On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 47 MAKI POV 6:50pm sa relo ko. Napangiti ako, sobra naman yata ang excitement ko. Sa totoo lang, hindi na yata ako sanay ng lumilipas yung araw na hindi ko sya nasisilayan. Dati nga ay gustong gusto ko ng Saturdays dahil bukod sa nakakasama ko yung mga friends ko sa school ay walang SJT. Meaning ay may isang araw ako na free na hindi ko makikita ang pagmumukha ni Mr. Su! Pero ngayon, parang ayaw ko na nga ng araw na to kasi hindi ko nga sya nakakasama o nakikita man lang. Buti nga ngayon ay inaya nya kong lumabas, kung hindi ay baka hindi ko man lang sya nakita. "Good kung wala ka pa dito. Something just came up, and I have to attend to that. Nandito na ko sa hotel but I have to go. Sorry

