Nagulat naman kaming lahat sa biglaang pagbukas ng pinto. Bigla namang tumambad ang mukha ni Oliver na halatang wala sa wisyo. Ano na naman kaya ang problema nito? Parang kanina lang masaya pa siyang pinaglalaruan ang buhok ko pagkatapos ng klase namin, tapos ngayon kung makasimangot siya akala mo ay parang batang kinunan ng pagkain. "Sorry Sir!" pahayag niya naman at tumungo na lamang sa tabi ko. Tiningnan ko naman siya ng ilang segundo ngunit hindi manlang siya nagdalawang isip na tumingin sa gawi ko. Napakasungit nga naman talaga ng lalaking ‘to, daig pa ang nagkaroon ng red days eh. "It's okay Prince Oliver, but next time I will not tolerate that kind of attitude. Are we clear?" ma awtoridad naman na wika ni Professor Calixto. "Yes Sir!" sagot niya at mariing ngumiti. Nako ‘wag

