ISANG buwan na nang mamatay ang Lola ni Arissa. Isang buwan din siyang hirap makapag move-on. She was still on process of moving on. Dala-dala pa rin niya ang sulat na huling habilin ng kanyang yumaong lola. Ulila na sa mga magulang si Arissa, ang tanging ;ola na nag-alaga sa kanya mula nang dalawang taon pa lamang siya ay wala na rin. Kung kailan nag-umpisa na siyang magtrabaho saka naman ito nagpaalam sa kanya. Alam naman niyang mahina na ang kanyang Lola Preciousa at darating talaga ang puntong mamamaalam din ito sa kanya anumang oras kaya lang ay hindi pa rin siya handa. She's twenty seven years old, graduate of BS nursing sa isang State University sa kanilang probinsya. Nagsimula na rin siyang magtrabaho iyon nga lang sa kabilang bayan pa at kada weekends lang siya nababalik sa knila

