Natigilan ako sa paglalakad ko dahil sa paghigit ni Jack sa braso ko. "What was that?!" Pasinghal na tanong nito. Inalis ko ang pagkakahawak nya sa braso ko, tinapunan ko ito ng irap bago ako sumakay sa taxi na nasa harapan ko. Tinignan ko sya sa side mirror ng sasakyan. Damn. Hindi naman mali ang ginawa ko hindi ba? Asawa ko sya, natatakot akong maagaw sya ng iba dahil mahal na mahal ko sya. Call me selfish or whatever, Im just scared. Ayokong mawala saakin si Jack, hindi ko kakayanin. I can be a b***h for him. Hindi ako sa bahay dumeretso, umuwi ako kina mommy. Gusto ko munang mag pahangin, sobrang dami kong iniisip this past few days kaya hindi ako gaanong nakatulog ng maayos. Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si daddy na nakatayo sa harap ng sasakyan nya. Marahil ay kakauwi la

