KANINA pa pinasasadahan ng tingin ni Charina Acosta ang kabuuhan ng hitsura mula sa man-sized mirror. Ang pakiramdam na hindi pa seksi ang suot niyang Navy blue dress na humuhukab sa kurba ng sariling katawan. Pupuntahan ni Chari ang hitod niyang future husband. Salamat sa informer at matutunton na rin niya sa wakas kung saang lungga nagtatago si Jarvis Gallejo. Ang pangalang minsan ay nagmarka sa utak niya. She never imagined herself na maghahabol siya sa lalaki. Hindi kaagad pinapasok ng prestihiyosong Clubhouse si Charina, wala kasi siyang maipakitang member ID. "Siguro naman kilala na ako ni Jarvis. Tell him that I am his future wife," matapang na sabi niya sa Receptionist. "Let her go, Tiffany." Napalingon siya sa nagsalita. Malayo ito sa picture at imposibleng ito ang hinahan

