TUMAYO na si Charina nang akmang gagawin na naman ng asawa ang sinasabi. "Kung gutom ka, sa'yo na 'yan. Nawalan na ako ng gana." Pagkasabi ay agad siyang naglakad patungong kwarto at pabalibag na sinara ang pinto. She didn't expect that she let her guard off to this man. Nasaan na ang pagtataray niya at kasutilan? Bakit tila nabahag ang buntot niya. Hindi pa rin pala nagbabago si Jarvis. He was still the Jar he knew ten years ago. Except for the fact na mas naging mama na ang datingan nito. Wala na ang dating binatilyo noon. Hanggang ngayon nambubully pa rin ito at favorite pa rin siya nitong bully-hin. Naligo na lang si Charina kaysa pag-aksayahan ng oras ang Gallejo na iyon. Napilitan rin siyang lumabas ng kwarto dahil sa pagka-bored. Nakasuot siya ng fitted ripped jeans na tin

