Nang lumabas si Matt ng kwarto natanaw niya ang ama nakatayo sa labas ng kwarto nito. Lumakad kaagad siya palapit dito at tumango. "Ano 'yon?" tanong ni Eduardo sa anak niya. "Nagtanong lang ako tungkol sa gagawin sa formula kung ilang dosena pa ang gagawin ko," sagot ni Matt. "Kamusta ka naman dito?" tanong ni Eduardo sa anak nang titigan ito ng maigi. "Okay naman, pa, ikaw ba? Legit na si Señior Dave na ang namamahala sa hospital?" tanong ni Matt nang tumingin siya sa ama. "Oo, siya ang pumalit sa dating director ng hospital binili niya ang hospital dahil sa nangyari nung nagwala ang mga bampira." nasabi ni Eduardo sa anak hindi naman siya nakasagot. "Anong gagawin mo? Mag-reresigned ka?" tanong ni Matt umiling ang ama niya sa kanya. "Hindi, anak kahit gusto kong lumayo na dahil

