"Nay, ito po ang perang gamitin niyo sa mga pangangailan niyo dito habang nasa trabaho pa ako" saad ni Celestine sabay abot ng perang sobra sa dala niyang isang daang libong peso, 60 thousand pesos ang halaga ng perang ibinigay niya sa kanyang ina.
" Naku! Anak ang laking pera naman nito. Hindi ko to matatanggap. Ayos na ang limang libo, yung iba ay ipunin mo nalang" may pag aalinlangan na saad ng kanyang nanay
"May naitabi na po ako inay, para sainyo po talaga yan. Pang bili niyo ng mga gusto niyong bilhin dito. At wag po kayong mag aalala magiipon na po ako ng pera para maka pag pagawa tayo ng sarili nating bahay" sabi niya sa kanyang nanay para kumbinsihin ito na tanggapin ang perang binibigay niya.
"Eh ang laki kasi masyado anak!" reklamo pa ng kanyang nanay
"Nay, para po sainyo yan, wala pong ibang mag papasaya saakin kundi ang makita kayong maginhawa ang buhay at masayang nakukuha ang ano man ang gustuhin niyo. Saka para na din po sa pag aaral ni buknoy." dagdag pa ni Celestine
Ang kanyang kapatid ay naka pag patuloy na sa pag aaral. Sa Skwelahan na malapit lamang sa kanilang pinaglipatan. Si Marty naman ay abala din sa pag aayos ng mga gamit ng kanyang kaibigan dahil aalis na naman si Celestine para muling nag trabaho.
"Bes, maraming salamat talaga sa pag aalaga sa pamilya ko!" pag papasalamat ni Celestine dito
"Ano kaba, pamilya ko na kayo diba" naka ngiting tugon ni Marty
"Kumusta naman pala ang trabaho mo Bes?" tanong ni Celestine sa kaibigan.
" Hay naku bes ang bongga kaya, madami ako ngayong callers saka, ang laki laki ng bigay ni Madam Tanya, at alam mo ba super nagustuhan ka ni Madam" masayang sagot nito sa kanya
Nag uusap pa sila bago ang napipinto niyang pag alis, nag aantay nalang si Celestine sa pag dating ng kanyang sundo at saka na siya tuluyang babalik sa kanyang bagong trabaho. Sa pagpapaligaya ng mga lalaking hayok sa laman.
"Maayos yan bes, basta pag may kailangan ka wag kang mahihiyang tawagan ako. Sa lahat ng naitulong mo saamin ng aking pamilya ay mas higit ang aking ibabalik" sinsirong saad ni Celestine dito
" Ano kaba, wala nga yun bes. Basta huwag ka lang mag bago. Ayos na yun sakin. Saka hindi ba pamilya tayo." naka ngiting sabi ni Marty.
Niyakap ni Celestine ang kaibigan dahil sa kabutihan nito sa kanya. Hindi ito nag dalawang isip na kupkupin silang nag iina. Kaya pag maka pag ipon na siya ng perang ninanais niya ay hindi niya iiwan ang kaibigan at susuklian ng mas higit pa. Hindi nag tagal ay dumating ang isang magarang itim na van. Ito na ang sundo ni Celestine. Lumabas ang driver nito at pinag buksan siya ng pinto.
"Nay mauuna na po ako." paalam niya sa kanyang naluluhang ina at niyakap niya ito.
"Ikaw bunso ha! Magpapakabait ka at pagbutihin mo sa school!" bilin niya s kapatid na ngayon ay umiiyak na din.
" Ano ba kayo bakit naman kayo umiiyak. Pag wala akong trabaho ay babalik naman ako dito" naka ngiti niyang saad pero sa kaloob looban niya ay pinipigil niya ang maluha. Alam niya sa sarili niya na mas lalo siyang mahihirapan na iwan ulit ang kanyang pamilya
"Bes alam mo na ha? Ikaw muna ang bahala sa kanila!" saad niya sa kanyang kabigan na naluluha na din
" Oo naman bes!" sabi nito at tuluyan niya din itong niyakap.
" Hindi naman ako mag a - abroad bakit ba nag iiyakan?" natatawang saad niya ngunit tumulo nadin ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
Kinuha ng driver ang kanyang mga gamit at ipinasok ito sa sasakyan. Nang makapag paalam na siya ng maayos ay inalalayan siya ng driver sa pag pasok sa van. Bago pa maisarado ang pinto ay ngumiti siya sa kanyang pamilya.
"Mag iingat ka doon anak." huling bilin ng kanyang ina bago tuluyang sinara ng driver ang pintuan ng sasakyan. Nang maka alis na sila ay hindi niya padin matigil ang pag agos ng mga luha niya. Mahihiwalay na naman siya sa kanyang pamilya at kailangan na din niyang pasukin ulit ang makamundo niyang trabaho. Pinahid ni Celestine ang mga luhang tumutulo sa kayang makinis na mukha. Hindi na niya hinayaang makita siyang umiiyak ng mga taong nasa mansion, alam niyang may mga halong inggit ang iba niyang kasama sa trabaho. Pero hindi siya mag papadaig sa kanila, lalo pa at hindi siya nagdadalawang isip na lumaban pag siya ay naabuso. Hindi nag tagal ay narating na nila ang Mansion de Luiz. Hindi na bago sa kanya ang itsura ng mansion sa loob kasi n pananatili niya dito ay natutunan na niyang panindigan ang mala aristocratang ugali.
Pag kapasok niya sa malawak na Mansion, ay kitang kita niya ang magagarang muwebles, nag lalakihang chandelier, at ang napakalaking picture frame ni Donia Tanya. Noong unang pag pasok niya dito ay manghang mangha siya, pero sa ngayon ay tila natural nalang ito sa kanya. Papaakyat na siya sa grand stairway ng agawin ang kanyang pansin sa isa sa mga taga silbi sa mansion.
"Welcome back Lady Celestine. Ako na po ang bahala sa iyong mga dalang gamit" saad nito sa kanya ng naka yuko
"Maraming salamat manang" sabi niya sabay bigay ng kanyang bagahe dito
May katandaan na ito ngunit kitang kita niya ang ganda ng babae. Bakit kaya ito naging kasambahay. Tanong niya sa kanyang isip. Nang maka akyat na sila sa taas ay nauna na ang babaeng tuntunin ang kanyang silid. Hindi na niya ibinigay ang susi dahil meron itong kopya ng mga susi ng bawat kwarta ganun din si Madam Tanya. Akmang susunod na siya sa babae ay tinawag siya ni Zephanie.
"Celestine!" tawag ng babae sa kanya
Napahinto siya at inantay na makalapit ang mga babae sa kanya. Sina Chelsea, Vhanessa, Zephanie, Rose. Nang maka lapit ang apat ay hindi maitago sa kanilang nga mukha ang pag ka ingit kay Celestine.
"Bakit?" tanong niya sa Apat
"Akala mo ba hindi namin napapansin ang pagiging sipsip mo kay Madam!" mapanbintang na saad ni Vhanessa sabay irap sa kanya
"Hindi ko alam ang pinag sasabi niyo. Kun yan lang ang ibibintang sakin ay wala akong panahon para jan." kalmadong sagot naman niya
Napaigting ang panga ng babae at kinuyom ang mga kamay nito. Ang ibang kasama nito ay nag ngingit din ang mga ipin dahil sa ginawang pag sagot ni Celestine sa kanila. Akmang tatalikod na si Celestine at maglalakad papunta sa kanyang silid ay biglang hinila ni Rose ang kanyang buhok.
"Bastos ka ha! Yabang yabang mo kakapasok mo palang sa trabaho!" sabi ni Rose haban hila hila ang buhok ni Celestine.
"Ang tapang ng babaeng ito. Kelangan niyang malaman kung sino ang masusunod dito sa mansion at kung saan siya lulugar." naka ngising saad ni Vhanessa na nasisiyahan dahil nasasaktan si Celestine.
Hindi pa nakakabawi si Celestine ng biglang dumating si Martha at inawat sila.
"Ano ba kayo! Iisa lang ang tinutuluyan natin. Tapos mag aaway away pa kayo?" buong tapang na sabi ni Martha sa kaniyang mga kasamang nag kakagulo.
"Dumating ang tagapagligtas" saad ni Chelsea at nag tawanan ang mga babae.
"At ano naman ang magagawa mo kung awayin namin ang sipsip na babaeng to? Ha? Aber!" mataray na saad ni Rose sabay turo kay Celestine
"Mag susumbong ako kay Tita!" buong tapang na saad ni Martha
"At sa tingin mo hahayaan ka namin?" naka ngising hamon ni Vhanessa kay Martha at nag tawanan sila.
Hindi nila napansin na naka lapit na si Celestine sa kanila. Lumapat ang isang napakalakas na sampal sa mukha ni Vhanessa na ikinabigla ng lahat.
"Huwag ako! Hindi ko kayo uurungan!" mapanganib na sabi ni Celestine sa apat na babae sabay ng kanyang pag talikod at hinila niya sa kamay si Martha at iniwang nagaapoy sa galit ang grupo nina Vhanessa, Rose, Chelsea at Zephanie. Hindi nila alam kung sino ang kinakalaban nila. Ang sabi ni Celestine sa kanyang sarili bago tuluyang maka alis sa harap ng mga ito.