CHAPTER 8

1336 Words
"Tita, maraming salamat po. Dahil sainyo ay nagkaroon ng pag kakataon na baguhin ang buhay ko, at maiahon sa hirap ang aking pamilya" ang pagpasalamat ni Celestine sa Donyang nag bigay sa kanya ng Tseke na dumataginting na 2.5 million peso. Sobrang saya niya ng mahawakan niya mismo ang Tseke, sa isip niya ay sapat na iyon para maiahon sa hirap ang kanyang Nanay at bunso. Pero dahil nasilaw na din si Celestine sa pera at sa kakaibang sarap na ngayon palang niya natitikman kaya ay nais pa niyang makatagamtam ng higit pa na pera para lalong mas yumaman pa siya. Katawan na niya ang kanyang puhunan kaya sisiguraduhin niyang hindi siya hihinto hangga't hindi niya nakukuha ang lahat ng kagustuhan niya, lahat ng ambisyon niya. "Walang ano man Iha. You worked for it, you deserve it. And thank you for bringing me a lot of money" sabi ng Donya sa kanya sabay halak halak "And one more thing Tita, Is it okay for me to visit my family back at Marty's place?" tanong ni Celestine dito "Of course iha, ang sabi ko nga ay pwede kayong mag bakasyon ng isang buong linggo, may aayusin lang ako para sa susunod na linggo ay sigurado ang malaking kikitain natin. So you do as you please iha!" masayang sagot ng Donya sa kanya Matapos maka pag paalam ni Celestine ay agad siyang nag bihis at nag handa ng ibang mga gamit na dadalhin niya pauwi, sabik na sabik na siyang makita at makasama muli ang kanyang inay at bunsong kapatid. Nang makapag ayos na siya ng mga gamit niya ay agad naman siyang nag pahatid sa isang driver na tinalaga para lamang sa kanya. Pinag palit niya ang tseke niya sa pera upang may magamit siya pangbili ng mga pasalubong pag uwi niya. Ang ibang pera ay ediniposito niya sa bangko upang ipunin at mas lalo pang palaguib. Nilamon na ng ambisyon ang dalaga dahil nasilaw na siya sa perang nakamtan sa isang gabeng pakikipaglaro sa apoy, sa taong hindi niya kakilala. Iba din ang hatid na ibayong sarap ng kanyang narasan kung kaya ay hindi niya malimot limot ang pangalan ng lalaki. Si Xander na nagparamdam sa kanya ng ibayong kiliti at pumukaw sa libidong hindi pa niya natutuklasan ng hindi pa sila nag tatalik. "Excuse me Ma'am, we need you to sign this paper for your deposit. We will process your card right away. Please wait a moment" sabi ng babaeng nag process ng kanyang pag deposit. Ang 100,000 ay kinuhang niya cash para pang gastos sa isang buong linggo. At pang bili nadin niya ng mga pasalubong pag uwi niya. Ang matitira sa 100,000 ay iiwan niya sa kanila para sa pang gastos pang araw araw. Matapos niyang ayusin ang perang kanyang nadiposito sa bangko ay agad din siyang nag pasama sa driver na binigay sa kanya ni Madam Tanya para sa kanyang pag uwi. Nagpunta sila sa Mall at bumili ng lahat ng kanyang gustong ibibigay sa Nanay, bunsong kapatid maging sa kanyang kaibigan na sai Marty. Matapos ang lahat na pamimili na kanyang ginawa ay binigyan niya ng pabuya ang driver dahil sa pag sama niya. "Kuya, ito po pala. Maraming salamat sa pag sama sakin. Deretso na po tayo sa bahay nina Marty." sabi ni Celestine sa driver niya " Naku, maraming salamat po Lady Celestine. Malaking tulong po ito para sa misis kong manganganak na ngayong buwan" pagpapasalamat naman ng driver sa kanya. Mataas man ang ambisyon ni Celestine na maka ahon sa hirap at magkaroon pa ng mas malaking pera kahit na ngayon ay maituturing na siyang milyonaryo ay hindi padin niya nalilimutang maging matulungin sa kapwa. Alam niya ang hirap ng buhay dahil noon paman ay pinag daanan na niya ito. Nang makarating na sila sa bahay ni Marty ay nasurpresa ang kanyang nanay at bunsong kapatid. Sinadya niyang hindi tumawag at ipaalam ang kanyang pag uwi para hindi na sila mag sayang ng panahon para mag handa para sa kanya. Nakita niya ang kanyang Inay na abalang abala sa pagkuha ng mga order ng mga costumer na kumakain sa karenderya ng kanyang kaibigan na si Marty. Ang kanyang bunsong kapatid ay tumutulong din sa pag hahatid ng mga order sa mga kumakain. Deretso nalang siyang pumasok sa bahay ng kanyang kaibigan, inilapag ang kanyang mga dala sa tulong na din ng driver na nag hatid sa kanya. Nang maaayos na niya ang kanyang mga pasalubong ay agad naman siyang nag tungo sa karinderya para tumulong. "Buknoy, ihatid mo ito sa number 22" tawag ng kanyang inay sa kanyang kapatid na hindi narinig ang utos dahil busy din ito sa pag linis ng mesang pinagkainan ng costumer. " Ako na po inay" sabi ni Celestine na ikinagulat ng kanyang ina. Napa ngiti siya sa reaksiyon ng kanyang nanay dahil labis ang tuwa na naka ukit sa mukha nito " Anak, jusko salamat sa Diyos at naka uwi kana, buong akala ko ay sa katapusan pa ng buwan. Magpahinga kana muna at kami na ang bahala dito" sabi ng nanay niya "Nay, ayos lang po. Ako na po" sabi ni Celestine sa nanay niya Wala namang nagawa ang kanyang nanay kundi ang hayaan nalang ang kanyang anak na tumulong sa karenderya. Mas lalo pang dumami ang kumain sa kanilang karenderya dahil naduon na si Celestine, madaming lalaki ang dumagsa na halata namang si Celestine ang rason kung bakit kumain sila rito. Ngunit isang tao ang hindi nila inaasahan na darating. Habang sila ay abala sa pagaasikaso sa karenderya at sa mga costumer ay biglang gumawa mg komosyon ang bagong dating. "Kaya pala hindi na kayo umuwi, ang kakapal ng mukha niyong iwan ako matapos ang sakripisyong ginawa ko para sainyong mag iina" bulyaw ni Mang Berto na kinagulat ng lahat ganun din sina Celestine na kinaputla ng kanyang ina. Agad naman nitong sinalubong ang kanyang asawa para pakalmahin dahil madaming tao ang nakakakita sa kanila. "Tama na Berto, masaya na kaming umalis. Nahihirapan na akong pakisamahan ang pang aabuso mo samin" pigil ni Aling Minda sa kanyang asawa "Ah ganun, wala kang utang na loob sakin. Matapos kung itaguyod ang mga anak mo ng mamatay ang asawa mo. Tapos ngayon ito ang igaganti niyo sakin" bulyaw ni Mang Berto sa kanila na walang pakialam sa mga taong nakakakita at nakakarinig sa kanya. Lahat ng kanilang mga costumer ay napatigil dahil sa komosyon na nangyayare. Nang hindi na maka pigil si Celestine ay siya na mismo ang nag salita. "Ikaw ang hayop na walang utang na loob. Bayad na ang lahat ng mga ginawa mo saamin ng oaulit ulit mong bugbugin ang nanay ko, matapos mo kaming pag malupitang ng kapatid ko. Husto na ang pagtitiis namin sayo tiyo Berto. Tama na ang lahat nang yun, kaya umalis kana habang may respeto pa ako sayo" madiin na sabi ni Celestine dito "Ah ganun nag mamalaki kana, porket ito kayo at may negosyo" pagmamatigas pa ni Mang Berto Umalis si Celestine at bumalik sa bahay ni Marty para kumuha ng perang isasampal niya sa walang hiyang mukha ng kanyang mapan abusong amain. "Ayan! ayan ang pera umalis kana at huwag mo na kaming gambalain pa. Wala kanang karapatan na pahirapan at mag sumbat samin ng mga ginawa mo para saamin. Husto na ang lahat tiyo Berto!" pinal na sabi ni Celestine at marahas na binato sa kanyang amain ang sampung libo. Nasilaw sa pera si Mang Berto at agad itong kinuha. "Yan buti naman at madali kang kausap Gian!" naka ngising saad nito matapos makuha ang pera Labis na galit ang nararamdaman niya ngayon, ang kanyang ina ay napaiyak dahil sa ginawang panggugulo ng amain. Nang maka alis ito ay humingi si Celestine ng paumanhin sa mga costumer, bumalik ang lahat sa dati na parang walang nangyare. Ang buong akala nila ay maayos na ang lahat at wala nang manggugulo ulit sa kanila kaya ay naging panatag na sila. Ngunit may mas matindi pa palang plano ang amain sa kanilang mag iina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD