TRESH 5

1358 Words
MALALIM na buntong hininga ang ginawa ni Josh saka humiga na lang uli sa kama. Seems like her vacation leave became this more boring than what she expected. And she can’t even believe that everything ruins because of that p*****t stalker. Sigurado siyang nagdidiwang na ito dahil sa pang-iinis sa kanya. Kinuha na lang niya ang cellphone at ch-in-eck ang email niya. Nagsisisi tuloy siya kung bakit iniwan pa niya ang sariling laptop, gumawa na lang sana siya ng reports kung alam lang niyang sa kwarto lang pala mauubos ang oras niya. Napatayo siya nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Binuksan niya ito at isang nakangiting staff ang bumungad sa kanya. “Pasensya na po sa abala, ito na po ang delivery niyo,”sabi ng lalaking may bitbit na pagkain. “Wait, hindi ako umorder,” sabi niya rito. Dahil kanina pa talaga siya umorder iyon nga lang nawalan siya ng gana at hindi na iyon inubos. “Si sir. Lance po ang nagpapabigay niyan sa inyo, binayaran na po niya ang bill ninyo. Sabi po niya hindi raw kayo nakakain ng maayos. Mukhang labis na nag-alala sa inyo ang boyfriend niyo.” Napanganga siya sa sinabi ng lalaking staff. “H-hindi ko naman—“ Pinutol siya nito nang ibigay nito ang kapirasong papel. “Pa-received na lang ma’am” Napipilitang pumirma siya at iniabot pagkatapos ang papel. “Thank you po.” Napapakamot-ulo pa ang lalaki. At narinig pa niya itong bumulong. “’Kala ko pa naman single pa siya, ang ganda talaga niya.” She can’t even believe this. Bakit naman naisipan ng lalaking iyon ang pa-deliver-an siya? Ito pa ang nagbayad ng bill na nakalimutan na naman niyang bayaran dahil sa inis dito. Dapat bang kalimutan na niya ang inis para dito? Tinitigan lang niya ang pagkain, nagdadalawang isip pa siya kung kakainin ba niya. Naramdaman nga niyang nagugutom pa siya. Fine, wala na siyang pakialam kung may lason o kahit gayuma pa iyon. Nilantakan din niya ang pagkain, nang matapos ay nagsipilyo na siya at nag-ayos ng sarili. Her bestfriend is right, why she needs to ruin her life because of that guy? Kailangan niyang enjoy-in ang tatlong araw niyang bakasyon. Hindi siya dapat magpaapekto sa lalaking iyon. Sigurado siyang lalabas rin ang tunay nitong kulay at malamang ay nagbabalat-kayo lamang ito para linlangin siya. All men are same, lolokohin lang siya. Matapos makuha ang ninais ay para siyang ragdoll na iiwanan na lang kapag napakinabangan na. At walang pinag-iba rito ang lalaking ito. Atubiling sinulyapan lang ni Josh ang pagkain. Saka kinuha ang mga gamit. Wala na siyang peace of mind sa Resort ng kaibigan. She need it and she wanted to be relazed. Sa paraang ito matatakasan niya ang lahat, including HIM. HIM, that already occopying her mind. Mawawalan nga talaga siya ng peace of mind. Lalo pa at ayaw huminto sa pagtakbo sa isipan niya ang lalaking ito. "My God! Ganito na ba ako nababaliw? Bakit kasi panay ang singit niya sa utak ko, peste! Sarap talaga niyang isako saka ihagis sa dagat," gigil na saad niya. Muli siyang nagbalik-lakad sa loob ng kwarto, nagdadalawang isip na tuloy siyang umalis. In the end, naisip niyang magtungo sa terasa at dumungaw roon, baka sakaling may malanghap siyang FRESH na tanawin. "Hey! Looking for me!" Bigla siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang boses na iyon na parang napakalapit lang. "Ikaw?" halos mabilaukan siya sa gulat nang makita itong nasa tabi lang ng pasilyo at isang railing lang ang pagitan. "Damn you!" saka padabog na iniwan ito at dumiretsong balik sa kwarto. Wrong idea talaga na lumabas pa siya at dumungaw roon. Napakaswerte naman ng walang hiya at sa tabi pa talaga niya ang kwarto nito. Gustong-gusto na tuloy niyang pilipitin ang leeg nito, the next time na magkrus na naman ang landas nila. Hindi na nag-alinlangan si Joshana, agad niyang inempake ang mga gamit at mga damit. "Kung gusto niya rito sa Resort, fine! Ibaon ko pa siya rito eh!" Agad kinuha ni Josh ang car keys sa receptionist at nagpaalam na. Hindi na siya nagpaalam pa sa kaibigan. Alam niyang maldita talaga siya minsan hindi, pero KADALASAN oo. Hindi niya kayang magtiis doon na kasama ang hinayupak na lalaking iyon. Lalong gumugulo ang mundo niya. Mabilis siyang sumakay ng sariling sasakyan at pinaharurot iyon. Bahala na kung saan siya dadalhin. KANINA pa palakad-lakad si Tresh sa loob ng kwarto, hindi sya lumipat ng resort, pero bakit sinasabi yata ng isip niya na dapat niyang sundan ang babaeng iyon. Isa pa, may karapatan naman siya kung tutuusin. Ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para ipaalam sa babae ang totoong pakay niya. Hindi na nakatiis si Tresh, kinuha niya ang ilan niyang mga gamit, he will move to her place. Nagpaalam na rin siya kay Karline—ang may-ari ng resort, na may pupuntahan lang siya at babalik din siya kaagad. But still, he will pay his room. Mabuti na nga lang at hindi na nang-usisa pa ang babaeng may-ari ng resort kahit pa alam na nito ang tungkol sa kanya. And he knew he can trust her. Magpa-park na si Tresh ng sasakyan nang makita niya ang sasakyan ni Joshana na unti-unting lumalayo palabas ng Resort. “Darn! Saan naman kaya ang punta ng babaeng iyon?” hindi niya mapigilang mag-isip. Sigurado siyang kotse iyon ni Joshana, dahil ito rin ang namataan niyang dala nito palabas ng Resort ni Karline. Hindi na niya itinuloy sa pag-park ang kotse, balak niyang sundan ang kotseng iyon ni Joshana. Hindi pamilyar sa kanya ang daang tinatahak nito hanggang huminto ito sa tapat ng isang bar. Hindi muna siya agad pumasok, baka mapansin na naman nito ang presensiya at mainis na naman sa kanya. He never intended to do this such stupid things. But then when he found out that he has a hold on her, saka lang siya nagkaroon ng interes. Wala siyang balak inisin ito, but she found her cute when ever she is mad or being annoyed. Lalo pa ngang nadadagdagan ang ganda nito. Lalong gumulo na nga sa kanya ang lahat, maski siya ay hindi na niya maintindihan ang sarili. He was dying to touch her and hold her. He was dying inside without seeing that woman. And he wants her MORE. She looks frustrated and stressed nang makita niya itong umiinom ng isang baso ng alak. Napasabuot siya sa sariling buhok nang maisip na baka kasalanan niya kung bakit nagkakaganun ang babae. Narinig niya mula sa bartended na umorder ito ng Vodka. Nang mapansin niyang nakadalawa na ito, handa na sana siyang lumapit kaya lang ay may nauna sa kanya. Umakbay ang isang lalaki kay Joshana. Tiyak niyang hindi ito kasama ni Joshana dahil ayon sa kaibigan nitong si Karline, wala na itong naging boyfriend after her last relationship. Isa pa ay ayaw raw nito na mag-commit muna. And he was wondering why she deals with a marriage without knowing a person yet. Does he need to ask her? Maingay at madilim ang kinaroroonan ni Joshana at ang isang lalaking nakaakbay rito, hindi niya maaninag ang hitsura ng lalaki. Nag-iinit na siya sa upuan lalo na nang makitang hindi inaalis ng lalaki ang akbay nito kay Joshana at nakikipagtawanan pa ito sa lalaki. Nag-usok bigla ang tainga niya. Hindi rin niya gaanong marinig ang pinag-uusapan nila dahil maingay. Tumagal yata ang upo niya roon at nakamasid lang kay Joshana nang may lumapit sa kanyang waiter at hinihingi ang order niya. Wala siyang balak umorder, kaya napilitan siyang pumili ng order. Nang muli niyang tanawin si Joshana ay wala na ito roon. “s**t!” Hindi niya mapigilang bulalas lalo na nang maisip niyang maaaring kasama nito ang lalaking namataan niya kanina. Nag-iwan siya ng bayad sa table at madilim ang anyong lumabas ng Bar. He needs to find her before its too late. Lumabas siya ng Bar, naroon pa rin ang sasakyan ni Joshana. Maaring sasakyan ng lalaki ang ginamit nila. Nag-init ang pisngi niya at napakuyom ang kamao sa isiping naglalaro sa utak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD