"Ewan ko lang," sabi ni Ara sa kapatid niya at nagpaalam muna na siya nang tumayo. "Kausapin natin si doc?" aya ni Jung sa kapatid niya. "Magpapalit lang ako ng damit," sagot ni Ara sa kapatid niya. "Hihintayin kita, 'te." sagot ni Jung at pumunta rin sa kwarto niya sinundan siya ng tingin ni Ara. Nagpalit na siya nang damit niya bago lumabas. Nakita niyang nakatayo ang kapatid niya lumapit na lang siya at lumabas ng kanilang bahay. "Tao po!" tawag ni Jung nang kumatok sa malaking pintuan. Bumukas ang pintuan at bumungad ang gusto nila kausapin. "Doc!" sabay na tawag nina Ara at Jung nginitian nilang dalawa ang doctor. "Gabi na, bakit nandito pa kayo?" tanong ni Eduardo at humihikab pa sa harap ng kausap niya. "Ay, naistorbo namin ang tulog nyo, doc.." nahihiyang sabi ni Jung. "P

