Year 2026 Isang unibersidad nag-aral ang magkaibigang Ara at Ari marami silang nakilalang bagong kaibigan. "Ibig sabihin magaling kayo magsalita ng hangul dahil nanggaling kayo sa Korea?" tanong ng isa sa kaklase nila. "Oo, marunong kami magsalita ng hangul." sagot ni Ari natatawa na lang hindi halata sa kanila na magaling sila magsalita ng ibang language. "Marami kayong nakikilalang k-pop star sa Korea dahil dun sila nakatira, ano?" tanong ng isa pa nilang kaklase. "Kahit nakatira naman kami sa isang bansa hindi kami nakakakita ng mga k-pop stars naririnig lang at napapanood sa TV," sabat ni Ara sa mga kaklase nila. "Paano ba kayo napadpad sa Pilipinas ang ganda ng Korea ah," sagot ng katabi ni Ari dahilan para mabaling ang tingin nila. "May dahilan kung bakit kami napadpad sa Pili

