"Stupid. Stupid. Stupid!" Sinabunot ko ang aking buhok dahil sa frustration na nararamdaman ko. Paano ko hinayaan na mangyari ang bagay na iyon sa pagitan namin? Napaka tanga mo talaga Audrey. Tuloy tuloy lang ako sa pag takbo palayo sa condo unit ni Jack. Di ko na hinintay pa na magising sya, pag gising na pag gising ko nagbihis lang ako at umuwi na. Napaka tanga ko para hayaan sya na gawin saakin iyon. "Taxi!" Pagsakay ko ng taxi nakita ko si Jack na palabas sa exit ng condo. "Where the hell on earth have you been?!" Yan ang sinalubong saakin ni Georgina pagdating ko sa Condo unit ko. Umiwas ako sakanya at dumeretso sa banyo. Hinayaan kong tumama ang napaka lamig na tubig sa katawan ko. Hangga ngayon ramdam na ramdam ko pa ang bawat haplos ni Jack sa aking katawan Di ko lubos

