NAPASUGOD si Charina sa kanilang bahay para hanapin ang mga magulang. Siguradong hindi siya ang taong padalos-dalos kumilos at hindi pinag-iisipan ang lahat. Pero bakit ngayon ay naiiba? Lalo na kung kalayaan niya ang pag-uusapan. Isinakrapisyo niya ang sariling kalayaan para lang pala wala siyang mapakinabangan at napunta lahat sa Ate niya. "Chari? Ikaw ba 'yan? Anong ginagawa mo dito?" Tila nabigla ang kanyang Ina nang makita siya. Hindi ba siya nito inaasahan o may nililihim pa ito sa kanya? "K-Kailan ka pa bumalik? How's your honeymoon?" "Mom, I need the truth. Pumunta ako s opisina kanina. Nalaman kong si Ate Sabrina na pala ang ipinalit sa akin dahil sa pagpapakasal ko." "Totoo ang lahat ng narinig mo." Boses iyon ng kanyang ama. "Alfredo!" "Narito na siya, sabihin na natin sa

