On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 68 VINCENT – POV I didn't know that loving someone would be this very awful. It really changed me, hindi ko alam na kaya kong mag rage sa harap ng babaeng nagpakahirap magpalaki at mag alaga sa akin. Kaya umalingawngaw sa buong silid ang galit na boses ko. Hindi maka imik si Mama pagkarinig nya ng mga sinabi ko. Na shock ata sya dahil sa halos labing limang taon nya kong kasama ay ni minsan, hindi ko gumamit ng ganitong tono sa kanya. Ilang sandali pa ang namagitan sa aming katahimikan bago pa ako bumalik sa katinuan ko. Bumuntong hininga ako at pilit kong kinalma ang sarili ko. Tapos ay nag ipon ako ng lakas ng loob na muling magsalita at humingi ng tawad sa mali kong ginawa.

