ICE 1

2634 Words
HINDI pa rin makapaniwala si Chilien na nakapagtayo na siya ng sarili niyang Restaurant mula sa pamana ng kanyang nasirang magulang. Pinagsikapan niya ang lahat ng kung anong mayroon siya. Nasa kusina si Chili at nag-oobserve sa kanyang mga tauhan. “Chili!” Napalingon siya sa tawag ng kanyang bestfriend na si Bhea. Naglakad ito patungo sa kanya, sumalubong naman siya saka sinamahan itong maupo sa bakanteng pwesto sa loob ng Restaurant. Bhea o Benedict Estrella on the birth certficate is her bestfriend. Transgender ito na pinagawa pa sa Thailand. Dangan nga lamang at mukhang mas maganda pa ito sa kanya. “Hi! Kanina ka pa ba?” Pinaupo niya ito sa katapat na silya saka naman siya naupo. “Hindi naman,” sagot nito “Masayang-masaya ako para sayo, Chili” Halata nga sa pagkakangiti nito na masaya ito para sa kanya. Alam din naman nito ang mga hirap na pinagdaanan niya para makamit ang tagumpay na pinakaaasam-asam niya. Nang mawala ang pamilya niya at maghirap siya, lahat ng mayroon siya ay kasabay na ring nawala at tanging ito lang ang hindi nang iwan, ang siyang tinuring niyang tunay na kaibigan. “Salamat Bhea. By the way, wala ka bang ibang pinagkakaabalahan ngayon?” Binuksan ni Chili ang menu book at sinenyasan ang waiter para sa order nila. In-offer niya ang best selling for the month nila. “Hindi naman kasi ako kasing yaman mo,” malungkot na banggit nito saka naglabas ng wallet mula sa bag nito. She stopped her from pulling penny out of her wallet, she treat her for staying her all the time. She just deserves the treatment. The time is not enough for them, pakiramdam niya ang bilis lumipas ng oras. "Kaya pala kita pinatawag dahil alam kong kailangan mo ng trabaho. In case you are interested to be my Secretary." Nagningning ang mata nito na kaagad ay binawi. "I ever you are availbale. You know how to reach my number. Tawagan mo na lang ako." Napansin naman niyang mukhang nagustuhan nito ang ideya niya, nagpaalam na rin siya rito matapos at sinabi nitong tatawagan na lang siya once she settled everything. Pagdating sa labas ng Restaurant, itinawag pa niya ito ng Taxi upang masakyan pauwi at nang makalayo na ang Taxi saka na siya bumalik sa loob ng Restaurant at naupo sa Swivel Chair, sa loob ng maliit niyang opisina. Inumpisahan na niyang basahin ang nakapilang folders roon na naglalaman ng sales invoices for the first consecutive weeks. 'Napakasaya ko talaga. Sa wakas natupad ko na ang pangarap kong magtayo ng Negosyo, ang THE CHILIEN RESTAURANT,' sabi ng kanyang isipan. Bagay nga ang puwesto na iyon, because it was good for the sight of the people working near the site. Plus there is no other establishment other than her Restaurant to compete with. But her confidence won’t make her do the victory as she transferred her gaze on the tinted glass wall. “Ano kaya ang establishement na iyon?” Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Kasisimula pa lang ng Restaurant niya may magiging karibal na agad siya. Kaya nga siya nag-aral ng Business Management major in Marketing Managemet para madali na lang sa kanya ang magpalago ng negosyo. Her parents died in an accident, her father is an engineer. During the project, her father was on the site kasama ang kanyang ina. Nagkaroon ng aksidente sa Site kung saan ang pagkakaalam niya ay isa sa mga worker ang dahilan ng aksidente. Matinding pinsala ang natamo ng Dad niya para sa pagsagip sa Mother niya. Binawian ng buhay ang Dad niya, while her Mom proclaim as dead-on-arrival. Chilien was their one and only daughter and as being a daughter, she almost surrendered, halos isumpa niya ang lahat, lalo na ang dahilan ng pagkamatay ng Parents niya. That was three years ago, but for her it was a fresh-in-mind event na hindi na yata mawala sa utak niya. Pasara na ang Restaurant at siya na lang ang naiwan, hindi na niya namalayang nagsipag-uwian na pala ang mga tauhan niya. Nilapitan siya ni Janus, ang head Chef ng Restaurant. Tinuyo muna niya ng palad ang luhang naglandas sa pisngi niya. “Boss, 'di pa ba kayo uuwi?” Lumingon ito sa paligid. “Madilim na po sa labas, baka mahirap—“ Bago pa nito tapusin ang sasabihin inunahan na niya ito. “I have my car, remember?” Saka niya ito pinatamaan ng matalim na tingin. “Kung wala ka ng gagawin o sasabihin, makakaalis ka na.” “O-Okay,” pag-alinlangan nito, kinapitan ata ito ng kaba at hindi na nakapagsalita. She was rude, strict and tyrant, as everybody look her as a highly queen. Palabas na ang tao niya nang muli niya itong tinawag. Mabilis namang lumingon ito at nilapitan siya, bago pa umabot sa tatlo ang utos niya. “By the way, I suggest you to prepare a Chili Ice cream with cashew nuts to make a change.” “Pero paano ko po –“ kokontra pa lang ito nang biglang nagsalita si Chilien. “And it’s for you to find out and do an experiment. I need something new in our recipe, not just ordinary chili main recipes to stand out the Restaurant. That’s your project Mister Janus Aviaje, ang utak gamitin minsan para hindi nangangalawang. Good bye.” Agad na itong naglakad palayo na hindi na siya nilingon, tiyak ng hindi na nito mataas ang ulo dahil sa pambabara niya. She was that kind of woman from the start, she manages to be strong after her parent’s death and that is one of her cute-little-attitude. At wala ni isa man sa empleyado niya ang nakakakontra sa kanya at sa mga desisyon niya, not even her boyfriend, I mean past boyfriend. That is Ally Dominguez, they broke-up right after the incident. Kaya kung sino man ang patamaan niya ng mala-balisong na talim ng tingin, malamang sa malamang titiklop din ang tuhod or di kaya, atakahin na lang sa puso. Tumunog ang wind chime sa entrance door, indication that someone had been entered the door, hindi naman niya agad itong pinansin, saka na lang siya nagtapon ng tingin nang tuluyan na itong makapasok sa opisina niya. “Tsk! Tsk! Tsk! That’s how bad of you Chili.” It’s her cousin Rodge Sta. Mina and ever mapang-asar niyang pinsan na imbis na makatulong, bumibisita pa para inisin siya at guluhin ang araw-araw niyang buhay. “Ano na namang masamang hangin ang nagdala sa’yo rito?" “Kararating ko lang galing Thailand iyan lang ang itatanong mo sakin, wala bang kiss or hug man lang?” Oh, did she forget ever conceited, playboy Jerk, na walang inatupag kundi ang mameste ng buhay ng may buhay kagaya ngayon. Naupo ito sa kabilang side ng swivel chair niya, ang kapal ng mukha, pakiramdam nito isa siya sa may-ari. Iniikot niya ang kanyang mata dahil sa pagkairita. Kung puwede lang sipain niya ito palabas ng Opisina niya, hindi na sana siya nahirapan na makipag plastic-an dito. “I never told you to sit, but you sitted.” “I saw you and your employee, masiyado ka naman sigurong nagiging brutal. Try to be human for a cause.” Isa pang irap ang ginawa niya saka niya tinikwasan ng kilay. “Kumpara sa’yo humble pa ako at hindi ubod ng kapal ng mukha na halos hindi na masikmura. Hindi pa ako nagtaas ng bangko, samantalang sa’yo wala pa ngang bangko, may iniangat ka na.” She managed to be calm, kahit ang totoo intact na ang kainisang malapit na namang umakyat sa ulo niya. Gusto na niyang buhatin ang desktop computer at ihampas dito , makaramdam man lang. Barumbado na, manhid pa. Could he just manage to mind his own business? But for once, sige dadagdagan pa niya ang pang-aasar dito, para kaunting tulak na lang mapipikon na ito. “And it’s my liberty to manage everything in my TERRITORY,” she stresses the word. Ano ka ngayon? Gusto mong makipagbarahan, I will give you a chance. Hindi na lang nakaimik ang pinsan niya para sagutin sana ang mga sinabi niya. Patalikod na ito nang muli siyang sulyapan. “Well, I see it’s already late, sumabay ka na sa'kin pauwi.” “As you see, I’m busy.” Tuluyan na itong lumabas ng Opisina at Restaurant niya, hindi na niya ito nagawang sulyapan man lang, para sa kanya hindi ito napakahalagang tao para sulyapan at bigyan ng pansin. At ngayon nga, out of focus na siya dahil sa presko niyang pinsan na walang maipagmalaki kundi ang kayamanan ng Tiyahin niya na ipinasa rito para i-manage. Hindi naman niya kasi talaga ito kadugo, ito ang nag-iisang ampon ng tiyahin niya na kapatid ng Daddy niya. Ilang minuto rin, nagpasiya na rin siyang umuwi. KALAMITANG maaga pumapasok sa Restaurant si Chili para mag-observe and this is the first time na na-late siya ng dating, na pinagtakhan ng mga empleyado niya. Ga'non na lamang ang inis na bumungad pagkapasok niya sa Restaurant na halos ikagiba na dahil sa galit niya. “Bwisit! late na nga ako, ito pa ang maabutan ko. Bakit dyan pa nagtayo ng Restaurant ang taong yan! Tinapatan pa talaga ang corner ko!” Kung hindi lang siguro tiled ang sahig kanina pa ito nabutas kapapadyak niya sa inis na hindi pa rin humuhupa. Ayaw sanang makialam ng isa niyang waitress employee kaya lang hindi nito napigilan ang sariling bibig. “Pero ma’am it’s not a Restaurant, It’s a Bar and coffee shop at 8pm to 7 am lang po iyan bukas,” suhestisyon nito na parang pinangangalandakang di siya nag-iisip. “Shut up! I don’t need your opinion and I’m not asking for it.” Napahiya lang tuloy ang waitress, bumalik ito sa pwesto nito, samantalang siya, halos padabog niyang inilapag ang dala niyang bag at saka inihanda ang sarili sa pagsugod sa Bar or coffee shop. She didn’t notice the fast construction of that establishment, it took a snap of a finger, masiyado na nga yatang diluted ang utak niya kaya hindi niya agad napansin na nag-ooperate na ang magiging kakompetensiya niya. Parang susugod sa giyera ang anyo ni Chili nang makarating siya sa shop na iyon. Lahat ay napatingin sa pagdating niya, tinaasan niya lang ito ng kilay. Lumapit siya sa isa sa waiter na naroon saka nagtanong. “Where is the owner of this Shop? We need to talk.” Nagtatagis ang bagang niya sa inis, kaya mabilis na hinanap ng Waiter ang Amo nito para iharap sa kanya. Naparating naman ng Waiter ang sinabi ni Chili sa assistant ng may-ari. “Ice, excuse me,” agaw pansin ng assistant niya habang nakatutok ang mata nito sa desktop. “Yes Margo?” “Ice, may bisita po kayo sa labas. I don’t think if it is urgent, pero galit daw po ang naghahanap sa inyo at kailangang niya kayong makausap.” “Ganoon ba, may bisita agad ako. Sikat na pala ang shop ko.” Iwinalang bahala nito ang word na GALIT. “Sige sabihin mo, tumuloy na lang siya rito.” Sumunod din ang assistant nito, tinungo ng babae ang nakatayong si Chilien sa long table bar Counter. “Ma’am, pasok na lang po kayo sa loob sabi ni Ice.” “Tell him that I need to talk to him NOW. Hindi ako mag-aabalang pumunta rito para bisitahin lang siya. I can wait here. Dito ko siya gustong makausap,” paglilinaw niya habang naka-cross arms at salubong na rin ang mga kilay. Pinigilan pa niya saglit ang babae. “By the way, tell that I’m the Restaurant owner.” Nawala ang aura sa mukha ng babae bumalik din ito sa pinanggalingan at nang makabalik, kasama na nito ang hinahanap niya. “So you are the owner of this poor shop,” salubong niya na naka-cross arm pa rin sabay tikwas ng kilay. Napamaang ang lalaki dahil sa inasta niya. “Yes, can I help you?” Nakangiti pa rin ang mga mata nito na parang iniinsulto siya. “I’m hoping so. What rights do you have para magtayo ng Shop? At tinapatan mo pa talaga ang corner ko,” nakapamaywang niyang pagtatapon ng tanong saka hindi inaalis ang pagkakatingin dito. Hinihintay niya itong magpaliwanag habang may dugo pang dumadaloy sa sistema niya. “You know Miss Chilien Fabregas, we can talk it out in my office and because that is private.” Saka humalukipkip ang lalaki na parang hindi natinag sa aura niya. Aba matindi, ito lang yata ang kayang pantayan ang galit niya. Oh, e 'di patunayan niya. “You know my name? Baka naman matagal mo na itong balak? Answer my damn question, will you? Kung ayaw mong idemanda kita,” pagbabanta pa niya. “Bakit ka nagtayo ng bulok na Shop sa tapat ng Restaurant ko?" gigil at seryoso niyang tanong. Natawag na pala nila ng pansin ang mga naroroon dahil sa taas ng boses ni Chili. “Wow hah. Miss, 'di mo naman kailangang mag-eskandalo—“ “Gagawin ko ang gusto ko.” Nawala na ang payapang aura ng lalaking kaharap dahil sa pambabara niya. “In what grounds will you sue me? And as far as I’m concern, you are here in my property, ako pa nga ang puwedeng magdemanda ng oral defamation sa’yo.” Hindi siya nagpatinag, magdemandahan na kung magdemandahan. “I don’t care Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Hindi ako papayag na matalo—‘’ Kung kanina, siya ang nang putol, aba, ngayon ito naman ang gumaganti bigla ba naman siya nitong hinila at tinakpan ang bibig niya papunta sa kung saan –sa office nito. “Sumusobra ka na, let’s talk it on my office,” bulong nito na sakto lang na narinig niya. Nauna siyang nakapasok sa Office nito, nagpupumiglas siya para bitiwan siya ng lalaki na parang nag-eenjoy sa pangmomolestiya nito. “We are here, now explain to me. Ako ang naunang magtayo ng Resto,” nakapamaywang na sabi niya. “I know,” sabad nito na umikot para makaupo sa sariling swivel chair. Kumalma ang anyo nito. “Pero ako ang naunang bumili sa lugar na ito. You can ask my Engineer for the confirmation.” Nilapitan niya ito at niyanig ang mesa sa harap nito nang paluin niya. “Hindi ako makapapayag! You should close this damn establishment of yours.” At pinakataas-taasan pa talaga ang kilay just to emphasize her line. “Or else gusto mo talaga akong kalabanin.” Tumayo ito sa kinauupuan, umikot patungo sa kanya at nilapitan siya na inilang hakbang lang nito hanggang halos magtapat na ang mukha nila. “Hindi naman ako natatakot sa iyo.” “I will do everything para mapabagsak ang Shop mo.” Oo nga at may dating ito hindi nga lang sa kanya, hindi siya matitinag sa charm nito, sinalubong pa niya ang titig nito. “Trust me, I will ruin your shop. Sisiraan ko ito sa lahat.” Napaatras siya nang bigla nitong tapikin ang pisngi niya na hindi niya inaasahang gagawin ng kumag na ito. “You are a dirty gamer, my lady. Wow hah, para di ka naman mapahiya, pagbibigyan kita” Humalukipkip pa ito at ngumisi ng nakakaasar. Sa inis niya tinalikuran niya ang kumag, didiretso na sana siya sa pinto nang muli itong magsalita at nagpahabol sa kanya. “By the way, don’t forget my nice name. ‘Icequiel Tamayo or Ice’, ang pinakagwapong lalaki.” Napahawak siya sa sariling dibdib nang makahinga siya nang maluwang matapos ma-corner siya nito not a long ago. Dala niya ang nakasimangot na mukha nang makabalik siya sa sariling opisina. “You dead monster! You're ruining my day, may araw ka rin," sambit niya habang nakakuyom ang mga palad. Titiyakin niya sa sariling hindi siya magpapatalo sa hinayupak na ito at handa niyang tawaging walangya ang taong ito hanggang huli. Hindi alam ni Chilien kung saan niya kinukuha ang galit na namuo sa dibdib niya, basta ang alam niya, ang Business lang dapat niya ang manguna. Makasarili na kung makasarili, pero lahat ng Rugs-to-riches, ganoon ang mararamdaman. Sobrang hirap ang pinagdaaanan niya para makamit ang tagumpay niya at ngayon manganganib lang dahil sa pesteng lalaking ito. Matira-matibay, but she was definitely sure hindi niya ito aatrasan. Nagkamali yata ito ng kinakalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD