"IT'S time to wake up, Hon." Kinusot muna ni Charina ang mga mata. Hindi talaga niya mabasa ang iniisip ng asawa. Palaging tila may tinatago itong sorpresa at mabibigla na lang siya sa sorpresang iyon. "Com'on, Hon. Hindi pinaghihintay ang maligayang araw na ito." Napilitan na tuloy siyang bumangon. Nakapanghahalina ang amoy nito at kung paano ito maglambing ngayon. "Fine. Babangon na po, kamahalan." It's almost three months na ang tiyan niya, hindi pa gaanong halata, parang may bilbil lang siya. "Girls, kayo na ang bahala sa Misis ko." Napaangat siya ng mukha at nasilayan ang tatlong pares ng mga mata. Sigurado siyang mga asawa ito ng mga ka-member ni Jarvis. "Teka lang. What the hell are you doing here?" "Opps! That shouldn't be the right question, dear," malambing ang tinig

