HE SHOULDN'T have been drunk. Kung anu-ano na kasi ang nakikita niya. Bakit may anghel na bumaba sa kalangitan? "Why an Angel is here? Sigurado akong sa impyerno ang bagsak ko." "Hindi ako si Angel. I'm Veronica. God! Lasing ka nga." Natawa siya sa sinabi ng babae. Kung hindi ito anghel, bakit kumikinang ito? May magandang pares ng mga mata, maganda ang ilong at mapipintog ang mapupulang labi. Ibig sabihin, nananaginip lang siya? "Damn! Am I really dreaming? This angel was standing in front of me." Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. "I'm so sorry. Sorry sa nangyari. Sorry dahil nabulagan din ako." Hinawakan din ni Aldrich ang kamay nito. "Kukunin mo na ba ako? Huwag muna. Hindi ko pa nasasabi kay Veronica kung gaano ko siya kamahal." "Nasabi mo na at ito ang tugon

