"Lola!" Isang mahigpit na yakap ang sinalubong ni Jackylyn kay mommy. Tuwang tuwa namang niyakap ni mommy ang anak ko. Si daddy naman nanatiling nakatayo sa isang banda. Shock is written all over his face. "Daddy" alinlangang tawag ko sakanya. "Who is she?" Tanong nya habang kay Jackylyn parin naka tingin. "Anak ko po dad" mahinang bulong ko. Ang buong akala ko ay magagalit si daddy, nabigla ako ng yakapin nya din ang anak ko. "I knew it! Buhay ang apo ko" teary eyes nyang sambit. Kahit ako bigla nalang nanubig ang gilid ng aking mga mata. "Hello po Lolo! I am Jackylyn Ruey po. Nice to meet you po" magalang na wika ng aking anak. Tuwang tuwa si daddy binuhat nya si Jackylyn. "Ang laki laki mo na pala apo. Napaka ganda mo tulad ng mommy mo" "I told you hindi magagalit ng daddy

