Napatigil naman ako sa ginagawa ko ng marinig ko ulit ang boses na ‘yon. Para na lamang akong punong-kahoy na hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanginginig narin ang mga tuhod ko sa dahil takot. "Who are you? Show yourself, hindi ako natatakot kung sino ka man." buong tapang kong sigaw kahit na nanginginig na ako sa takot. Masyadong maingay sa labas kaya siguradong hindi ako maririnig ng mga tao. Dali-dali akong tumakbo papunta sa pintuan ngunit kinabahan nalang ako bigla ng hindi ko na ito mabuksan. Nasira na agad ang door knob kahit na alam kong maayos pa naman ito noong pumasok ako kanina. Agad namang nagpakita sakin ‘yong multo na nagpakita rin noong mga nagdaang araw. "Huwag kang lalapit sakin!” banta ko naman dito. Agad niya namang hinubad ang suot niyang hood at mas lalo

