#Thanks
#Venice
"Sino yon anak?"tanong sa akin ni Nanay ng makaalis na si Claude.
Hindi ko masagot si Nanay,alam kung Claude ang pangalan niya pero di ko alam kung bakit niya ako tinulungan.
Hindi ko naman siya matawag na kaibigan.
Ah ewan.
"Anak?"pukaw sa akin ni Nanay.
"Kaibigan ko po siya,Nay"sabi ko na lang para matapos na to.
"Ang bait niya naman anak."
Tumango na lang ako tama mabait nga siya.
Dahil binili niya ang kalayaan ko kay Mr. Ho ng limang milyon.
Ang tanong paano ko siya mababayaran?
Saka ko na iisipin yon,ang mahalaga mailigtas ang anak ko.
Inakay ko na si Inay papasok sa room kung saan nandoon ang anak ko,ang dami ding mga batang may sakit doon.
Nagsisiksikan sa silid na iyon.
Feeling ko mahahawa pa yata ng ibang sakit ang anak ko dahil sa dami ng pasyente.
Hinaplos ko ang mukha ni Viness, Kahit bunga siya ng paglapastangan sa akin,mahal na mahal ko siya,hindi ko na din hinanap ang may gawa non sa akin.
Hindi na din naman maibabalik pa ang mga nangyari!!
"Anak,?:"
"Nay?"
"Andiyan na ang kaibigan mo!"
Bahagya lang akong tumango,hinalikan ko muna ang noo ni Veniss.
Pinuntahan ko si Claude,na nasa labas.
"Salamat"mahinang wika ko,nakayuko ako dahil hiyang-hiya ako sa nangyari kanina.
"Lets talk somewhere,"sabi niya.
"Ok,"
"By the way pinalipat ko sa private room ang anak mo."
Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya.
"Salamat,"tanging sagot ko.
Bakit ang bait niya?
"Lets go sa canteen tayo mag-usap."
Nauna na siyang naglakad at nakasunod lang ako sa kanya.
Nakatingin lang ako sa
malapad niyang likod hindi ko pa rin kasi maintindihan ang pagtulong na ginawa niya sa akin.
Ano naman kaya ang kapalit ng ginawa niyang tulong sa akin.
Dahil sa lalim ng iniisip ko ay diko namalayan na nakarating na pala kami sa canteen.
Bigla siyang pumihit paharap sa akin kaya nahuli niya akong titig na titig sa likod niya.
Nakakunot noo siyang humarap sa akin.
"Bakit?"pasupladong tanong niya.
Namula na lang ako nahiya kasi ako.
"Halika na."sabay abot niya sa kamay ko.
Inabot ko na lang ang kamay niya di bale na nga saka na lang ako mahihiya sa lahat ng kalandian ko sa buhay.
Pinaghila niya ako ng upuan"Have a sit ako ng bahalang mag-order."wika pa niya. Tumango lang ako.
Maya-maya pa ay may dala na siyang pagkain."Kumain ka muna!"
Sabay lapag ng mga pagkain sa harap ko.
"Salamat."
"Ilang ulit ka ng nagpapasalamat sa akin baka maubos na yan. Kapapasalamat mo."malamig na wika niya.
Napayuko na lang ako sabay subo.
Ayaw ko ng magsalita nakakahiya kasi ang mga pinag-gagawa ko sa buhay ko.
Hindi ko deserve ang Five million na itinubos niya sa akin.
" I hate to ask this pero pwede bang magtanong?"
Napaangat ako ng ulo at napatingin ako sa kanya.
Ano naman kaya ang itatanong niya?
Tumango na lang ako kailangan ko lang sumagot sa kanya ng maayos kung ano man ang tanong niya.
"Nasaan ang ama ng anak mo? Bakit mag-isa mong hinarap ang lahat ng ito?"
Hindi ako makasagot sa tanong niya. Alam ko itatanong niya ang tungkol sa ama ni Viness pero diko napaghandaan ang dapat kung isagot .
Napayuko ulit ako.
Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang madilim kung nakaraan.
Hindi ko kaya!
"Venice?"this time puno na ng pag-alala ang boses niya.
"Hindi ko kilala ang ama ni Viness."nakayukong wika ko. Mahina lang ang boses ko sapat lang para marinig niya.
Its no use kung magsinungaling pa ako wala din naman akong mapapala.
Alam ko iisipin niya bunga si Viness ng pagiging puta ko.
Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain kahit ang totoo wala akong ganang kumain.
"Fine, I understand dont worry aalagaan ko kayo ng anak mo.."
Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras.
Ano daw?
Seryoso ba siya?
Aalagaan niya kami?
Huh?
Pero bakit?
Naguguluhan tuloy ako.
"Anong ibig mong sabihin?"
Malamig siyang tumingin sa akin."Sa akin na kayo titira pagkalabas ni Viness dito."kampanteng wika niya.
"Bakit?"
"Dahil kailangan mo akong pagsilbihan remember binili kita ng five million kay Mr. Ho."
Natahimik ako sa sinabi niya. Ah ganon pala kaya pala akala ko ano na.
Haisst masyado kasi akong assuming.
Ano ba kasing iniisip ko!
Kakainis na sarili to!
Ang tanga!
"Ok kung yan ang gusto mo! Handa akong gawin ang lahat para mabayaran ko ang lahat ng tulong na ibinigay mo sa akin."
"Mabuti at madali kang kausap Venice!"
Nakipagtitigan ako sa kanya pero nauna pa rin akong nagbaba ng tingin!
"So nagkakaintindihan ba tayo Venice?"
Tumango na lang ako.
"Mabuti,ganyan nga ayaw ko sa taong mahina ang ulo."
Napayuko na lang ako dala ng matinding hiya.
Ang bigat ng pakiramdam ko pero dahil ginusto ko ito kailangan ko itong harapin.
"Are you ok? Ang konti lang ng kinain mo ah?"
Paano ko ba sasabihin na parang piniga ang puso ko dahil sa magiging set-up namin. Kunsabagay ano lang ba ako sa kanya? Wala isang puta na mababa ang lipad.
"Im ok,Claude wag mo na akong pansinin medyo stress lang kasi ako ee.. By the way thank you for everything."
"Thank you? Let me remind you Venice hindi libre ang lahat ng tulong na ibinigay ko sayo! You need to pay everything mula sa kaliit-liitang halaga hanggang sa pinakamalaki"
Sabi na nga ba.
May kapalit lahat.
Bakit ko na nakalimutan yon.
Wala na ngang libre ngayon.
"Anong kapalit?"
"As Ive said,sa akin na kayo titira kasama ang nanay at anak mo."
"Tapos?"
"Tapos,gagampanan mo ang responsibility ng isang mabuting asawa!"
Asawa?
Wife?
Hoooo?
Grabe hindi yata ako makahinga.
"Pero bakit mo to ginagawa Claude?"
"Wag ng maraming tanong! Sundin mo na lang ang gusto ko. Lahat ng gusto ko!"
"Handa akong gawin ang lahat Claude sinabi ko na kanina diba?"
"Mabuti naman! Be a good girl Venice kung ayaw mong masaktan!"malamig na wika niya.
Nakakatakot siya sa totoo lang!
Pakiramdam ko gumapang sa katawan ko ang lamig na hatid ng boses niya.
"You dont like me when Im mad Venice! So please stop making things na magpapagalit sa akin!"
Ito na talaga yon. Halos di na ako makahinga sa uri ng tingin na ipinukol niya sa akin.
Ano ba kasi ang ibig niyang sabibin.
"Anong ibig mong sabihin Claude?"
"Sundin mo lang lahat ng gusto ko,at magiging ok tayo. One more thing ayokong pinakikialaman ako. Understand?"madiing wika nito.
Natango na lang ako sa sinabi niya.
Nakakatakot siya.
Akala ko mabait siya pero yon pala may itinatago ding kulo.
Mag-iingat na lang ako para di ko siya magalit! Ayoko siyang galitin gusto ko siyang pagsilbihan.
"One thing titigil ka na sa trabaho mo!"mas malamig na ang boses niya this time,mas nakakatakot na may halong pagbabanta.
"Yes,Claude magbabago ako,ngayong inalis mo na ako sa lugar na yon babaguhin ko ang sarili ko. Kung may choice lang ako sa umpisa pa lang hindi ko talaga pipiliin ang trabahong yon. Pero wala Claude."
"Lahat ng tao may choice nasa kanya na kung anong pipiliin niya"
Natahimik ako tama naman siya. Ako ang pumili kaya naging puta ako,ako!
"Tama ka,Im sorry kung isa akong maruming babae,Im sorry kung nainvolve ka sa isang kagaya ko. Im sorry Claude,pero may choice ka rin naman ee,may choice ka naman. Sana hindi mo na lang ako tinulungan"
"At ano Venice? Ano ng mangyayari sayo kung di ako dumating?"may diing wika niya.
Nakakatakot siya.
Kaya napayuko na lang ako.
" Tama ka,kaya nga handa akong gawin ang lahat dahil mas pinili mong tulungan ako kahit pwede namang hindi mo yon gawin! Wag kang mag-alala Claude gagawin ko ang lahat-lahat para sayo."totoo yon kahit ano gagawin ko para sa kanya para kahit doon man lang makabawi ako sa lahat ng tulong niya.😕