"Is there a problem?" Kunot-noong tanong ni Adrienne sa ina ng kanyang kasintahan na si Rain. Bigla na lang kasi itong natigilan at waring kinabahan. Tumingin ito sa kanya. Kita sa mata nito ang takot. "Masama ang kutob ko." Sumeryoso si Adrienne at mukhang naintindihan agad ang punto ng kasama. Sa isang iglap lang ay napadpad na sila sa kwarto ni Elisse at laking kaba nila nang walang makitang bakas nito. Ni anino ng dalaga ay wala. Kasabay no'n ay ang pagdating ng iba pa. "Onee-chan? Onee-chan!" "Si Onee-chan, nasaan?" Nagsimula nang umiyak at kabahan ang kambal. Masyado silang nag-aalala dahil parang ate na rin nila si Elisse. Inalo naman sila ni Asha na pinipilit ding pakalmahin ang sarili. "Baka naman nagising na siya?" Umiling si Adrienne. "That's impossible. If she did, sigura

