On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 65 MAKI - POV Ilang araw din ang mabilis na lumipas at nakakatuwang naging okay ang resulta ng investigation regarding sa issue kay Angel. Napatunayan na inosente sya at never syang nag drugs dahil negative ang result ng drug test sa kanya. Talaga lang na may nag sabotahe na maglagay ng mga pekeng peripernalya sa dressing room nya. Nadiin sa issue si Sherry at Alexa at yung isa pa nilang kasama. Mariin man ang pagtangging ginawa nila ay may malaking naitulong yung voice recording na nakuha ko nga laban sa kanila. Hindi ko na alam kung anu anong mga proseso ang ginawa nila basta ang mahalaga ay hindi nga nila binanggit ang pangalan ko tulad ng pangako nila. Kaya ang pangalan ni Angel ay nalinis

