Episode 2

916 Words
Haskell Point of View: Natapos na ang service, paglabas ng hall, nagkita-kita muna kami ng Creatives, copy team. Serena, our leader designates the tasks na. Serena: And you, Haskell… The two of us will interview Hesed, next week. So, mamaya til Friday night, send us your suggested questions for Sed sa slack. Ayun lang. See you next week. At umalis na sila, at ako’y naiwang nakatulala. Maya-maya’y lumabas si Sed at ang Kuya niyang si Raffael. Kuya Raf: Uy Haskell! Andito ka pa pala. Ayos ka lang? Sabay ka na sa amin. Haskell: Ayos lang po, Kuya. Paalis na rin po. Hindi na po. Nakakahiya po kasi. Hesed: Uy. Wag ka na mahiya. Nak-kwento ka ni Kuya sa amin. Plus, same area lang naman tayo. Wala akong nagawa kundi umoo at sumunod sa kanila. It is also the first time na kinausap niya ako. Habang nasa sasakyan nila kami, si Kuya Raf ay nasa passenger seat at kausap ang driver. Si Sed naman ay nagsusulat sa kanyang phone habang nagh-hum ng sa tingin ko’y song composition niya. It is a praise song na ‘di ko pa naririnig. Nakatitig lang ako sa bintana pero tanaw ko ang reflection niya. ‘Papa God, I will surrender everything po sa inyo. Your will be done po. I will not overthink po. Amen’ Dasal ko sa aking isipan. Maya-maya ay kinalabit ako ni Hesed… Hesed: Uhm…Haskell, is it okay if you check if it is okay na? I mean the tune and the lyrics? This is the first time that I wrote a song for him, kaya I am not that confident pa. Tumango ako, at tsaka siya nagsimulang kumanta. Her voice, the lyrics… tagos na tagos. And I am not saying this because biased ako, but she’s really gifted. Nang matapos… Haskell: It’s very good. Wala ng dapat baguhin. And you should share it to Pastor rin. Wag mong ikahiya kasi sobrang ganda nung gift sa’yo ni Lord. Hesed: Thank you so much, Huskell. *sniffs* I will. I am really praying na magka courage ako na iparinig ito sa iba, but grabe yung takot ko. So, thank you. You are God’s answer. Tsaka kami parehong tumingin sa kanya-kanyang bintana. Napangiti ako. ‘Thank you po Lord, for allowing me to help her. And thank you rin po for allowing me to hear her song for you. Amen.’ It is connect week at instead of going to Edsa-Shang, we opted to go kila Kuya Raf instead. Una, mas matagal kaming makakapag kwentuhan, pangalawa, ‘di kami gagastos pang pagkain. I messaged Serena rin na I will do the interview na rin for Hesed mamaya, para matranscribe na rin bukas at maumpisahan at matapos na rin ang article agad. I closed my laptop once natapos ang trabaho, — I am a freelance writer, full-time psychiatrist who works on telemedicine, kaya nasa bahay lang ako. Sometimes, I do home visits rin. I silently pray, at naligo. Nagpaalam rin ako sa Parents ko. My sister, said na gusto niyang sumama since she and Hesed are friends. Mama also insisted na magdala ako ng binake niyang pie. Sumakay na kami sa aking sasakyan, we both pray ulit, tsaka ko pinaandar ang kotse. It only took us 20 minutes bago nakarating sa bahay ng mga Entrata. Hesed’s the one who opens the gate at pinapasok niya kami. She elbow bumps my sister, then said hello to me. Bumilis ang t***k ng puso ko, nakaramdam ng pag-init ng aking pisngi, nang hanginin ang kanyang buhok at nagmukha siyang anghel. Bagay na bagay talaga sa kanya ang dilaw. ‘Lord, kayo na po ang bahala sa akin. Simpleng paghanga lang po ito, ‘di ba?’ Kumpleto na kaming magkakaconnect kaya nagpasya ang mga magulang ni Hesed na mag bible study at sharing muna, tapos ay nagsalo-salo na kami sa hapag. Damang-dana ko yung holy spirit. Nagpunta na kami sa garden dahil dun kami, magc-connect. Nilabas na rin ni Kuya Raf yung kanyang laptop at siniset-up niya na iyon, nang lumabas si Hesed. Hesed: Kuya, can I join your connect, ngayon? I can’t attend mine on Saturday, since I am one of the facilitator for this batch’s Build. Kuya Raf: Sure, sure! Did you talk to your leader, though? Hesed: Yup, all set na, Kuys. Kuya Raf: Yun. Can you lead a prayer, Seddiebear? Hesed: Kuya talaga oh! Hahaha. Sure sure. Then we all bow down at pinagsalikop ang mga kamay nang simulan niya na magdasal. ‘Father God, una po sa lahat, maraming-maraming salamat po sa biyaya ng buhay. Maraming salamat po sa pagkain at inuming pinagkaloob mo po sa amin, maraming salamat po kasi nabigyan po kami ng ganitong pagkakataon na magsalu-salo para kayo po ay pagsilbihan, matuto ng mga salita mo at pag-usapan ang grace mo. Lord God, I am praying po for the wisdom, I am praying na bukas puso at isip naming tanggapin ang mga aral na gusto niyo pong ibahagi sa amin, I am praying po na busugin mo po kami ng pagmamahal mo, at masuklian po namin iyon kahit papaano. In Jesus name, we pray, Amen.’ Kuya Raf: Salamat sa prayer, Sed. So, before we start, let’s talk about yung mga araw niyo, anything new that you tried, anything. Let’s start with you, Haskell…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD