Matapos ang away na naganap sa pagitan nina Celestine at sa grupo nina Vhanessa ay hindi na siya muling ginulo nito. Ngunit hindi niya ito ipinagsawalang bahala dahil alam niyang hindi padin sila hihinto. Matapos ang dalawang araw mula ng bumalik siya sa Mansion ay siya namang pag dating ni Donya Tanya. Pinatawag sila nito at may importante e aanunsiyo sa kanilang lahat. Matapos silang matipon sa dining hall ay agad nitong sinabi ang isang magandang balita.
"Good evening Ladies! Ngayon darating na Wednesday ay may dadaluhan tayong party sa labas ng bansa. Tayo ay pupunta sa Taiwan." ang masayang pag babalita ng Donya sa kanyang mga alaga
"Nakahanda na ang lahat ng kakailangan niyo, maging ang mga passport niyo ay naka handa nadin. Ako na ang gumawa ng paraan para mapadali ang proseso para maka kuha ng passport. Kaya aasahan ko na marami tayong kikitain sa araw naiyon. Are we clear ladies?" tanong ng Donya
" Crystal!" sabay sabay na saad ng mga babae sa Donya, sabay sabay nadin silang nag hapunan. Hindi naman maitago ni Celestine ang excitement na nadarama dahil sa balitang saad ng kanilang tita kuno. Sa unang pag kakataon ay makakalabas siya ng bansa hindi niya lubos akalain na ang trabahong ito ay ang magbibigay sa kanya ng opurtunidad na makatung tong sa labas ng bansa.
"Oh iha, I have something for you!" magiliw na saad ng Donya kay Celestine matapos niyang mag handa para sa kanilang pag alis bukas. May galak nitong ibinigay kay Celestine ang isang mamahaling bag na may laman pa ng ibang gamit.
"What's this Tita?" takang tanong ni Celestine
"Isang regalo iha. The moment I saw this bag naalala kita agad. Saka check out what's inside the bag. Alam kong babagay ang mga yun sayo" naka ngiting saad ng Donya kay Celestine. Ngumiti naman ang dalaga pabalik at inusisa ang bigay ng Donya. Alam niyang mamahalin ang bag na ito dahil kilala niya at tanyag na brand ang naka ukit dito. Nang makita niya ang laman ay isang napakagandang kulay berde na dress, ito ay isang fitted green dress na may simple ngunit napaka gandang desinyo. Isa pang dress ang nakita niya. Isang lavender backless and flowy dress. Alam niyang pag naisuot niya ito ay mag mumukha siyang mayaman. Hindi labis masukat ang kanyang galak.
"Naku Tita. Ang gaganda po. Thank you so much Tita!" masayang saad niya sa Donya na masaya din sa naging reaksiyon niya.
"I want you to wear those dress sa Taiwan. Alam kong ikaw naman ang mgiging sentro ng party!" sabi ng Donya kay Celestine
"Thank you Tita! Gagawin ko ang best ko para mas malaki pa ang kita natin sa gabe ng party." saad ni Celestine sa donya
"Oh siya Iha, I'll let prepare your things para sa flight natin bukas"
Matapos ang usapan nila ng Donya ay agad naman siyang nag ayos ng kanyang mga dadalhin. Hindi mawala sa kanyang isipan ang pag alis nila ng bansa dahil ito ang unang pag kakataon niya na makalabas ng bansa. Nakatulog siya ng maaga dahil nadin sa kanyang excitement. Gusto niyang maaga din siyang magising sa kanilang pag alis.
Kinaumagahan ay una ngang nagising si Celestine. Pag mulat palang ng kanyang mga mata ay agad na umukit sa kanyang mga labi ang isang napaka gandang ngiti. Dala ng excitement sa napipintong pag alis ng bansa. Nang makapag ayos na siya ay agad siyang nag tungo sa dining hall para mag agahan.
Pag labas niya ng kanyang kwarto ay nakita niyang papalapit si Martha. Naka ngiti ito at ayos na ayos na din.
"Good Morning Cel!" pag bati nito sa kanya na nakangiti. Ngumiti din siya pabalik dito.
"Magandang Umaga Martha! Ang aga mo nagising ah" ang sabi ni Celestine dito.
"Actually excited kasi ako, saka hindi lang kaya ako. Halos lahat gising na at andun na sa hapagkainan. Ikaw nalang ang kulang kung kaya minabuti kong puntahan kana" saad naman ng kanyang kaibigan sa kanya kaya napangiti nalang din siya at agad silang nag tungo sa hapag upang sabay sabay na mag agahan.
Nang lahat sila ay nandun na ay siya naman pagbibigay ng bilin ng donya sa kanilang lahat. Maaliwalas ang mukha nito, ang kanyang mukha ay hindi nagpapahiwatig ng katandaan bagkus ng kanyang maliwanag na aura ng pagiging aristocrata. Ngumiti ito sa kanilang lahat ng ubod ng tamis bago nag salita.
"Ladies, today we are flying to Taiwan. We got invited to a Bachelors Party, so I know for a fact that all of us will earn a great deal of money for a single night. Are you all excited?" ang masayang wika nito labis din ang ngiti nito dahil sa usaping pera. Dahil ang donya ang nagma - manage sa mga babae ay siya ang may mas malaking kita ng pera. Singkwenta pursyento ang pumapasok sa kanyang bank account mula sa isang babae palamang, tiyak na milyon milyon o higit pa ang laki ng perang pumapasok sa kanya sa tuwing may mga event at mga costumer ang kanyang mga alaga.
Nagsisagutan naman lahat ng mga babae, maging sila ay hindi rin maitago ang pagkagusto sa ideyang magkaroon na naman ng malaking halaga ng salapi. Ang iba sa mga babaeng ito ay kapos palad at walang ibang mapagkuhanan ng pera kung kaya ay nakipagsapalaran sa trabahong labag at tiyak na kamumuhian ng mata ng iba. Ngunit ang iba ay ang hangaring magkamkam ng pera sa madaling paraan para yumaman, pagkagahaman sa salapi ang dahilan. Sa dalawang dahilan na ito ay nasa gitna si Celestine, ngunit hindi rin niya maitatanggi na masyado na siyang nasilaw sa salapi at karangyangan kung kaya sa una'y labag sa kanyang loob at para lamang sa kanyang pamilya ang kanyang hangarin sa pagpasok sa trabahong ito, ngunit ngayon ay nagugustuhan na niya ito dahil sa sarap na ipinadanas sa kanya ng lalaking unang umangkin sa kanya, dahil nagiging gahaman nadin siya sa salapi, dahil gustong gusto niyang magkaroon ng limpak limpak na pera.
Matapos silang makapag agahan lahat ay kanya kanya silang pag balik sa mga kwarto at kanya kanyang nag handa. Si Celestine ay hindi na maitatanggi ang kakaibang ngiting naka ukit sa kanyang mga labi dahil nalalapit na ang kanilang pangingibang bansa. Isa na din dun ang napipintong party na kung saan ay paniguradong makakaramdam naman siya ng ibayong kiliti na muling bubuhay sa kanyang p********e.