Bumukas naman ang pintuan ng Arcadia Express at lumabas na kaming lahat. Pinagmasdan ko naman ang Arcadia's Book Store na sobrang laki. Parang ordinary Mall lang siya sa Earth pero medyo mas malaki nga lang at mataas. "Hi Princess Selene!" Rinig ko namang tawag ng isang babaeng maputi kay Selene. "Nako Ate Lumina wag niyo na nga po akong tawaging Princess. Ang awkward kaya!" Pahayag rin naman sa kanya ni Selene. "Hi Ate Lumina!" Bati rin naman ni Keira. "Hi Princess Keira!" Bati rin naman niya. "Oh sige mauna na ako sa inyo mga Prinsesa at Prinsipe ng Arcadia. Hinihintay na ako ng mga kasamahan ko dun eh." Aalis na sana si Lumina but nakita niya naman ako kaya napatigil siya. Nagets naman ito ni Selene. "Nga pala Ate Lumina, siya si Myles ang kakambal ni Oliver." Pahayag naman ni S

