Haskell Point of View:
3 months na rin ang nakalipas simula nung maging connect leader si Sed. Now, she’s enrolled sa Bible college. Madami siyang gawain sa Church since basically, tatlo na ang handle niya, at paminsan-minsan nagf-facilitate pa siya.
Ako, busy na rin, Tinitrain na ako ngayon for leadership. Sa katunayan ay magkakasama kami nila Kuya Raf at ng iba pang it-train niya for leadership, ngayon sa Edsa-Shangrila.
Hindi man kami madalas magkita ni Hesed ngayon, every Sunday naman after service ay kumakain kaming dalawa at hinahatid ko siya sa kanila, and everyday pa rin kaming magka FaceTime. We’re still not in a relationship officially. Kumbaga nasa Exclusively dating stage pa rin kami. Sobrang kalmado lang ng relationship namin. Yung hindi kailangan madalas nagkikita at kuntento na sa pag-uusap.
Next week, both of us will attend a 3 day Young Adult Conference. Ininvite ako ni Kuya Pao, tas ininvite ko siya. It will be a nice date for us.
Anyway, agad kong tinuon yung sarili ko sa binigay sa aking babasahin ni Kuya Raf about effective leadership. Pagkatapos ay agad kaming nag discussion at nag share rin si Kuya Raf ng mga experiences. Pagkatapos nun ay may binigay sa aming small tasks.
Pauwi na kami ng tumawag sa kanya si Hesed na nasa Shangrila rin pala. Sasabay sa kanyang umuwi. Kaya inantay na namin. Agad rin naman siyang dumating. Hindi ako sumabay sa kanila dahil dala ko yung sasakyan ko.
Pagkauwi ay agad ko siyang tinext ng prayer for her at goodnight. Tsaka ako nagdasal at natulog na rin.
Then, dumating na ang araw ng conference. 8 am ay sinundo ko siya, tapos dumaan muna kami sa fast food chain para mag drive thru ng breakfast at dumiretso na sa venue since 10 am pa naman ang start, ngunit dapat 9 pa lang ay andun ka na because of registration.
Naunang kumain si Sed. Pagkaubos niya ng spaghetti at burger niya, binuksan niya yung akin at sinubuan ako ng spaghetti. Ganun lang hanggang sa maubos ko yung pagkain.
Pagkatapos naming kumain, she’s talking animatedly. I enjoy watching on my peripherals how she talked excitedly.
Hesed: It’s my first time to attend conference with a friend. Lagi kasing ako lang mag-isa lalo na pag puno ang sched ng mga kaibigan ko. Naeexcite ako.
Haskell: This is my first time naman to attend.
Hesed: Woahh. Ang saya. Another milestones na magkasama tayo ah. Hahaha. I am sure you will enjoy it. I can’t wait.
Haskell: Hahaha. That’s for sure. So, here’s to more milestones natin together.
After that, narating na namin yung venue. Pagkapark, bumaba na agad si Hesed, tas pagkababa ko ay hinawakan niya agad ang kamay ko at hinila kung saan ang registration, napatawa na lang ako ng kaunti dahil she looks so cute being so excited. Parang inosenteng bata. At siya na rin ang nagsulat para sa name plate na didikit sa dibdib namin kasi pangit ako magsulat.
Pagkatapos ay pumasok na kami. Sa gitna kami pumwesto para sakto lang ang level sa panonood. Nags-set up na ng musical instruments nung pumasok kami. Malamig sa venue kung kaya’t tinanggal ko ang aking jacket at nilagay sa kanyang balikat dahil kita ko na giniginaw siya. Ngumit siya sa akin at nagpasalamat.
Maya-maya’y nag-umpisa na. Inumpisahan muna sa opening prayer at sinundan ng worship at praise. We were both enjoying worshiping God together, and nakakatuwa ring makita siyang ganito, yung nasa audience habang bigay todo pa rin sa pag worship at praise kay God habang katabi ko. It was then and there naramdam kong siya yung gusto kong makasama habang-buhay.
Nagsalita na ang unang speaker. Si Pastor Marcus. Ang topic ngayon ay How do we handle our emotions.
Pastor Marcus: Marami sa atin ngayon ang nagpaparule sa ating emotions. But no. We can be the boss of our emotions. Kaya we should not allow our emotion to destroy us. Paki sabi nga sa mga katabi niyo: You are the boss of your emotion.
To which we do. Then nagsalita na siya ulit.
Pastor Marcus: But it is important to feel. Masama rin namang maging stoic or manhid tayong mga tao. It’s just, we really need learn how to control our emotions. There are 2 extremities that the enemy uses rin eh. 1st is the stoicism and the 2nd one is over emotional. Stoicisms kasi mas pinapauna mo yung logic than what you feel. Minsan napapasabi ka ng “Tss. Kaya mo ‘yan. ‘Di totoo yang nararamdaman mo.” Or ‘di mo talaga hinahayaan madama yung nararamdaman mo. Minsan sa pagiging stoic natin, ‘di natin nararamdaman na nakakasabi na pala tayo ng nakakasakit na mga salita, or nakakagawa na tayo ng actions na hurtful.
And then yung over emotional naman, yan yung mga OA. Tumambay na at inexaggerate na ang feeling. Tsaka minsan sila yung mga tao na akala mo sila lang ang may feelings. Minsan sila rin yung feel na feel pag galit sila. Sila yung pinapauna muna yung emotions bago mag-isip.
Kaya ayun. We need to learn how to manage our emotions. Na “oops, galit ako, need ko muna kumalma baka kasi makasakit ako.” “Oops, masakit yung nararamdaman ko. Pahinga muna kasi baka masaktan ko rin yung nakakasama ko.” One thing rin that I learned to help that is through prayers. Parang nilalabas ko talaga sa kanya lahat-lahat. Then pagkatapos, okay na. Nakakapag-isip na ako ng tama. It is also important to know na if you act like this ba, ano bang magiging effect. Sabi nga, “You must rule your emotions, not Emotions rule you.”
I will be praying over for you na.
Heavenly father, I am praying that your light will shine upon the hearts ng mga naririto. I am praying that you will guide them in their journey of knowing and controlling their emotions. Lord, help them to make it balance po. Don’t let the enemies feed them or rile up pag nakakaramdam sila ng extremities. Lord, let their heart and mind sync rin po. Let them do well in serving yo po. In Jesus name we pray, Amen.
So, ayun. Lunch break na. I hope na may natutunan kayo. See you on the next session. Enjoy your lunch.
At lumabas na nga kami at ginuide kami papuntang pantry where andun ang catering services.