Nabitawan ni mommy ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Natulala ito. "Mommy .." pagtawag ko sa atensyon nya. Napansin ko ang pamumutla nito kaya iniabot ko sakanya ang isang basong tubig. Ininom naman nya iyon. "Anong naging reakyon ng daddy mo nang makita ka nya?" Tanong ni mommy saakin. Napa buntong hininga ako, hinawakan ko ang kamay ni mommy "Hindi na po natin dapat iniisip si daddy masaya na po sya sa buhay nya ngayon mommy." Malungkot na sambit ko Nalulungkot ako pero kahit papaano ay may saya akong nadama dahil nakita ko na si daddy. Atleast alam ko na okey sya. Kahit hindi nya kami iniisip oh kinakamusta man lang. Kami, kahit isang saglit hindi sya nawala sa isipan namin ni mommy. Ngumiti si mommy pero hindi iyon abot sa mga mata nya. "Paano na si Yzza?" Nagkibit balikat a

