On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 62 MAKI- POV Halos mahigit ko ang pag hinga ko. Asar at sobra yatang napaka pabebe ko. Baka ikamatay ko na to. I mean, oo at baka mamatay na nga ako. Dahil sa sobrang kilig ni Bambi at ng dalawang kaibigan ko ay nakakalimutan yata nila na tao lang ako at nasasaktan ako sa mga hampas nila na natatanggap ko. Lalo si Bambi, sa sobrang galak at excitement nya ay kung itulak tulak ako at siko sikuhin ay wagas! I'm sure mamaya lang ay puro pasa na ko sa katawan. Pati si Mama ay aliw na aliw sa pakikinig at panunood nya. Bakit nga hindi? Dati sa tv lang nila napapanood si Jin, ngayon ay live performance pa sa bakuran namin. Habang nakatingin ako kay Jin ay madaming beses din nagkasalubong ang mga titi

