On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 42 MAKI- POV Hindi ko malaman ang gagawin ko nung pagbalik ko nung rest area ay hindi ko na naabutan pa si Jin tapos pati ang mga gamit nya ay wala na rin. Mas lalo akong nakaramdam ng pag aalala sa kanya. Kanina kasi after ng interview nya ay naging kapuna puna ang pananahimik nya. Halatang halata ko rin ang galit at inis na nararamdaman nya. Syempre, after ba naman ng kung anu anong sinabi at pinagtatanong ng host ay bakit nga hindi sya makaramdam ng ganon di ba? Sa interview ni Jin, ay aaminin ko na madami talaga akong nalaman patungkol sa kanya at sa pagkatao nya. Bagay na hindi ko nagawang alamin kahit sa google pa. Hindi pa rin naman kasi kami nakakapag usap tungkol sa pamilya nya, maliban dun

