On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 33 MAKI- POV Tinutuo nga ni Jin yung sinabi nya sa akin. Kasi parang nililigawan nga nya ako, naging extra sweet sya at caring. Tapos hindi na rin sya masyadong bully o moody. Hindi na rin nya ko sinusungitan at nabubulyawan tulad ng dati. Madalas kaming kumain ng magkasama kahit nasa mga set pa sya. Then there's one time na naharang sya para magpa picture sa kanya. Syempre ako lang naman yung kukuha ng picture sa kanila nung fan nya, na dati ko naman ng ginagawa. Pero hindi sya pumayag na ako yung maging photographer nila, tapos ang dialog pa nya. "She's too special for me to do that job, pwedeng tumawag nalang tayo ng ibang kukuha?", o di ba ang sweet nya? Kaso ayaw ko naman ng mga ganung factor kasi kaya

