Chapter 5

1416 Words
"Audrey ikaw na! Ikaw na talaga!" Pinag kukurot ni Kendra ang pisngi ko. "Ouch!" Daing ko kanina pa nya ako inaasar at sinasaktan. Bugbog na bugbog na ang pisngi ko sa ginagawa nya. "Haba ng hair mo ah!" Natatawang sambit nya pa. Tinakpan ko ang bibig nya dahil sobrang sama ng tingin ng mga classmate namin. "Ts. b***h!" Rinig kong sabi ni Eya. Di ko nalang sya pinansin nanahimik lang ako. Sanay naman ako sa pangmamaliit nila saakin at sa pagsabi ng ganyan. "Hoy bruha! Shut the fck up! Ikaw ang b***h dito!" Laban ni Kendra. Hinawakan ko ang braso nya "Tama na. Wag mo nalang pansinin" "No! Akala mo kung sino sila! Mga b***h din naman kayo ah!" Sigaw pa ni Kendra. Tumayo sa pagkakaupo si Eya. Doon na nagsimulang magkumpulan ang mga kaklase namin. Napayuko ako dahil sa hiya, ayoko talaga sa atensyon. "Totoo naman ah! b***h yang kasama mo! Ilang buwan palang sya dito kumekerengkeng na kay JM!" Sabi pa ni Eya. "Naiingit lang kayo dahil si Audrey ang gusto ni JM hindi kayo! Mga slut at b***h kasi sayo! Ts. Mga kulang sa pansin!" Laban ni Kendra. Nabigla ako nung lumapit saamin si Eya. Hinawakan nya ang braso ni Kendra "Watch your mouth Kendra!" Nanlilisik ang mga mata ni Eya na tumingin saakin. Buong lakas kong inalis ang pagkakahawak ni Eya sa braso ni Kendra. This is too much! "Aba! Matapang ka ah!" Tinulak tulak ako sa dibdib ni Eya. Hinawakan ng mga kampon ni Eya si Kendra. "LET ME GO!" Nagpupumiglas si Kendra. "BITAWAN NYO SYA!" Napuno na ako, ayoko sa lahat ay nadadamay ang mga kaibigan ko sa mga pang huhusga nila. "Wala akong panahon na maki pag lokohan sainyo Eya. Kung wala kayong magawa sa buhay nyo mag aral nalang kayo. Sayang ang baon na ibinibigay ng mga magulang nyo sainyo kung wala naman akong ibang ginawa sa school kung hindi ang manakit ng kapwa nyo estudyante. Beauty without a brain!" Matapang na sigaw ko sa pagmumukha nya. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang sakit sa pisngi ko dahil sa sampal ni Eya. "HOW DARE YOU!" Sasampalin nya sana ako ng bigla nalang may humatak sa kamay nya. Nanlaki ang mga mata ko, dahil sa takot binitawan nila si Kendra. Nagsialisan lahat ang mga kaklase ko at tumabi. "Lay a single finger to her. I will fckin break your neck" mahinahon ngunit nakakatakot na sambit ni Jack. "JM" Kinakabahang sambit ni Eya. Pabalibag na binitawan ni Jack ang kamay ni Eya at itinulak ito dahilan para mapaupo sya sa sahig. Napasinghap lahat ng kaklase ko dahil sa ginawa nya. Lumapit sya saakin at hinawakan ang pisngi ko. "You hit her?" Nanlilisik na tanong ni Jack kay Eya. Parang binuhusan ng suka si Eya dahil sa putla ng mukha nya. "Yes Jm! Eya slap Audrey!" Pagsusumbong ni Kendra. Di ako makasagot. Parang natuyo at umurong ang dila ko dahil sa takot na baka may gawin si Jack kay Eya. "How dare you b***h! You dont have the right to hurt my girl! Touch her again I will make sure I will forget that you're a girl!" "Stop it Jack!" Awat ko sakanya bago pa sya may magawang hindi maganda kay Eya. "You! ALL OF YOU! THIS GIRL BESIDES ME IS MY GIRLFRIEND! TRY TO HURT HER AGAIN! YOU WILL REGRET IT! This is my last warning Eya Montemayor mark my word!" Duro nya kay Eya. Hinatak ako palabas ni Jack. Sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko. Nagpatangay lang ako sakanya. Wala akong masabi. Bakit nya sinabi sa harap ng maraming tao na kami. Dinala nya ako sa cafeteria. Bumili sya ng yelo inilagay nya sa panyo. Idinampi nya sa mukha ko ang yelo. "Masakit ba?" Kasabay ng pagiling ko ang pagpatak ng luha sa aking mata. "Why are you crying? Gusto mo bang puntahan natin ulit si Eya?" Pag aalo nya saakin na mabilis kong inilingan. "I-m okey" paninigurado ko sakanya. Hinaplos nya ng dahan dahan ang pisngi ko na nasampal. "Di ko na ulit hahayaan na saktan ka nila" seryosong sambit nito. Pinunasan nya ang ilang butil ng luha na pumatak sa aking pisngi. Niyakap nya ako. Yung yakap na parang safe na safe ka talaga at walang makaka away sayo. "From now on I will stay by your side" madamdaming tugon nito. Pagkatapos ng eksenang iyon magkasama kaming pumasok ni Jack. "Nagpalipat kaba talaga?" Gulat na tanong ko sakanya. Nag shift daw kasi ito ng course para makasama nya ako. "Di mo naman kailangan gawin to. Okey lang ako promise" paninigurado ko sakanya. Hinawakan nya ang kamay ko "Bago pa mangyari yung kanina nagpalipat na talaga ako dahil gusto kitang makasama" Kung ibang babae lang siguro yung sinabihan ng ganito kikiligin na. Bat pakiramdam ko lalo lang gugulo lang lahat? Napa buntong hininga nalang ako at hinayaan sya. Pagpasok namin saamin lahat napunta ang atensyon nila. Naglakad kami ni Jack papunta sa dulo. "Move" utos nya kay Drian. Yung isang classmate ko. Umalis naman ito. Doon umupo si Jack pinaupo nya din ako sa tabi nya. "What are you looking for Idiots?!" Galit na sigaw ni Jack. Humawak ako sa braso nya "Thats enough" awat ko Pagdating ng prof namin nabigla pa sya ng makita nya si Jack na nakaupo sa tabi ko. "Oh. GoodMorning Mr. Hemsworth!" Medyo ala nganing bati ni Prof. Lim sakanya. Tipid na tumango si Jack kay Mr. Lim. Halata naman sa mukha ni Mr. Lim na natatakot sya kay Jack dahil hindi ito makapali habang nagtuturo sa harapan. May kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Pati pala prof. takot sakanya dahil sa mga ginagawa nya. Alam kasi nila na anak sya ng may ari sa Hemsworth University. Kaya kahit anong kabalastugan na gawin nya di sya natatawag sa Dean Office. Ganyan naman talaga ata ang mayayaman nagagawa lahat nila ang gusto nila. Kahit makasakit pa sila ng ibang tao. Kaya di ako nahihiya kahit mahirap lang kami, pinalaki naman ako ng maayos ng mommy ko. Di ko naman sinasabi na lahat ng mayayaman ay katulad ni Jack. May iilan siguro. "Okey lets call it a day. You can have your lunch break" anunsyo ni Mr. Lim. Nagunahan na mag silabasan ang mga classmate ko. Isa lang naman ang dahilan Ipagkakalat nila ang nangyari kanina. "Lets go" Yaya saakin ni Jack. Nakatayo sya ngayon sa harapan ko. Tiningala ko sya "Ayokong kumain" pagtanggi ko. Hinawakan nya ang kamay ko at dahan dahan akong hinatak. Kaya wala tuloy akong nagawa kundi sumama sakanya sa cafeteria. As usual, lahat ng nadadaanan namin ay saamin naka tingin. May iilang nag bubulung bulungan. Buti nalang ay si sila pinapansin ni Jack. Pagdating namin sa cafeteria nanlaki ang mga mata ko dahil puno ng pagkain ang dalawang table. Lahat ata ng tinitinda nilang lunch nasa mesa. "Sit down" pinanghatak nya ako ng upuan. Di ko tuloy alam kung uupo ako oh hindi. Lahat kasi ng estudyante saamin na naka tingin. Tinignan ako ng masama ni Jack. Kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang umupo. "Kakainin ba lahat natin to?" Nahihiyang tanong ko sakanya. Ngumiti sya saakin. "Yes. Sobrang payat mo kasi" okey. I will take that as a compliment. Inirapan ko lang sya. Lumingon lingon ako para hanapin si Kendra. Kanina ko pa sya di nakakausap baka awayin nana man sya ni Eya. Sakto naman paglingon ko ay nakita ko syang kumakaway saakin. Mag isa sa table nya. "Hmm. Can we invite her?" I point Kendra. Nilingon sya ni Jack. Mabilis na ibinaba ni Kendra ang kamay nya at nag iwas ng tingin. Nakakatawa sya! Hahaha. "Yes sure thing" I text Kendra na pumunta sya sa table namin dahil niyayaya sya ni Jack. Ayaw pa nyang maniwala pero sa huli pumunta din sya. Kung kami lang dalawa ni Jack di naman namin mauubos to. "Hi" naiilang na bati ni Kendra. Umupo sya sa tabi ko. Ang nasa harap namin ay si Jack. "Hello" nakahinga ako ng maluwag dahil hindi sya inisnob ni Jack. "Lets eat!" Masiglang yaya ko. Nagsimula na kaming kumain pero di pa rin ginagalaw ni Kendra yung pagkain nya. Siniko ko sya titig na titig kasi sya kay Jack. "Oy. Kumain kana!" Bulyaw ko sakanya. "Ang gwapo gwapo nya pala sa malapitan" Napatakip ng bibig si Kendra dahil napalakas ang sinabi nya. Natawa tuloy kaming pareho ni Jack. "You're funny" puna sakanya ni Jack. "Hehe. Sorry!" Paumanhin ni Kendra bago nya lantakan lahat ng pagkain na nasa harapan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD