NATUWA si Ofelia nang malamang pumasa na siya sa naaplayang trabaho. Isa na siyang sales agent. Para sa katulad niyang College level, sadyang napakahirap mag-apply ng trabaho kaya hindi na siya magiging mapili. Kapag na-aral na niya ang english, balak niyang mag-apply na sa call center na mas malaki ang offer. Tatlong magkakapatid sila Ofelia. Siya ang panganay, ikalawa ang lalaki at isang bunsong babaeng special child. Ang ama ay isang mekaniko, habang ang ina naman ay nagtitinda ng gulay sa kanilang tindahan. Kapag may bakante siyang oras, minsan siya ang tumutulong sa ina para sa pagtitinda. Natutuwa nga ang kanyang ina kapag naroon siya. Maboka at bibo kasi si Ofelia. Iyon nga lang dahil sa hirap ng buhay ay hindi na siya nakapagpatulog ng pag-aaral, hanggang second year lang. Mas pri

