CHAPTER 1

2493 Words
⚠️ Typographical error and grammatical error ahead "CAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas pagtawag sakin. Dali-dali akong nag ayos ng sarili bago lumabas sa kwarto saka sinundan kung saan nanggaling ang pagtawag sa akin. Nakaupo si tatay sa isang monoblock at nagkakape sa tabi ng bintana ng aming tahanan. "Bakit ho 'tay?" mabilis ngunit magalang kong tanong kay tatay. Lumingon sa'kin si tatay at nagsalita "Cat, punta tayo sa Biñan pinabibili tayo ni Nanay ng materyales kaya mag ayos ka na. Maaga tayong aalis kase gagawa pa ako kala nanay." "Sige po, 'tay" tumatangong sambit ko saka nagmamadaling tumalikod na para pumasok ulit sa bahay. Nakaligo at nakabihis na ako nang umalis sa bahay at naglakad kami papunta sa terminal ng jeep. Naghintay lang kami ng kaunting minuto bago napuno ang jeep na pa-Biñan at lumarga na. Habang lulan ng jeep nakatingin lang ako sa bintana si tatay naman ay nakatingin sa entrada ng jeep dahil nasa dulo siya nakapwesto. Nang makarating sa Biñan ay bumaba na kami at dumeretso na sa suki naming binibilhan ng materyales "Kumpadre tomas!" tawag ni tatay na nakangiti "Ninong tomas!"tawag ko naman kay ninong at nagmano "Oh! Kumpadre Fredo! Cat! Ang aga niyo naman yata ngayon ah?" nakangiti pero takhang tanong ni ninong "Alam ko kaseng aalis si Cat kaya inagahan na namin para hindi siya mahuli sa pupuntahan niya" nakangiting turan ni tatay saka ako tinignan nginitian ko lang sila pabalik "Oh anong tela ba bibilhin niyo ngayon?" tanong ni ninong "Ninong, yung bago hong dating sa inyo na tela pero ang kulay ho ay chocolate brown"sagot ko naman sa tanong ni ninong saka bumaling kay tatay "'tay, sabi ni Mami sa 'yo daw ho sinabi kung ilang metro daw ang kailangan?" Di na ko sinagot ni tatay at sinabi nalang kay ninong na sampung metro daw ang kailangan Nagbayad na ako at hinintay ang resibo. Si tatay naman ay hawak na ang binili naming tela habang nakikipagusap kay ninong. "Hello po ate Lusing" nakangiting bati ko dito "Hello den, Cat. Oh heto na ang resibo. Maraming salamat sa pagbili."balik na bati naman ni ate sakin Pumunta na ko sa pwesto ni tatay kung saan siya nakikipag usap kay ninong Nagpaalaam na si tatay kay ninong ganun din ako saka lumabas na kami sa shop at naglakad na papunta sa kabilang shop. Pagkapasok namin sa loob ay binati agad si tatay ng kumare niya at ganun din ako "Tulad pa rin ng dati pero apat na metro lang ang kukunin namin" sibtatay na ang sumagot sa mga tanong ng kumare niya at ako naman ang nagbayad ng binili namin Lumabas na kaminsa shop at naglakad na. Nasagilid lang ako ni tatay nang nagtanong siya "Oh? Bakit ka pa nasunod?" "Tay, hatid na ho kita sa terminal" "Oh siya sige" Akala nila ang punta ko ay sa mga pinsan ko pero ang totoo ay may iba pa akong pupuntahan "Tay, tanghali na ho uwi ko" "Sige na" 'Sana lang ay hindi kami mabuko' NAGLALAKAD-LAKAD ako habang iniikot ang buong floor ng SaveMore. Naghahanap ako ng regalo para kay tatay dahil birthday niya ngayon. Hindi ko binati si tatay ngayon para isipin niya na nakalimutan ko pero ang totoo isusurprise namin siya mamaya sa bahay. Kasabwat ko ang mga pamangkin ko at dalawang kapatid ko pa sa pag aayos sa Bahay at pagluluto ng handa si nanay naman ay isa den sa tagaluto. So mabalik nga ako nakahanap na ako ng magandang regalo kay tatay. Binili ko na den yung pinabibiling regalo nila ate at mga pamangkin ko para kay tatay pinabalot ko na den para mabilis na at makatulong ako sa bahay. Bumili na den ako ng cake para Kay tatay sa Goldilocks. Naglakad na ako papunta sa terminal ng jeep patawid na ako nang muntikan na akong mahagip ng dumaang motor kung hindi lang ako nahila ng di ko kilala sigurarong tatalsik ako s akung saan man. "Maraming salamat po-" paglingon ko sa tumulong sakin naglalakad na siya paalis ngunit nakita ko ang kaniyang likod isa itong matangkad na lalaki na kulay pula ang buhok at nakasuot ng itim na t-shirt lumingon na uLit ako sa tatawiran ko at sumakay na ng jeep Isa nalang at aandar na kaya naman pagsakay ko ay umandar na agad ang jeep magbayad na ako at sumilip sa bintana. Binalingan ko pa ng tingin ng Isang beses ang savemore saka tumingin muli sa bintana ng jeep. 'maraming salamat ulit' Bumaba na ako sa jeep at sumakay ng tricycle papunta sa Bahay namin. Naabutan ko na silang patapos na sa pagluluto alam kong malapit ng bumalik si tatay dahil tanghali na at ngayong mga oras ay magluto na si tatay ng pagkain namin sa tanghalian. Lumapit sakin ang Isa kong pamangkin at nagtanong. "Ate Cat, nakabili po kayo ng pinabibili namin?"wika ni Haru "Oo Haru nakabili ako pinabalutan ko na den at naroon ngayon sa lamesita na laan para sa mga regalo natin kay tatay okay na iyon wag mo na problemahin, maliwanag ba" "Sige po ate Cat". Matapos niya sabihin Yun ay umalis na siya sa harap ko at pumunTa sa kusina aat kumain ng pritong hotdog at adobong paa. Narinig na namin ang tunog ng bisikleta ni tatay sa labas ng bahay kaya naman naghanda kami na batiin siya ng sabay sabay. "HAPPY BIRTHDAY TATAY!" "Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday Tatay!" Batid naming gulat na gulat sI tatay sa aming hinanda para sa kaniya ngunit kaagad ding ngumiti. Natuwa Naman kami dahil nagpasaya namin SI tatay ngayong kaarawan niya. Matapos kumain ay nagbigay na kami ng mga handa ni tatay sa kapit bahay namin at bahay ng mga kaklase ni tatay kaya napagpasiyahan niya na buksan na ang mga regalo na bigay namin para sa kaniya. Tawa siya nang tawa ng makita niya ang regalo na binigay ng dalawa niyang apo dahil ito lang naman ay empi lights (emperador lights) long neck. Manginginom si tatay kaya naman alam ko na nakapagpasaya ito sa kaniya, ang regalo ni kuya ay Redhorse , at ang regalo ko naman kay tatay ay gold na relo tuwang tuwa siya ng makita niya Yun mahilig si tatay sa accessory sa kamay tulad ng gold or silver bracelet and relo so napagpasiyahan naming magkakapatid na bilhan siya ng relo. NAG-IINUMAN nalang sina tatay Kasama ang mga kaklase niya sa harap ng bahay namin kung saan may malaking space kaya naman matapos namin magligpit pumunta na ako sa aking kwarto at natulog na dahil baka malate ako bukas sa aking klase nauna na den matulog ang dalawa Kong pamangkin na Kasama namin dito sa bahay dahil may pasok den sila bukas ng umaga. Ginising kami ni nanay ng mga 6:00 ng madaling araw dahil kailangan namin makapaghanda papuntang eskuwelahan. Nga pala ngayon ay ikatlong lingo ng oktubre at limang buwan na lamang ay gagraduate na ako sa Junior High School at magmo-moving up sa Senior High School Kami ang unang Batch na mag-mo-moving up papuntang SHS kaya naman nakakakaba ito na dapat ay nasa kolehiyo na kami ngunit sisimulan kami sa kakalapag palang na SHS. Binigyan ako ng trenta pesos ni Nanay malamang ay galing na Naman Kay tatay dinukutan niya. Lagi niya dinudukuran si tatay kapag lasing ito dahil inuuubos lamang sa alak at magwawala na naman si tatay na maraming sinasabi kaya Naman Buti nalang at Hindi masiyadong uminom si tatay, siguro ay dhail alam niya na ihahatid niya pa ang sina Haru sa eskuwelahan ngayong umaga. Umalis na ako at pumunta sa mga tropa ko dito sa aming barangay sina Wena at Jami na mga tibo at si Sky na isa namang bakla. Nagkukwentuhan lang kami ng kung ano ano Hanggang sa makasakay kami ng tricycle sa kanto sakto lang kami sa Isang tricycle dahil apatan lang Naman sinasakay sa normal na tricycle. Pagkapasok namin sa school ay nagpunta na kami sa kaniya kaniya naming room Hindi kami magka-kaklaseng magkaka- tropa Masaya den naman dahil may mga nakakausap den Naman ako sa room namin . Kung di niyo naitatanong ako ang muse dito sa room namin may itsura Naman ako maganda ang combination ng muka ni Nanay at Tatay kaya Naman thankful talaga ako Isa pa ako daw ay pinaglihi ako ni nanay sa labanos kaya Naman ako may may kaputian marami naiingit sa balat ko dahil kahit pa magswimming ako at mangitim ang balat ko ay babalik parin sa maputi Kong kulay pagkatapos nagbalat ng mga nasunburn na balat ko. Matapos ang mga lesson namin sa umaga magkakasama kami nila Wena, Jamie, Sky at girlfriend ni Wena sa canteen kakain na ng lunch namin si Jamie ay bumili ng pagkain sa canteen samantalang ako dinalhan ni tatay ng pagkain kinuha ko sa guard house kanina at sina Wena, Girlfriend nito at Sky Naman ay may dalang baon na kanin. "San nga Pala tayo sa sabado?" Tanong ni Wena Nag isip Naman kami kung saan kami sa sabado dahil lahat ng malapit na kainan namin ay napuntahan na namin. Pinag usapan namin kung saan ang next location na kainan namin dahil nakasanayan namin na kada uwian ng biyernes ay kakain kami sa labas na magkakasama. "Kung sa sisigan tayo dun sa may Kanto Bago makapunta satin? "Oo nga lagi tayo napunta sa malayo meron namang mga kainan sa malapit." "Sige, Tara doon sa sisigan sa sabado. Hahahah" "HAHAHAHAHHAHAH" "HAHAHHAHAHAHHAHAHAHHA" Matapos ng tawanan namin ay nagkukwentuhan lang uLit kami Tama Naman na bakit kami lagi malayo ng kainan kung mayroon Naman sa malapit lang sa Lugar namin. Lagi Naman ganun ang set up namin ngunit Ngayon ay may iba dahil may lumapit sakin na lalaking mukang pamilyar sakin dahil Minsan ko na tong nakikita sa Barangay nila Mami na malapit sa kanila. "Ah-Cat pwede ka ba ligawan?"Nakangiti at medyo nahihiyang tanong sakin ni Christian nang siya ay lumapit sakin. Nagulat ako sa tanong niya pero dahil crush ko Naman siya kaya sinabi ko agad na Sige . Mukang nagulat din siya sa sagot ko pero matapos makabawi ay nagtatalon siya at nagsisisgaw siya ng yes. Ang OA Naman Neto nagpaligaw lang ako di ko Naman siya sinagot kung girlfriend na niya ba ako or boyfriend ko na siya hay naku. Andaming nag uudyok sakin na mag boyfriend na Lalo na mga BI ko na kaklase kaya naisipan ko pumayag sa panliligaw ni Christian ayoko pa man sana dahil malalagot ako Kina tatay at lalong Lalo na Kay Mami kapag nalaman niya na sa edad Kong ito ay magboboyfriend na ako. Tiyak kakalbuhin ako ng mga yun. Pero gusto ko siya maranasan kaya Naman subukan ko Hanggang saan ito. Hinatid ako ni Christian sa room ko at umalis na nakiusyoso Naman mga kaklase Kong mahahaba ang leeg at Malalaki ang Tenga Lalo na sa tsismis. UWIAN na at kasabay na den namin ang pinsan ko na grade 7 student or first year High School maglalakad lang kami dahil Sabi niya nasasayangan daw siya sa pagpamasahe dahil mahal kaya Naman naisipan na maglakad nalang . ''Pero sa tingin niyo ano talaga nauna?" "Nauna saan?" Kasabay rin Pala namin si Christian at masasabi kong okay Naman siya base sa pinapakita niya sakin and sa aking mga kasama Bago palang sakin ang gantong bagay kaya na- overwhelm ako ng ganto. "Edi sa common issue sa school. Di niyo ba alam ano ba yan mga di updated" " Issue ba sa bullies?" "ah Cat, pwede hatid kita sa inyo?" nagaalinlangang tanong sakin ni Christian. "Huh? Sa Kalat ba? "Hindi ano ba kayo edi kung ano nauna kung itlog ba o manok?" Nagulat man ako sa bigla niyang pagtanong niya sakin ng ganun kaya Naman ndi ako nakasagot agad kaya inulit niya ang kaniyang tanong ng deretso. "Ah ano ba yan, yun lang pala siyempre manok ang nauna" "Hindi ah itlog kaya ang nauna "Cat hatid na kita sa iny-" "Hoy!Hindi talaga dahil walang nauna sa knanila sabay Sila nilikha ng diyos." "Hindi manok nauna" "Itlog nauna" "Sabay sila-" "HINDI!" "Anong hindi Cat? Alam mo ba kung ano nauna manok o itlog?" "Oy Hindi Tayo Yung kausap" "Ay hindi Pala tayo" Napatakip ako sa bibig ko sa bigla Kong pagsigaw nagulat lang Naman ako dahil unang beses na may ibang lalaki na gusto ako ihatid bukod kay tatay o sa aking pamilya. Sinamahan ko ng tingin si Sky sa narinig Kong tanong niya sakin. At tumingin kay Christian "Balik tayo sa tingin ko nauna talaga Yung manok" "Sakin talaga itlog simula" "Pasensiya kana-" "Nako mga itlog kayo sabay Sila ginawa ng diyos" "Mga kulang sa alaga" "Naiintindihan ko Cat, iisa pa kasimula ko palang manligaw at natural lamang ito na Hindi ka agad pumayag" "Hahahahhahahha" "HAHAHHAHAHAHHAHAHAHHA" "Pasensiya kana talaga Christian" "Hindi, okay lang" Naunang nakauwi si Christian sa bahay nila dahil malapit lang bahay nila sa school at di ko na siya hinayaan na ihatid ako sa Bahay namin dahil una ayokong makita siya nila tatay at ni Mami naku talagang makakabalbo ako. Hindi tumigil sa kung ano ang nauna manok at itlog sina Wena sumasakit lang ulo ko sa kanila dahil manok Naman talaga ang nauna bakit pa nila kailangan pagusapan at pagtanunan ang usapang iyon. Pero may kakaiba sa nararamdmaan ko Kay Christian di ko lang alam kung ano ito ngunit Bago lamang ito sakin. Saka ko na iisipin Yun. Nakauwi na kami sa bahay at naroon na den ang dalawa Kong pamangkin na nasa ikatlo at ikalawang baitang na sa elementarya, maaga ang pasok nila at maaga din ang uwi, is apa hatid-sundo Sila ni tatay kaya naman ligtas Sila. Naabutan ko na abala Sila sa paggawa ng takdang aralin nila mabuti Naman at may ginagawa sila. Ako ang unang nagturo sa kanila magbasa at magsulat kaya Naman nakatutuwa na magaling silang dalawa dahil nagabayan ko Sila lagi ko Sila pinagagalitan noong mga araw na iyon pero Ngayon Sila ay mga natuto at nagkaroon pa ng mga karangalan sa eskuwelahan nila na dinadaluhan namin. pumunta muna ako sa kwarto at nag ayos na ako, nagbihis at Saka lumabas para naghanda na para kumain. Ang ulam namin ngayon ay kilawin luto ito ni tatay kaya naman tiyak na masarap ito. Nanonood kami ng telebisyon habang kami ay nakain dahil may magandang palabas dito na ina-abangan nila nanay at Tatay para panoorin. Mabilis lamang ako kumain at nang matapos na kaming lahat na kumain niligpit ko na ang pinagkainan at naghugas na ng pinggan Saka ako pumunTa sa kwarto upang magsagot ng aking ilang takdang aralin . Ngunit Hindi ako makapag pokus sa ginagawa Kong takdang aralin dahil may bumabagabag sakin kaya Naman nang marinig ko ang aming radyo na binuksna ni tatay nakinig muna ako saglit at Saka medyo nawala sa isip ko Yung bumabagabag sakin at tinapos ang takdnag aralin. Inaantok na ako at hinihintay ko na lamang na makatulog ako na sana ay hindi na bumagabag sa isip ko ang mga naiisip ko kanina. **WEBIRAWR**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD