CHAPTER SIX
Hindi pa nag twelve ay napagdesisyonan na naming umuwi dahil may pasok pa kami mamaya, hindi pwedeng lagi na lang kaming wala dahil baka ay i-expell pa kami sa university.
Pagpasok sa bahay ay bumungad sa’kin ang tahimik na sala. Walang tao. Sa tingin ko ay nasa likod ang ibang mga katulong habang sila mama at tito ay umalis, at ang mga manyak ay siguradong nas school pa.
Napangisi ako nang pumasok sa isip ko ang posibleng itsura ng mukha nila ngayon---siguradong galit na galit na at magkasalubong ang kilay. Napahagikhik ako. Hindi naman big deal sa’kin ang ginawa nila dahil hindi naman kami magkadugo at hindi ko rin sila tinuturing na mga kapatid ang inaalala ko lang ay ang mga magulang namin.
Inilagay ko sa mesa ang biniling fast food, partikular na galing sa mang inasal. Kumuha lang ako ng kutsara at tinidor para kunti lang ang huhugasin kahit may mga katulong naman. Sa box na din ng pagkain ako mismong kumain. Binuksan ko ang laptop at nanood ng mga low budget Chinese drama. Hindi ko alam kung bakit ako nanonood nito kahit wala namang sense ang mga pangyayari pero gusto ko lang siguro. Plano kong mamayang 2 pm pa pumasok.
Sobrang busy ko sa panonood ng palabas na hindi ko na lang namalayang may bigla na lang na humawak sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko nang may marahas na tumama sa labi ko. Kumakain pa ako!
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapansing si Skyler ito. Kinagat niya ang pang-ibabang labi ko dahilan para maipasok niya ang mainit na dila sa loob ng aking bibig.
Mahina akong napahalinghing at sinabayan ang mapusok niyang halik. Nanatili kami sa gano’ng pangyayari pero imbes na matapos ay mas lalo pa itong lumalim. Hindi na ako makahinga.
Malakas kong kinurot ang kaniyang braso na nakasupurta sa aking ulo. Mabilis siyang napaasik at magkasalubong ang kilay na hinimas ang kaniyang braso.
Hinihingal ko siyang sinamaan ng tingin. “hindi ako maka---”
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang bigla niya na naman akong hinalikan ngayon ay mas mapusok na. Naglalaban ang mapupusok naming dila sa loob at ang laway ng bawat isa ay natitikman na. Masarap. SObrang sarap, nakakaadik ang palitan namin ng halik---ang init ng bawat laway ng isa’t-isa at ang unti-unting umuusbong na init mula sa katawan. Ang mas lalong paglalim ng halikan namin ay mas pinapainit ang nararamdaman ko.
Gusto ko pa.
Mabilis ko siyang itunulak palayo nang makarinig ng ingay mula sa labas.
“I’m not done---”
Sinamaan ko siya ng tingin at inayos ang sarili. Ngumiti ako sa taong pumasok sa kusina. Si manang Amor.
“Oh, iha, nandito ka pala,” napatingin siya sa lalakeng nasa tabi ko. “Ikaw din pala, iho. Hindi ba kayo do’n kakain sa eskuwelahan niyo? Sandali lang magluluto ako,”
“Kumakain na po ko, manang Amor,” agad kong sabi at nagsimula ulit na sumubo ng kinakain.
“Oh, siya, sige. Ikaw, ihon?”
“I’ve already eaten na din po, sobrang sarap nga, e.” sabi niya kasabay ng mahinang paghaplos sa balikat ko.
“Ano ba ‘yang kinain mo?” tanong niya pabalik-balik ang tingin sa’min. Alam ko na kung ano ang mga pumapasok sa utak ni manang Amor dahil alam kong nagdudududa na siya sa mga magkakapatid kaya bago pa makapagsalita si Skyler ng ano pang kademonyohan ay mabilis na akong magsalita.
“Kanina po, kumain din siya ng mang inasal.”
“Gano’n ba? Oh, siya, sa kapit-bahay muna ako kukuha ng tanglad para sa lulutuin kong tinulo.”
“Opo,”
Nang umalis siya ay mabilis kong sinamaan ng tingin si Skyler. “Muntik pa tuloy tayong mahuli!”
Napangisi siya. “So, you don’t hate it at all?”
Kinunutan ko siya ng nuo. “At bakit naman? Hindi naman kita tunay na kapatid.”
Napaawang ang labi niya. “So, all this time, you don’t see us as your brothers?”
“Bakit gano’n din naman kayo, ah? Akala niyo hindi ko alam ang ginawa niyo kagabi?” mas lalong sumama ang tingin ko nang maalalang hindi ako nakasuot nng paborito kong two piece. “Nang dahil sa mga hickey na iniwan niyo ay hindi ko na-enjoy ang pagligo kanina.”
Mas lalo siyng napangisi, mukha pang mas nag-e-enjoy na makitang magkasalubong ang kilay ko sa kaniya, kalaunan ay nagkasalubong din ang kilay niya nang parang may naalala. “Delete that post,”
Tinaasan ko siya ng kilay. Alam ang tinutukoy niya. “At bakit ko naman ‘yon gagawin?”
“You don’t know what we can do, Mary,”
Isinandal ko ang siko sa mesa at sinamaan siya ng tingin. “Bakit no ba ang gagawin niyo? Tinatakot niyo ba ako?”
“I’m not, pero ‘yong lalake mo, oo,”
Sarkstiko akong napatawa, gusto pang mas lalo siyang pagalitin. “Lalake ko? Bakit tayo ba? Ano ang Karapatan mo para sabihin ‘yan?”
Dumilim ang ekspresyon niya at dahan-dahang mas idiniin ang katawan niya, at titig na titig sa’kin. Hindi ako nagpatingin at nilabanan din ang madilim ngunit nakakapaso niyang titig.
“Ano?” matalas kong tanong.
Maingat niyang hinawakan ang pangahan ko at ang isang daliri ay gentlong hinahaplos ang labi ko. “From the very start, we already own you, Mary. Ang sino mang maging boyfriend mo ay automatikong kabit mo na. So, basically, you’re cheating on us.”
Pagak akong napatawa. Baliw ba ang isang ‘to? “Anong own iyang pinagsasabi mo? Naka-shabu ka ba?” mas lalong dumilim ang ekspresyon niya. “At cheating? Ang kapal ata ng mukha niyo at parang gumagawa na kayo ng sarili niyong batas?” sarkastiko kong ani.
Uminom ako ng tubig at nagkibit-nalikat. “Sige, sabihin na lang natin na niloloko ko kayo, pero ano naman ngayon?” ani ko mas lalo siyang pinapagalit. Ang unreasonable lang kasi. “Sa mata ng iba, mga kapatid ko pa rin kayo.” Ngumisi ako, inaasar siya.
Mas lalong nagkasalubong ng kilay niya. Bago pa niya ako mahalikan ay iniwas ko na ang tingin ko. “Kitang, open area ‘to!”
Pumunta ako sa kabilang parte ng mesa nang sinubukan niya pang mas lumapit. “’Pag hindi moa ko tinantanan, hahalikan ko si Jaztine ng walang sawa.”
“What? Don’t you dare,”
“Binabantaan mo ba ako? At bakit naman ko makikinig sa’yo? Sino ka ba?
“Your mouth is starting to get bold, huh,”
“Tapos, pakialam mo---”
Nanlaki ang mga mata ko nang may bigla na lang humawak ulit sa mukha ko at marahas din akong hinalikan. Napatingin ako kung sino ito. Si Skylar!