasakyan at seryosong naka tingin sa bahay habang naninigarilyo. "Anong ginagawa nya dito?" Bulong ko sa sarili ko. Gusto ko man lumapit sakanya pero di ko magawa. Nandito pa rin sa dibdib ko yung sakit. Bitch. Ganun ba kababa ang tingin nya saakin? Sumilip ulit ako sa bintana, malungkot ang mga mata nito habang naka tingin sa bintana ng aking kwarto. "I wanted to help you Jack. But how? Kung sa isang masakit na salita lang galing sayo sumusuko na ako" A tear escape from my eyes. Sobrang naiinis ako sa sarili ko. I promise I will help him pero bakit parang di ko na yata kaya na pakisamahan sya? The next day, nagising ako na sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil di ko pa rin nakakalimutan ang nangyari. Nagbihis ako at bumaba na. "Anak eto na ang baon mo ibigay mo na din ito kay Jack" iniabot sa akin ni mama ang dalawang lunch box. Gusto ko sanang sabihin sakanya na di kami okey ni Jack pero ayoko naman na mag alala sya. Ngumiti ako ng tipid bago kuhanin ang paper bag. "Salamat mommy. Alis na po ako. Mag iingat po kayo" humalik ako sa pisngi ni mommy.. Ginantihan naman nya ako ng isang yakap "Ilang buwan nalang gagraduate kana anak" masayang sabi ni mommy. Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya. "Yes mommy. Gusto ko na pong matapos para matulungan ko kayo" Nag paalam na ako kay mommy bago pa ako maiyak sa kadramahan nya. Habang naglalakad ako papunta sa University di ko maiwasan ang di mag isip. Anong oras kaya sya nakauwi kagabi? Kahit anong pilit ko na iwaksi sya sa aking isipan ay di ko magawa. Naging malapit na kasi ako sakanya kaya nahihirapan ako na layuan sya. Nasa harap palang ako ng university. Si Jack na agad ang nakita ko Nagtago ako sa likod ng puno dahil mukhang hinihintay nya ako May hawak itong bulaklak at mukhang kanina pa sya naka tayo doon. Kaya di tuloy maiwasan ng mga estudyante na mapatingin sakanya. Tumalikod ako at dumaan sa likuran ng university. May isang daan pa kasi, dito ko nalang napag pasyahan na dumaan dahil ayoko na makita ako ni Jack. Gusto ko syang layuan. Kung dati, gusto ko syang lapitan ngayon ay halos ayoko na dumikit sakanya. "Audrey!" Masayang bati saakin ni Kendra pagkakita nya saakin. Lumingon lingon ako para makasigurado na wala sya dito. "Sino bang hinahanap mo?" Naguguluhang tanong saakin ni Kendra Bago pa sya magtanong ng magtanong hinila ko na sya papunta sa cafeteria. Ibinigay ko sakanya ang pagkain na dapat sana ay kay Jack. "Wow! Ang sarap talaga magluto ni Tita!" Puri nito. Di ko magawang pansinin ang sinasabi ni Kendra dahil hindi ako mapakali. "Umayos ka nga! Kanina kapa ah. May tinataguan kaba? Si Jack ba?" Usisa nya. Tinakpan ko ang bibig nya gamit ang palad ko. "Shhh. Kumain kana lang okey?" Inalis nya ang palad ko na naka takip sa bibig nya. "Nag away ba kayo?" Pag uulit pa nito Bumagsak ang balikat ko at napayuko sa mesa Sobrang sakit ng ulo ko dahil kulang ako sa tulog. "Hey! Im talking to you!" Pangungulit pa ni Kendra. Itinaas ko ang kamay ko tanda na tumigil muna sya sa pagsasalita dahil lalong sumasakit ang ulo ko sakanya. Ilang minuto din ang lumipas ng bigla nalang tumahik sa paligid. Gumuhit sa ilong ko ang pamilyar na amoy. Ayokong itaas ang ulo ko dahil baka tama ang hinala ko. Nakaramdam ako ng kaba dahil sya ito Sinipa ako sa paa ni Kendra Unti unti kong itinaas ng ulo ko at nagtama ang mga mata namin ni Jack Bakas sa mukha nya ang pagod at mukhang di sya natulog dahil nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. Napukaw ang atensyon ng mga tao saamin. Sunod sunod ang paglunok na ginawa ko. Padabog nyang binitawan ang pulang rosas sa mesa. "Are you trying to escape to me?!" Galit na bulyaw nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD