"Excited ka?"
Elisse stared at her best friend, Asha, and shrugged her shoulders. "Mas kinakabahan ako." she answered honestly, "Truth to be told, mas pipiliin ko na lang na huwag umalis."
"But you know you can't," Her friend smiled with empathy while holding her hand. "I'm pretty sure Tita Rain have a good reason kung bakit kailangan mangyari 'to."
Elisse gave a lip tight smile. Alam naman niya iyon. Para sa ikabubuti niya ang paglipat. Honestly, she can think of one good reason kung bakit kailangan niyang switch ng school.
That...vampire.
May kung anong kilabot na umakyat mula sa likuran niya nang maalala ang pinakahindi niya malilimutang gabi ng kanyang buhay. The night where she proved the existence of blood sucking creatures.
And here she thought that they're just a foreign myth, a product of imagination.
Inilagay niya sa maleta ang pinakahuling damit na tiniklop pagkatapos ay isinara na. Elisse checked everything out mentally kung may nakalimutan ba siya o wala. Wala na siguro.
She sighed. She suddenly felt the weight of realizing what's bound to happen. Matatagalan pa siguro bago pa siya muling makauwi and that thought was enough to make her emotional. Leaving home was so...heartbreaking. It's not the house itself but the memories she's going to leave for a while.
And her mother, she will going to miss her so bad.
"But I'll miss you, seriously." Asha suddenly said, "Ngayon lang kita hindi makikita ng matagal. Pwede bang dumalaw do'n sa bagong school mo?"
"Siguro." she answered, "I'll make sure naman na palagi akong tatawag."
"Dapat lang, 'no. Aawayin kita, sige ka."
Nagkatawanan na lang sila, para kasing bata si Asha sa inaakto. For Elisse, it's alright to act like a kid. They're still young and being a kid at heart didn't measure age.
Isang mahinang katok ang nagpatigil sa kanila. Segundo lang din ang lumipas ay bumukas ito at iniluwa ang Mama ni Elisse. Nginitian sila nito.
"Ayos na ba lahat?"
"Yes, Ma," Elisse nodded. Pasimpleng siyang napahawak sa dibdib kung saan naka-locate ang kanyang puso. Why did she feel like her heart was slowly turning into pieces?
Asha helped her in carrying the baggage. She gave one last look to her room before closing it. A tear fell from her eyes without permission and wiped it simply.
Pagdating nila sa sala ay nakita nila ang isang lalaki at babae na nakaupo sa sofa. Tahimik lang ang mga ito. The woman stood up while Elisse looked at her in awe. She's beautiful.
"Sila ang mga sundo mo, Elisse." her mother said, "They are Rico and Rei from the Knight University."
"G-good morning po." Elisse greeted shyly. She's always like this, feeling so inferior towards others who looked so authoritative or confident.
"Good morning," Rico greeted back while the woman named Rei just nodded. "Shall we?"
Napatingin si Elisse sa Mama niya. Parang ayaw niyang umalis dahil mas gustong niyang mag-stay kasama ang ina. Pero kailangan.
Pinasadahan niya rin ng tingin ang best friend niya. Asha smiled at her, like encouraging her in silence and telling her she needed to be brave.
With a heavy sigh, Elisse looked at Rico and nodded. "Sige po."
Naunang lumabas ang sundo niya, probably giving them time to bid their goodbyes.
Yumakap si Elisse sa Mama niya habang tinatapik naman ni Asha ang kanyang likuran. Nagsimula na siyang umiyak. Sinubukan naman niyang pigilan ngunit sadyang mahirap. "Mami-miss po kita."
"I'll miss you, too, Elisse." Her mother, Rain, said while trying not to cry. "I love you. This is for your own good."
"Hm," She nodded. She understood but still, it hurts. "I love you, too."
"Huwag ka masyadong malulungkot do'n, Elisse. Magkikita pa naman tayo." Asha said in comfort. Kahit papaano ay gumagaan ang loob niya. Hinarap niya ang matalik na kaibigan at niyakap din ito. "Tahan na."
"H-hm."
"I love you." Asha whispered, "I'll always be here for you."
"I love you, too. Thank you."
Lumabas na si Elisse ng bahay at inihatid naman siya ng tingin ng dalawang taong pinakamahalaga sa buhay niya. Rico helped her in her baggage na ipinagpasalamat naman niya. Pumasok na siya sa sasakyan. Nasa driver's seat si Rico samantalang katabi nito ang walang kakibu-kibong si Rei. Nakatingin pa rin siya sa Mama niya at kay Asha.
Hinabol niya ito ng tingin hanggang sa nakalayo na ang sasakyan. Huminga siya ng malalim para huwag maiyak. She can't afford to be lonelier. She needed to stay positive.
"Kamukha mo ang Mama mo." Rei said while looking at her through the mirror. She nodded and smiled.
"Thank you."
"Pero magkaiba kayo ng mata." Pagpuna nito, "Namana mo sa Papa mo?"
"S-siguro po."
Rei's right. Unlike her mother's charcoaled eyes, Elisse have a pair of dark brown orbs. Kulay itim ito sa unang tingin ngunit kapag tumagal ay mapapansin na ang pagiging kulay tsokolate nito.
Her thoughts diverted to her father whom she didn't meet even once. Hindi naman niya ito nami-miss kahit na minsa'y napapaisip siya kung anong pakiramdam na may ama. Wala rin namang nakukwento ang Mama niya kaya hindi siyang nagtatanong.
"You can sleep, Miss Ayaka." Rico suggested after a few minutes of silence. "Mahaba pa ang biyahe natin."
Hindi siya sumagot pero kinuha niya ang phone sa bulsa at isinalpak naman ang headseat sa magkabilang tainga. She closed her eyes after picking a song.
She cleared her mind, avoiding thinking things that will make her sad. She wanted some rest.
Unti-unting lumalim ang paghinga niya, maging ang talukap ng kanyang mga mata ay bumibigat. Mas lalo siyang inaantok dahil sa smooth na pagbiyahe, para siyang hinehele.
She didn't resist the spirit of sleepiness and willingly accepted it. She gave her last exhale of conscious breath before succumbing into deep sleep...
Hindi na niya namalayan kung gaano siya katagal nakatulog dahil nagising na lang siya sa pamamagitan ng pagtapik sa kanyang balikat. She winced and frowned. Medyo blurry pa ang paningin niya sa simula ngunit unti-unti rin itong luminaw.
Noong una ay naguluhan pa si Elisse kung nasaan siya pero kaagad ding kumalma nang mag-sink in na ang lahat. She's far away from home.
"Madali ka naman palang gisingin." Rei said to her, not showing any signs of emotion. "Labas na."
Tumango si Elisse at napagtanto na siya na lang pala ang nasa loob ng sasakyan. Kaagad naman siyang lumabas nang mapansing buhat na ni Rico ang kanyang mga gamit. Sinundan niya ang mga itong maglakad.
Pagkalabas nila sa parking lot ay halos malula siya sa laki ng mga gusaling naririto at hindi lang iyon, everything screamed vintage. Halos lahat ay classy sa kanyang paningin.
May mga estudyante sa paligid at halos lahat ay napapatingin sa kanya. She felt small by their stares. Iiwasan niya na sana ang tumingin pero natigilan siya sa nakita sa mata ng isang estudyante. Naging pula ang mga mata nito ngunit agad din itong nawala kaya inakala ni Elisse na namalikmata lang siya.
That's impossible, she convinced herself.
"Halika na, ihahatid ka pa namin sa dorm room mo."
Mabilis siyang sumunod. Malayo rin ang nilakad nila sa sobrang lawak ng eskuwelahan. Nasabi rin naman kasi ni Rei sa kanya na nasa likod na part ng school naka-locate ang dorm ng lalaki at babae.
May sumalubong sa kanila sa lobby nang makarating. Isang lalaking naka-formal suit. Mukhang bata pa ito sa tingin ni Elisse. May kasama itong babae, mahaba ang buhok at itim na itim ang mga mata. She tried her best not to stare at her for too long.
The man in formal suit smiled at her. "I'm the Dean of this school. Welcome to Knight University."
"T-thank you po," magalang na sagot ni Elisse. Naisip niya na parang ang swerte naman niya't ang Dean pa ang sumalubong sa kanya.
"Of course. You are special."
Elisse frowned. Paano niya...did he just read my mind?
The Dean nodded. "Sort of."
Doon na siya nakaramdam ng kakaiba. Bigla siyang naguluhan. Imposible namang mabasa nito ang iniisip niya.
Nilingon niya ang kasama nitong babae, malamig lang ang pagkakatingin nito sa kanya. Umiling ito. "The human doesn't know anything, I see."
Maging ang boses nito ay malamig pakinggan. Ngunit hindi na niya iyon inintindi. Mas lamang ang mga tanong na nabubuo sa ulo niya. "H-human? Pero hindi ba, ganoon din kayo? Why do you speak like—"
"Elisse Ayaka," the girl called her. Natigilan siya nang umangat ang isang gilid ng labi nito, like she's amused of what's happening. "Do you know what school the Knight University is?"
"W-what...do you mean?" Halos bulong na lang na lumabas iyon sa bibig ni Elisse. Naalala niya ang Mama niya, ang sabi nito'y magiging safe siya rito. Pero bakit parang gusto na niyang magdalawang isip?
"This is a school...for vampires," The girl said, rendering her speechless. "Welcome."
_____