Meet_again
#Claude
Ilang araw na ang dumaan mula ng makasama ko si Venice,masyado din kasi akong nabusy dahil nagleave si Ethan sa work para matutukan ang pagbubuntis ni Shaira, iniwan niya muna sa akin ang pamamahala ng mga Company niya.
Nakakapagod dahil mas dumami pa ang mga trabaho ko.
I need to relax.
Saan naman?
Sa club ni X?
Haissst,bakit ba kasi di ko maamin sa sarili ko na may lugar akong nais puntahan.
Si Xyrll kasi,bakit ba kasi niya ako dinala doon,sa Club na yon.
Di bale na lalaki ako at may pangangailangan.
...
#Venice
Ilang araw na akong di nagpapatake out,ang tanong nyo kung bakit?
Kasi hinihintay ko na dumating si Claude,ewan ko ba mula ng makasama ko siya gusto ko siya na lang ang makasama ko palagi,ayaw ko ng magpagamit sa ibang lalaki,haisst paano ba to.
Paubos na ang perang naitabi ko,siguro nga,one night stand lang para sa kanya ang lahat.
O di kaya,may iba na siya.
Nakita ko kasi siya sa isang business Magazine,nalula ako sa nalaman ko,ang yaman pala niya.
Kasama yong mga kaibigan niya.
Mas lalo tuloy bumaba ang tingin ko sa sarili ko,ang dami din kasing mga sikat na babae na nalink sa kanya.
Shocks,wala ako sa talampakan ng kahit isang babae doon.
Haisst,kainis.
Ano ba kasing iniisip ko?
Mabuti na nga at nilabas niya ako that night.
O mas tamang sabihing mabuti na nga at nakasama ko siya kahit papano,sa sikat niyang yon.
Pinatulan niya ang isang katulad ko,ang ikama niya ay isang napakalaking pleasure na sa akin,dahil nalaman ko na Playboy siya,at popular siya sa mga girls!!!
Sobrang bigat ng nararamdaman ko,hay,anong laban ko doon.
Tapos may anak pa ako,at di ko kilala ang tatay.
Mas lalong nakakalungkot.
Huminga muna ako ng malalim,kailangan ko ng tapusin ang kahibangan kung to,!
Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo,kailangan ko na ding magtrabaho.
May dalawang taong umaasa sa akin.
Inayos ko na ang sarili ko,naglagay lang ako ng konting lipstick at face powder,ako yong tipo ng babaeng di mahilig sa make-up.
Lumabas na ako sa dressing room,at humalo na ako sa mga kasamahan ko,na nag-uumpisa ng nagbibigay ng aliw.
Ang dami ng tao,puno na din ng usok ang lugar.
I hate this life,kung may taong mag-aalis sa akin dito,promise ko talaga,gagawin ko ang lahat para makabayad sa kanya.
Kahit ibigay ko pa ang buhay ko,gagawin ko.
Kaso nga,walang ganon.
At mananatili ako sa lugar na ito,hanggang sa kayanin pa ng katawan ko.
Nalungkot na naman ako sa naisip.
"Miss,"tawag sa akin,ng isang mamang lasing na.
Nagdalawang isip akong lumapit sa kanila dahil mukhang ang mamanyak niya at yong kasama niya.
"Hoy,Miss ang bastos mo ah!!!"galit na wika niya sa akin ng di ko man lang siya pinansin.. Tinalikuran ko na siya,uuwi na lang ako,wala ako sa mood magtrabaho ngayon.
"Bastos talaga to akala mo,sinong maganda,halika rito,samahan mo kami."sabi niya sabay hila sa braso ko.
Shit,! Napaigik ako sa sakit dahil sa ginawa niya "Ayaw ko nga sabi!!"galit na wika ko,wala ako sa mood magpatable at mas lalong wala ako sa mood magpatake out.
Haisst. Kainis.
"Please lang,bitiwan mo ng kamay ko."may diing wika ko.
Nginisihan niya lang ako,"No hanggat di ka, tumatable sa amin."sabay tingin sa mga kasama niya. Tatlo pala sila,may dalawa pala siyang kasama na nakaupo.
"Please,may booking na ako sa vip room"palusot ko. Kahit wala naman talaga.
Pero matigas talaga ang lalaking to!"Sandali lang,"sabay hipo sa likod ko,na lantad dahil sa backless na suot ko.
Nanayo yata ang balahibo ko dahil sa ginawa ng lalaki.
"Bitiwan mo na ako!!!"galit na wika ko,sabay hila sa braso ko.
"No!"at mas hinigpitan niya ang pagkahawak sa braso ko.
Nasasaktan na ako dahil sa ginawa niya.
"Bastos!"sabay sampal sa mukha niya.
Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya,kinabahan ako,"Puta ka,akala mo Virgin ka!! s**t di ba trabaho mong aliwin kami,ang arte mo!!! Halika ka na nga dito,wag ka ngang umasta na akala mo Santa ka dahil hindi naman di ba?? Isa kang babaeng parausan!!"at akmang sasapakin niya ako.
Napapikit na lang ako at hinintay na dumapo ang palad niya sa pisngi ko.
Pero ilang saglit na,wala naman kaya binuka ko na ang mga mata ko,para makita na sapo-sapo na ng lalaki ang pisngi niya.
Anong nangyari?
"Alam mo ba na di dapat sinasaktan at binabastos ang mga babae?"galit na wika ni Claude.
Si Claude?
Nandito si Claude.
Bigla yatang nabuhay ang katawang lupa ko.
Agad akong lumapit sa kanya,para makitang dumudugo ang labi niya.
Nakonsensya ako dahil alam kung ako ang dahilan,nasuntok siya ng lalaki dahil sa pagtatanggol sa akin.
"Halika ka na."sabay hila ko sa kanya ng makitang patayo na ang mga kasama nito para rumesbak.
....
"Anong ginagawa mo dito?"nasa sasakyan na niya kami at kasalukuyan ko ng ginagamot ang sugat niya.
Hindi siya sumagot.
Alam ko ang iniisip niya,nagsisi na siya na ipinagtanggol niya ako.
Isang babaeng mababa ang lipad.
"Uuwi na ako. Salamat sa ginawa mo kanina"sabi ko,akmang baba na ako ng magsalita siya.
"Stay!"
Napahinto ako sa pagbukas ng pinto ng sasakyan niya.
Tama ba ang dinig ko,"What?"
"I saiD stay! Samahan mo muna ako!"
Talaga?
Gusto niya akong makasama?
Parang kinikiliti yata ang puso ko dahil sa sinabi niya.
" Babayaran kita,just pleasure me tonight,I really need to relax."
Nawala ang saya na naramdaman ko,talaga naman.
Bakit kailangan niya pang ipamukha sa akin kung ano ako.
Ito na ako ee.
Bakit ako nasasaktan?
Bakit?
Kung tutuusin wala namang mali sa sinabi niya.
Isa na man talaga akong bayaran.
"Sorry pero masama ang pakiramdam ko!"tanggi ko sa offer niya. Hindi porket ganito ako,susunggab agad ako.
"Fine,kukuha na lang ako ng iba."malamig na wika niya.
Mas lalo yata akong nasaktan sa narinig ko.
Ano ba ito?
Sakto namang tumunog Cp niya,kaya nanahimik muna ako."Hello?? Grace? Yes,! Ok pupunta ako diyan,hintayin mo ako,yeah I will spend my night with you,yes im free tonight. K,bye."saka pinatay na niya ang phone.
Tumingin siya sa akin ng walang kahit anong reaction sa mukha,"You can go,may nahanap na akong pwedeng makasama tonight."malamig na wika niya.
Aray,ouch.
Bakit siya ganon?
Bakitttttt?
Akala ko gentleman siya.
Hindi pala.
Pinaasa ko lang kasi ang sarili ko.
Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko!!!
Nakakainis!!!
Hindi na lang ako sumagot,tiningnan ko muna siya bago ako bumaba sa sasakyan niya.
Nanubig ang mata ko ng tuluyan na akong makababa at pinahaharorot na niya ang sasakyan palayo.
Ganon lang.?
Bakit nasasaktan yata ako.
What should I expect?
Ano lang ba kasi ako para mag effort pa siyang sumama ako.
Pera lang naman ang nagpapagalaw ng lahat.
Ayaw ko na ang sakit-sakit na.
Kailangan ko na siyang kalimutan!
kailangan!
Im sure di na siya pupunta sa Club!!!
Sana nga di na kami magkita!
.
Maaga pa lang nakauwi na ako,pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa.
Grabe kasi ang ginawa ni Claude,ah ewan ko ba.
"Anak?"punong-puno ng pag-alala na wika ni Nanay. Bigla tuloy ang pagbangon ng kakaibang kaba sa puso ko.
"Nay bakit?"
"Si Viness"
"Bakit anong nangyari sa anak ko?"
"Ang taas ng lagnat niya tapos tumirik na mata niya."
"Hu?"nataranta ata ako dahil sa sinabi ni nanay."Sandali magbibihis lang ako."
...
Hospital.
Venice
Iyak lang ako ng iyak,dahil sa nangyari sa anak ko.
Ngayon pa talaga nataon na walang-wala ako.
Dahil sa hindi ko pagsama ng ilang araw sa mga customer ay wala akong pera,kapos ako sa pambili ng gamot ni Viness,ano ng gagawin ko?
Saan na ako pupunta ngayon?
Kanino na ako hihingi ng tulong?
Bakit ba kasi nangyayari ang lahat ng to??
Ang bata pa ng anak ko para danasin ang ganitong hirap.
Kailangan kong gumawa ng paraan para magkapera.!