Inaasikaso ni Matt ang mga botelya pinakita sa kanya ng kapwa doctor nang mapalingon siya sa umakbay sa balikat niya. "Mukhang bumabalik sa pagwawala si Eduardo," bungad ni Señior Matheo dahilan para lumingon siya. "Akala ko ba, okay na siya?" tanong ni Matt kumunot ang noo niya sa nalaman. "Ginugulo daw siya ni Señior Dave sa panaginip niya at tuwing natutulog daw siya napupunta siya sa ibang dimensyon kung saan nandun si lolo at tinatakot." sabi ni Señior sa kanya. "Kailangan kong makagawa ng gamot na hindi magiging dahilan para mamatay siya." nasagot ni Matt at tinaas ang botelya nasa harap niya nasa malaking opisina siya ngayon. "Unahin mo muna ang mga kababayan natin, Matt bago si Eduardo hindi mo kayang pag-sabayin sila alam mo 'yan." bulalas ni Señior hindi naman nakasagot si M

