NAGULAT si Alfer sa reaksyong iyon ng dalaga. Bakit ito nagalit? Agad niya itong hinabol at naabutan saka hinila ang braso ni Rissa. "Wait. Nagkakamali ka. Hindi ako ang ama ng anak niya kundi si Romervan and I didn't r**e her. That's a false accusation." "Bakit ka ba nagpapaliwanag?" Huminto rin naman ito at nagtataka. Pinagtatakhan na rin ni Alfer ang sarili. Ano nga naman sila ni Rissa? "Hindi mo kailangan magpaliwanag. Hindi mo ako pananagutan." Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak niya sa braso ni Rissa hangga kusa nitong bawiin. "Salamat sa paanyaya. I need to go," anito. Napuno na ng pagtataka ang isipan niya. Bakit marunong itong mag-english? Siya na ba ang karma niya? Minanipula din ba siya nito nang wala siyang kaalam-alam. Nakapara na ito ng Taxi at nakasakay na. Aga

