NAPATAYO sa kinauupuan si Terrence nang may padabog na naglapag ng blue print sa mesa. "What did you say to my Father? Sinira mo ang unang project ko!" galaiting sabi nito at pulang-pula sa galit ang maputi nitong kutis. It was Cindy Irish Ling, the only daughter of Mister Ling. Mukhang napasugod ito nang mag-suggest siya ng ideya sa ama nito tungkol sa ico-construct na proyekto at business na nais ni Mister Ling. "Wala man lang Hi there?" "I'm not in the mood right now, Mister Armadillo." Umatras ito at nag-cross arms. "Tiyak iisipin nila na girlfriend kita at nagseselos ka mula sa anyo mo, Cindy." Bigla itong namula. "Wala akong pakialam. Explain to me first why you ruin my dreams?" "Wait a minute. Have you already seen the site? I guess not. Let me prank you right now, that site

