On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 31 MAKI- POV Parang ito na yata ang pinaka masayang Valentines day sa buhay ko. Dininig yata ng Diyos yung panalangin ko, in fact ay sobra sobra pa ngang opportunity yung ibinigay nya sa pangyayaring hiniling ko. Pano ang gusto ko lang naman talaga ay makita ko sana si Jin ngayon kahit saglit lang para kumpleto yung araw ko. Pero ang nangyari hindi ko lang sya basta nakita dahil eto at kasama ko pa din sya. Naalala ko pa kanina nung makita ko sya sa parking lot ng CBE, agad akong bumaba sa kotse ko para tanungin ko ba sya kung nainip sya? Hindi ko na naisip yung itsura ko na pang comedy nga, wala eh pagkakita ko sa kanya ay nalitang na ko agad. Ang gwapo nya kasing tignan sa

