Damn Heart 1

3096 Words
SHIENNA "Iha. . ." Napatingin ako sa kamay kong mahigpit na hinawakan ni Tita Felly. Then look at her pale face. We were inside her room. Gusto niya pa sanang manatili sa hardin kaso mahamog na kaya ipinasok ko na siya sa loob ng kanyang kwarto para makapagpahinga na. The first time I saw her she was very lively, vibrant. Laging nakangiti. Energetic na tila ba walang kapuroproblema. At higit sa lahat subrang bait at down to earth. Pareho sila ni Sir Conrad. Nakikisalamuha sa aming mahihirap. Ngunit sa isang iglap bigla na lang bumagsak ang katawan niya. Nagsimula lang 'yon no'ng ma-hospital siya matapos atakihin sa puso at ma-confine. Maliban sa hypertension wala namang makitang ibang sakit sa kanya ang doctor kaya nakakapagtaka naman na habang tumatagal lalong siyang nanghihina at nangangayayat. Puro negative naman ang results ng mga test na isinagawa sa kanya. I wonder kung ano ba talaga ang kanyang totoong sakit. Like. . . nakakapayat ba ang hypertension? Nakakabawas ng timbang? Nakakaputla? Honestly napakalaking question mark no'n sa akin. But then again, estudyante lang ako at 'di pa bihasa sa medisina. At isa pa hindi ko pwedeng kwestyunin ang private Doctor nila. Baka tanggalin ako, mahirap na. Pati 'yong isa pang nurse na karelyibo ko napakasungit. 'Di makausap. Nakairap lagi sa akin. Pero pagdating kay Sir at Tita, sa mga trabahador sa Rancho at dun sa tubuhan, kina Inay, pati sa opisina, ah basta sa kanilang lahat. . . ayaw ko na lang mag-talk at lahat ng mabuti at kapurihan nilunok niya ng hindi dumadaan sa malaking bunganga niya. Like duh? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero kung makaasta akala mo naman niyurakan ko ang puri niya. Kung makautos pa sa akin akala mo Boss na nagpapasahod. 'Yung documentation niya dinaig pa ang sulat ng Doctor. Parang ayaw ipaintindi sa akin. Buti na lang at dadalhin na si Tita Felly sa States para maipagamot. Mas bihasa at high tech ang mga gamit doon kaya sigurado akong mas mapapadali ang paggaling niya. Though nalulungkot ako na aalis na siya, but still, I prayed for her fast recovery. "Tita. . ." pinahid ko ang tumakas na luha sa kanyang mga mata saka naupo sa gilid ng kanyang kama. "Noong nakaraan pa po kayo panay iyak. May masakit po ba sa inyo?" Sunod-sunod siyang umiling. "Nalulungkot lang ako't 'di na kita makikita--" "Tita," saway ko sa kanya. "Magpapagamot lang po kayo sa States kaya magkikita pa rin po tayo." "Bakit ba kasi hindi ka na lang sumama sa akin? Mas gusto kong ikaw ang mag-alaga sa akin. Kapag ibang nurse ang humahawak sa akin pakiramdam ko anumang oras malalagutan na ako ng hininga." I took a deep sighs then caress her hand. "Kung pwede lang po sana kaso. . . nag-aaral pa po--" "Alam mong kaya ka naming pag-aralin ni Conrad." agap niya. "Ayaw mo lang talaga sumama. Nagsasawa ka na siguro mag-alaga sa akin e." hinampong binitawan niya ang kamay ko. I chuckled while my tears rolled down in my cheeks. Mabilis ko iyon pinalis. "Tita naman e. You know exactly the reason why--" "Oo na. Ulit-ulit na lang. Kinausap naman na namin ang mga magulang mo e. Ayaw mo lang talaga. Nagpapalusot ka pa." natawa ako ng irapan niya pa ako. "Alam mo kung wala lang talagang asawa ang anak ko, naku--" "Naku Tita," mabilis akong napatayo. "Magpahinga na po kayo at marami pa po akong ililigpit." Marahas akong napabaling sa pintuan ng makarinig akong mahinang tawa doon. There, I saw Sir Conrad leaning on the door frame. Amused na nakatingin sa amin. Nakakrus ang dalawang braso sa dibdib. "Sir," "Pwede ka ng magpahinga Shienna. Ako ng bahala kay Felly." "Ah, marami pa po akong tatapusin Sir--" "Drop that 'Sir'. Sinabi ko naman sayo na Tito Conrad na lang." "E Sir, boss po kasi kita. Nakakahiya naman kung--" "E ba't si Felly nasanay ka kaagad na tawagin siyang Tita samantalang ako hirap na hirap ka?" Napakamot ako sa aking ulo sabay lingon kay Tita Felly ng marinig ko ang mahina niyang tawa pero kaagad din nanahimik sabay hawak sa kanyang tiyan. "E kasi po sinusunod ko lang ang gusto ng pasyente ko po Sir. Obligasyon ko po 'yon e." He didn't answer me. Nagsalubong lang ang mga kilay niya sa sagot ko. Then shrugged his shoulder. Tanda ng pagsuko. 'Yun naman kasi ang paulit-ulit kong sagot sa kanya. Kaya siguro ganun. Naumay na. Mabilis kong dinampot ang medic kit at folder ng mamayani ang katahimikan sabay paalam kay Tita Felly. "Dumating pala kahapon sina JM at Migz," Naestatwa ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko nagkarera bigla ang puso ko pagkarining ko sa pangalan ng dalawang anak ng mga Del Carpio. Kahit kailan hindi ko pa sila nakita. Picture no'ng bata pa sila, oo. . . marami no'n sa family room nila pati sa library. Yeah, I heard their names and. . . oh, Tita Felly told me about their random escapades na para bang interesado naman ako. Halos araw-araw na lang ang mga 'yon ang bukambibig niya. Na kisyo mga bulakbol, adik, babaero, mga suwail at sakit sa ulo. Napapangiwi na lang ako sa kwento niyang parang sirang plaka. "Anytime bubulaga ang mga 'yon dito. Sabi ni JM nandito na si Migz sa Hacienda pero hindi ko naman mahagilap ang anino ng batang 'yon. Iwan kung saan nagsususuot." "Baka po naligaw lang, Sir." biro ko sa kanya. "First timer e." Sir Conrad chuckled. "Basta kinausap ko na si Migz. Dito ka pa rin magtatrabaho sa loob ng mansyon kahit wala kami ni Felly. Kasama mo si Nana Rosa. Pwede mo rin papuntahin dito ang kapatid mo pati mga kaibigan mo para makampante ka. Kilala ko naman silang lahat." "Pero Sir--" "Parang mas gusto niyo pa yata dun sa initan magtrabaho ah." sabad niya. "Puro kayo pero. Ba't ba takot na takot kayo dito sa mansyon? Walang nagmumulto dito. Mas lalong wala pang namatay dito kundi sa hospital kaya walang rason para tanggihan niyo ang alok kong trabaho." "Ah basta," sabad ni Tita Felly. Pinagtulungan na naman nila ako. Ayaw namin dito sa loob ng mansyon kasi uuwi ang dalawang binata ng mga del Carpio. As in B I N A T A! Walang asawa! Balitang-balita iyon sa buong Hacienda at dito sa Isla! Ayokong aalialigid sa kanila. Nakakahiya! "Pananatilihin mo ang kalinisan nitong kwarto ko tsaka isa pa may trabaho ng nakalaan sayo doon sa kabila. Nurse ka kaya--" "Hindi po ako veterinarian Tita." "May alam ka pa rin." katwiran niya pa. "Tsaka gusto ko pagbalik ko nandito ka pa rin." "Taga rito po ako kaya siguradong makikita niyo pa rin po ako sa pagbabalik niyo." "Bakit ba hindi ka na lang sumang-ayon? Puro ka tanggi." My lips twist. "Hindi po sa ganun pero. . . para po magpahinga na kayo pumapayag na po ako. Tutulong 'din po ako doon sa tubuhan--" "Ah, hindi," sabad niya na naman. Bahagya ng tumaas ang boses. "Sa opisina ka lang." I sighed then nodded. "Kukuhanan ko po ba ulit kayo ng BP?" "Shienna!" Nakangiting nilapitan ko siya sabay yakap ng mahigpit. "Mamimiss ko po kayo. Ingat po kayo sa byahe bukas. Pagaling po kayo agad ha." I heard her sniffed too. Kumalas ako sa kanya saka pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. "Parang wala ka talagang balak ihatid ako bukas ha?" I chuckled again. "Diyan lang naman po kayo sa rooftop sasakay ng plane." "Naku," napaigtad ako ng maramdaman ko ang pinong kurot niya sa aking tagiliran sabay tawa. "Basahan mo ako ng makatulog na ako. Hindi 'yong dinadaan-daan mo ako diyan sa patawa-tawa mo. Hinahigh blood mo ako lagi ha." "Felly, anong oras na. Magpahinga na kayong dalawa. Sige na Shienna." Nakangiting nilingon ko si Sir Conrad. "Hindi, ok lang po Sir." Nilapag ko muli ang mga bitbit ko saka inabot ang makapal na libro na nasa side table. Naupo ako sa tabi niya saka binuklat ang pahinang may bookmark. Malalim na nagpakawala ng buntong-hininga si Sir Conrad saka tahimik na muling lumabas ng magsimula na akong magbasa. Mahigit isang oras siguro ang tinagal ng pagbabasa ko na 'di matapos-tapos sa dating pahina pa rin dahil sa kakulitan niya. May mga sinisingit siyang kwento na 'di naman related sa binabasa ko. Parang talambuhay. Mahilig ako sa mga ganun kaya ayon, ang kinalabasan siya ang nagkwento. Tinamad na ako magbasa pero para sa kanya binasa ko pa rin hanggang sa nakita kong mahimbing ng natutulog si Tita. I closed the book then put it back in the side table. Then kissed her goodnight on her forehead. Inaayos ko ang kumot niya ng pumasok si Sir Conrad. "Magpahinga ka na, Shienna." "Opo, Sir." Dinampot ko ang mga gamit saka tahimik na naglakad papunta sa pinto. "Thank you for taking good care of my wife, Shienna." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Welcome po, Sir." nilingon ko si Tita. "I love her too and do care about her." "I know and thank you for that." marahan niya akong tinapik sa aking balikat. "Sige na magpahinga ka na. Pasensya na sa kakulitan--" "Naku, wala po 'yon Sir." nakangiti kong sagot sa kanya. "Natutuwa nga po ako kasi kahit masama ang pakiramdam niya nakukuha niya pa rin makipagbiruan sa akin. Will always accompany her in my prayer po." "Salamat ulit, iha." I nodded. "Sige po." sabi ko saka tumuloy na sa labas. Huminto ako sa paghakbang ng isarado niya na ang pinto. Pooled of tears rolled down in my cheeks. Parang niyayamukos ang dibdib ko sa sakit. Hindi pa man sila umaalis pero namimiss ko na agad sila. Nang sabihin ni Sir na dadalhin na sa States si Tita tahimik ko iyon iniyakan sa kwarto ko. Hindi dahil sa ayaw kong gumaling siya kundi dahil sa nasanay na akong araw-araw ko siyang kasakasama. Ito ang mahirap sa ganitong trabaho as caregiver, yung attachment mo sa inaalagaan mo. Ang sakit sa dibdib. But she's not dying for pete's sake Shienna! Sansala pa ng aking utak. I breathe in and out. Calm myself then wiped out my tears in my cheeks na ayaw na yatang huminto pa. Ilang minuto akong nanatili sa aking kinatatayuan. Patuloy na kinakalma ang sarili. Then unconsciously looked at my wristwatch. "Oh damn, it's past ten!" bulalas ko pa. "Kanina six pa lang ng ipasok ko siya tapos. . ." Malalaking hakbang na tinungo ko ang hagdanan. Pagdating ko sa taas bigla naman akong sinumpong ng uhaw. Nagdadalawang isip pa ako kung babalik pa ba ako sa ibaba or dederitso na lang ng kwarto ko ng makarinig akong kalabog. Natigilan ako sabay linga-linga sa paligid. Pinakiramdaman ko pa ng maigi. Nanggaling sa ibaba ang tunog kaya kaagad akong sinalakay ng takot. Nahimasmasan lang ako ng muli kong narinig ang kalabog. Sukat doon napakaripas ako ng takbo pabalik sa baba. Ngunit kaagad din akong napahinto pagdating ko doon ng marinig kong galing sa kusina ang kalabog hindi sa kwarto nina Tita Felly. May mahihina pang boses akong naririnig at hagikhik. Hagikhik, ehhh? At kailan pa natutong humagikhik si Nana Rosa? Diba nasa kabilang hacienda sila ni Mang Oscar? Bakit. . . Out of curiosity humakbang ako papunta sa kusina. Habang palapit ako ng palapit doon, palakas naman ng palakas ang mga bulungan nila. Napalunok ako ng marinig ko ang maarteng boses ng babae. Parang kinikiliti na iwan. "Imposibleng si Nana Rosa iyon. . ." 'Yung utak ko naghuhumiyaw na umakyat na ako ng hagdanan papunta sa kwarto ko pero 'yung paa ko parang may sariling utak at deritso lang ang lakad. Inihinto ako niyon mismo sa harapan ng kusina. Hindi man lang muna ako nagtago or sumilip sa gilid. Urauradang gumitna pa talaga ako! Tuloy naestatwa ako. Nanlaki ang aking mga mata sa bumalandra sa harapan ko. Humigpit ang hawak ko sa folder at medic kit. Nakalimutan kong huminga. Who are they? Bakit dito sila naglalampungan? Ang lakas naman ng loob nilang gawing motel 'tong kusina ng mansyon! Buhat-buhat ng hubad barong lalaki ang isang napakagandang babae. His toned muscle flexed everytime he moved. Ang ganda ng katawan! At napansin ko pa talaga 'yon? Pinasadahan ko pa from head to toe. Dammit! Nakasandal ang babae sa pintuan ng ref, sinisibasib ng halik ang lalamunan, leeg, at dibdib niya na nilalamukos pa ang kabila ng kamay no'ng lalaki. Nakapulupot pa ang mga binti niya sa bewang nito. Sa itsura ng babae tila sarap na sarap siya. Awang ang mga labi at nakapikit pa! Nakasabunot ang kamay sa makapal na buhok no'ng lalaki. 'Di alintana ang nasa paligid. At ako si tanga nanood pa! Para akong natuklaw ng ahas. Naipako na sa aking kinatatayuan. Pinagpawisan na ng malapot dahil sa halinghing no'ng babae at sa. . . mainit na palabas na ngayon ko pa lang nakita ng live sa tanang buhay ko. "Oh fùck, Migz--! Take me please!" Malakas akong napasinghap sa pangalan na dinaing no'ng babae matapos idiin lalo no'ng lalaki ang katawan sa kanya. Nakatitig ako sa likod no'n na bahagya pang kinikiskis sa harapan ng babae. Kasabay nang pagtakip ko ng mga kamay sa bibig, nabitawan ko ang mga bitbit ko na ikinalingon nilang dalawa. "Who are you?!" maarteng sigaw sa akin no'ng babae. "Why are you watching at?!" Dapat lumayas na ako kanina pa e pero HINDI! I didn't budge. Dinaig ko pa ang referee na nakabantay sa salpukan nila. Nanatili lang akong nakatitig sa kanila. Literal kay. . . Nagtama ang mata naming dalawa ni Migz. My heart raced. Oh damn--! May puso pala ako? Ngayon ko lang yata naramdamang tumibok ng mabilis? Saka ko lang pinakawalan ang aking hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Then suddenly my breath hitched again when I saw Migz playful smile. "Wanna join?" ani ni Migz. "Maybe she want to have threesome with us," nilingon niya ang babae na nanggigigil sa galit sa akin. "What do you think, babe?" Tila ako sinabuyan ng apoy sa sinabi nito kasabay ng pagsaboy ng isang drum na yelo. For a sec I managed to glared at them murderously. "Get a fùcking room! You gross!" Nanggigigil kong dinampot ang mga gamit na nabitawan ko sabay karipas ng takbo. Narinig ko pang nangangalaiti sa akin 'yong babae pero 'di ko na sila pinansin pa. Pasalamat sila 'yun lang sinabi ko. Pa'no na lang pala kung si Sir Conrad nakakita sa kanila? Inis na inis na ipinilig ko ang aking ulo saka sumandal sa likod ng pinto matapos kong i-lock iyon. Napaigik ako ng maramdaman ko ang sakit ng tuhod ko at daliri sa paa. "Aw--shhh." Paikang humakbang ako papunta sa kama. Itinaas ko ang aking kaliwang paa saka tiningnan ang nagdurugo kong tuhod. Lalo akong napangiwi ng maramdaman ko ang kirot. Makailang ulit akong natisod sa tulin ng takbo ko makalayo lang sa kanila. Kung hindi lang ako nakahawak sa barandilya baka gumulong pa ako pababa. Bwesit sila! I t'sked. "Kasalanan ko din naman. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at tumunganga ako doon?" kastigo ko pa sa aking sarili. "Tuloy ito napala ko. Boba ka talaga. . . hay naku. . . Shienna ka talaga!" Inabot ko ang medic kit saka ginamot ang sugat ko. KINABUKASAN maaga akong nagising. Pa tiptoe pa akong bumaba papunta sa kusina. Baka nandun pa 'yong dalawa. Kung nagkataon baka himatayin na ako sa makikita kong itsura nila pagkatapos ng. . . damn! Ba't ba ang dumi-dumi na ng utak ko?! Nakahinga akong maluwag ng malinis ang dinatnan ko. Animo'y walang kababalaghan na nanyari doon kagabi. I took a deep breath again then prepare the ingredients I'm going to cook. Steam chicken and vegies for today's Tita Felly's menu. Engrossed na engrossed ako sa aking ginagawa ng maramdaman kong parang may nanonood sa akin. Mabilis akong nag-angat ng tingin ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng makita ko si Migz este Señorito Miguel na nakahalukipkip sa hamba ng pintuan ng kusina. Staring at me intently. Kahit nahuli ko siyang nakatitig sa akin 'di man lang umiwas ng tingin. Lumalim pa lalo ang titig niya sa akin. Aba't. . . the nerve of this monkey! inis na hiyaw pa ng aking utak. Nakipaglabanan ako ng titig sa kanya. Ipinakita kong badtrip ako sa kanya. Kahit anak siya ng mga Del Carpio 'di ako papasindak sa kanya. Kung dati nahihiya akong makaharap sila, pwes ngayon iba na. Inis ako sa kanya! Inis na inis! I even arched my brows, sent him a dagger looks but he just yawn and pouted his red lips. Mukhang wala pa siyang tulog. Ehh? Teka. . . pakialam ko ba?! Pakialam ko kung bilasa pa ang kanyang mga mata! Pakialam ko kung magulo pa ang kanyang mga buhok! Pakialam ko kung wala pa din siyang damit! Pakialam ko kung walang sapin ang kanyang mga paa! Pakialam ko kung nakapajama lang siya! Pakialam ko kung bakat pa 'yong. . . Malakas na tikhim nito ang nagpaangat muli ng tingin ko sa kanya. Hindi ko namalayan na naglakbay na pala ang makasalanan kong mga mata. I mentally cursed myself. How disgusting Shienna! Kaaga-aga. . . I met his blue eyes with mine. I felt my heart raced again. Damn, ba't ako nakakaramdam ng ganito sa manyak na unggoy na 'tong nasa harapan ko? "Done assessing me, beauty? Nakapasa ba ako sa taste mo or. . . lumampas? Tumulo pa. . ." niyuko niya ang kanya saka pilyo ang ngising tinitigan akong muli. ". . .ang laway mo ha." Ramdam kong umakyat ang init sa aking mukha pero umusok ang ilong ko sa kayabangan niya. "Aww--!" daing ko ng maramdaman ko ang paghiwa ng kutsilyo sa aking daliri. Pagtingin ko doon, tumulo na ang dugo sa tadtaran. Mukha niya ang iniimagine kong hinihiwa e. Ba't daliri ko nadali?! He cursed. Sa isang iglap nasa tabi ko na siya. Walang babalang hinablot ang kamay ko saka hinatak ako papunta sa lababo. Binuksan niya ang gripo at tinapat ang duguan kong daliri doon. "Tss. 'Di kasi nag-iingat. Partida pa 'yan ha, half naked pa lang nakita mo. Pa'no na lang pala kung ang kabuuan ko na? Baka 'di mo kayanin, duguin ka--" "Bastos!" hinatak ko ang kamay ko sabay tulak sa kanya. Pinagpapalo ko siya sa kanyang balikat na pinagsasangga niya naman habang tumatawa. Tila aliw na aliw pa sa akin. "Bastos ka! Lumayas ka! Napakabastos mo!" "Shienna," napahinto ako kasabay ng paglaki ng aking mga mata ng makita ko si Sir Conrad na naglalakad papasok ng kusina. Seryoso ang mukha. "What's going on here? Migz? Kayong dalawa ba 'yong narinig ko kagabi?" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD