S...six months? Ganoon siya katagal na comatose? Napatitig siya sa mga kasama para alamin kung biro iyon o hindi pero base sa ekspresyon ng mga kasama, alam niyang totoo ang narinig. Halos matulala siya sa nalaman. "What...what did I miss?" Elisse asked with her hands on her eyes. "Ah, eh," Napatingin siya sa kambal. Napangiti si Len at dumako ang paningin niya sa magkahawak nitong mga kamay. "Uhm, legal na kami ni Rin...as lovers." Nanlaki ang mata niya. Tumango-tango naman sila at sabay na humagikhik. "Totoo! Nag-out muna kami sa parents namin and gladly, they accepted us." Napanganga siya sa dalawa. "Do...do you mean, uh..." "Incest relationships are normal for vampires. So, yep!" Rin smiled and kissed her twin. "We're in a relationship!" Napangiti siya. They're cute! "I'm happy

