Dalawang oras na ang nakalipas simula ng naging usapan namin ni Tita Yzza. Di pa rin maka pag sink in sa aking isipan ang mga binitawang salita ni Tita Yzza. Bakit ba ganun lang kadali para sakanila na sabihin iyon. Pati ba ang kaligayahan natutumbasan na ng pera ngayon. Ayokong pakasalan si Jack dahil lang pera at pakiusap ng mommy nya. Hindi biro ang pagpapakasal, bata pa kami pareho para pumasok sa ganoong sitwasyon. Hindi pa kami handa. Marami pa akong pangarap para saaming dalawa ni mommy. Ayokong matali sa isang relasyon na pinilit lang. Pagkatapos kong mag pahangin napag desisyonan ko nang pumasok. Pagpasok ko nakasalubong ko si Tita Aileen na mukha na talagang problemado. May kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib Pagsubok lang ito, alam ko malalampasan namin ni

